Kabanata 12

5.2K 253 22
                                    

KABANATA 12

TRUE to his words, tinanggihan ni Ridge ang alok ni Zamiel na matulog sa kanila matapos siya nitong iwan kanina sa terminal.

Sino bang matutuwa matapos gawin iyon sa kanya ni Zamiel? Mabuti nalang talaga ay binalikan siya nito dahil kung sakali, mumultuhin niya ang binata ng isang linggo.

Nakababa na sila sa tapat ng street nila nang sabihin niya iyon. At ngayon, kanina pa siyang pinipigil ni Zamiel na umuwi.

Mukhang hindi matanggap.

"Anong—?" Parang nagtataka na anito. Napahawak din ang binata sa baba nito at huminga ng malalim, "'Di ka matutulog sa 'min?"

He nodded his head weakly. Hindi siya natuwa sa ginawa nito kanina kahit na alam niyang kasalanan niya ring hindi niya ito sinundan.

But that was too abrupt that Ridge failed to follow, anyway.

"Teka, bakit?!"

Naniningkit ang mga matang napatitig siya kay Zamiel, ngumiwi rin siya noon bago namamanghang bumuntong hininga.

Bakit ang clueless nito samantalang pupwede naman nitong alalahanin ang sariling kalokohan?

"Anong bakit?" Napahilot siya noon sa sentido, "Isipin mo. Summa cum laude ka naman, kaya mo na 'yan."

"Don't bring my achievement back in college here," May pagbabanta sa boses ni Zamiel pero bumuntong hininga rin ito.

Still, at least think. Malalim ang buntong hininga na pinakawalan niya.

"I mean, it doesn't hurt to think—"

"Shut up," Agap naman sa kanya ni Zamiel, "I am thinking right now, Ridge."

Matalim ang tinging ibinato sa kanya ng binata pero hindi niya iyon alintana. Palagi namang nakasimangot ang isang ito, nasanay nalang siya.

"'Wag mo sabihing masama loob mo noong iniwan kita kanina sa may terminal ng jeep?"

Kaagad siyang tumango. Ano pa ba't itatanggi niya samantalang iyon naman talaga ang dahilan?

"What, seriously?!" Gulat nitong utas, "The heck, I literally came back for you after I noticed that you weren't behind me!"

Parang ayaw na magsink in kay Ridge ng sinasabi ni Zamiel. English pa ng english, pagod na siya para mag-digest ng ibang linggwahe ngayon.

"Nakakapikon pa rin," Aniya.

Matagal silang nagkatitigan bago bumuntong hininga si Zamiel at sumuko—which is totally unexpected that it made Ridge tilt his head in utter confusion.

"Okay, I'm sorry."

What the fuck? Akala niya, lalaban pa si Zamiel at matindi na naman ang irerebatt. Pero hindi, humingi ito ng patawad.

At kung hindi lang lolokohin ni Ridge ang sarili, parang tutang tinakwil ng may-ari ang kaibigan.

"'Wag kang tumunganga, tanggapin mo sorry ko, gago."

Namamanghang napatitig siya rito. Akala pa naman niya, magtatagal na parang batang inagawan ng candy si Zamiel pero hindi! Bumalik ito kaagad sa usual nitong ugali at itsura.

Demanding pa samantalang ito ang may kasalanan sa kanilang dalawa.

"Alam mo, ikaw lang 'yong kilala ko na hihingi ng sorry sa 'kin tapos magdedemand na tanggapin ko."

Idiots in Love (BxB, COMPLETED)Where stories live. Discover now