A PLEASANT SURPRISE

3.5K 83 6
                                    

A/N: This chapter may or may not contain any spoilers in regards to Ridge and Zamiel's actual story. Who knows? In any case, enjoy reading!

Happiest birthday to Ritsu Sakuma and the character he inspired me to create, Ridge Gonzales!

*

BIRTHDAY PRESENT
A Pleasant Surprise

ILANG beses na napalunok si Zamiel habang hawak ang maliit na kahong ilang linggo na rin mula nang binili niya. Putang ina, lumulukob na sa dibdib niya ang kaba at nanghihina siya sa bawat paglipas ng oras. Hindi siya magsisinungaling kung sasabihin niyang natatakot siyang harapin si Ridge ngayon! Ayaw nga niyang makita siya ng binata na tuliro't natataranta.

Ridge’s birthday isn't even supposed to be a special day but this day is all about Ridge and there is no way that he won't contribute to the celebration as that guy's boyfriend – even if they're just pretending.

But right now, he's just problematic. Ang mabuti, nasa labas pa siya kaya kahit na rito siya mataranta't kabahan ay ayos lang, nakatago sa mga halaman para hindi makita ng binata. Also, if he wants to ditch the party because he chickened out, it'll be quick to do even if he'd have no face to show to Ridge the next day.

"Hoy!" panggugulat sa kanya ni Zachariel, dahilan para maibato niya sa hangin ang kahong hawak at halos mahulog. Mabuti na lang, nasalo niya agad bago pa bumagsak, "oh?! Napapa'no ka?! Ba't ang jumpy mo? Kabado ka ba? 'Di ka naman kakainin ni Ridge!"

Saan ba galing ang demonyong ito?!

Tinapunan niya ng masamang tingin. "Gago ka ba? Gago ka ba?! Abnormal kang putang ina ka-"

"Hep!" pigil sa kanya ng kakambal, "pinapaulanan mo na naman ako ng mura e gusto lang kitang kumustahin!"

Nagngingitngit ang mga ngiping pinagmasdan niya si Zachariel. Mukha ba siyang ayos? Tinakasan na nga yata siya ng kulay sa mukha sa sobrang kaba! Tang ina, para siyang may inaalagaang daga sa dibdib.

"Nagsimula na ba 'yong party?" tanong niya imbes na sagutin ang kakambal, "nando'n na ba si Ridge?"

"Oo naman. Hinahanap ka nga," sagot naman ni Zachariel bago ipinagkrus ang mga braso, "gusto mo bang makita? 'Di naman naka-gown 'yon."

"Tang ina mo, ba't magga-gown?!"

"Ewan ko! Nagsuot nga ng dress noong huli kang binisita! Ano bang pinapagawa mo ro'n?!"

Pinamulahan siya ng mga pisngi. "Wala akong ginawa sa kanya! Ni 'di ko nga sinabihang magsuot ng gano'n!"

Ayaw niya lang talagang sabihin kung anong mayroon dahil siguradong tatawanan siya ni Zachariel. Kanila na lang ni Ridge iyon. 'Tsaka, wala iyong kinalaman sa selebrasyon ngayon at sa plano niya!

Noong mapansin ni Zachariel na tensed si Zamiel, tinapik nito ang likod niya.

"Kumalma ka nga, 'di ka naman magpo-propose," anito.

Marahas siyang bumuntong hininga. "Hindi nga! Ba't naman ako magpo-propose, ni 'di ko nga gusto si Ridge!"

Malakas na tumawa si Zachariel nang sagutin niya ito nang ganoon. Then, his brother began to push him somewhere which he didn't like so he kept on returning to his hiding spot. Hindi nagtagal, medyo napikon ang isa.

Idiots in Love (BxB, COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara