Kabanata 9

5.8K 284 28
                                    

KABANATA 9

"WELL, that hurts more than I've expected."

Malalim na ang gabi ngunit gising na gising pa rin si Ridge, nakatanaw sa kawalan – maaaring sa buwan o sa mga bituin.

"Dreams over romance."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi, inaalala ang usapan nila habang naghahapunan.

Point taken, though. Talaga namang goal-oriented si Zamiel mula noong mga bata sila. He used to declare about this before. There is nothing more important than striving for perfection.

Iyon siguro ang dahilan bakit ito perpekto sa mga mata ni Ridge? Pero hindi niya alam.

"Gusto ko magbar para magpalipas ng oras," Humikab ito, "Pero wala naman akong maaaya."

Bumuntong hininga siya at umalis sa pagkakasandal sa bintana. Tapos ay isinara niya iyon bago tumalon pabalik sa kama.

Ilang taon na ba ang lumipas? Hindi lang sampu, halos dalawang dekada na siyang may gusto kay Zamiel.

Matagal na niyang tanggap na wala silang pag-asa, pero bakit ang higpit ng kapit niya sa manipis na taling nagdudugtong sa kanila? Hindi ba at oras na para makalimot?

Ilang beses ba niyang lolokohin ang sarili? Sasabihing magmumove on pero uuwi rin naman sa binata.

Ipinikit niya ang mga mata, "Ridge, you're not a clown anymore. You're the whole circus."

Walang pag-asa.

Oras na para gumising mula sa mga pantasyang produkto ng isipan niya, ang bumitaw at maglakad palayo.

"But you're the circus," Inis niyang utas sa sarili at pinatong ang braso sa mga mata niya, "And you're probably a descendant of Bubbles."

What can Ridge even do? Zamiel had always been his home that despite the countless times that he strayed away from the man, he would still find himself choosing Zamiel.

"I'm not his home, and I will never be the one he'd choose."

Napasinghap ang binata nang may kumawalang luha mula sa mata niya.

"Damn it." It hurts.

ISANG malalim na buntong hininga ang kumawala sa mga labi ni Ridge habang nilalaro ang hawak na bote ng tubig.

Binasa niya ang mga labi habang pinanonood si Zachariel na maglaro ng basketball sa hindi kalayuan. Nagtataka kung bakit siya kinaladkad para masama sa nonexistent nitong cheering squad.

"Kobe!"

Napahilamos siya ng mukha nang isigaw iyon ng kaibigan noong magshoot ito.

Nakakahiya. Nakakabagot. Gusto na niya umuwi pero paniguradong kapag gumalaw si Ridge mula sa kinauupuan, kalaladkarin lang siya ni Zachariel pabalik.

Bakit ba kasi siya nito hinila?

"Hm, ayos ka lang Ridge? Kanina pa nakatakip mukha mo, ah. Sabihin mo lang kung may kailangan ka!"

Ah, bigla nasa malapit na ito?

Inalis ni Ridge ang pagkakahilamos sa mukha at iniangat ang tingin. Saka niya nakita si Zachariel na nakapameywang pero hawak ang baong bola.

Idiots in Love (BxB, COMPLETED)Where stories live. Discover now