Kabanata 3

7.3K 387 267
                                    

KABANATA 3

MARAHIL nirerespeto lang talaga ni Zamiel ang desisyon niyang huwag munang sabihin ang sikreto niya dahil matapos nitong magtanong, hindi na nito binuksan pa ang usapang iyon.

"Mukhang wala ka talagang balak sabihin."

Mapait siyang ngumiti bago lumapit kay Zamiel.

"Sorry, nag-aalala ka na pala."

Hindi kumibo si Zamiel, naglakad lang ito paalis at iniwan si Ridge. Napakamot naman siya sa pisngi bago humabol at kumapit sa braso ni Zamiel.

"Sabado bukas. Makisleep over ako. Laro tayo?"

"Huwag mo na ipilit. Ayaw mo naman."

Pero mas hindi gusto ni Ridge na hindi siya kinikibo nito. Ito iyon, siya rin maghahabol dahil sa ginawa niya.

"Ayaw mo? Babawi na 'ko."

Natigilan si Zamiel sa paglalakad saka siya binalingan. Naikuyom niya ang mga kamao nang mapansin din na walang emosyon ang binata.

"Sa lunes."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Zamiel.

"Lunes?"

"Lunes ka na umuwi."

Mahina nitong pagtutuloy sa sinabi bago umiwas ng tingin sa kanya.

"Ako nalang magpaalam kina tita na hihiramin kita."

Natigilan si Ridge sa iniaasta ni Zamiel. Parang nakalimutan niya ring huminga dahil dito at halos mapanganga siya sa gulat.

Ito mismo ang dahilan bakit gusto niyang umiwas kay Zamiel. Ang daming pumapasok sa isip niya sa tuwing ito ang magsasalita.

Nang hindi siya sumagot, pinukulan siya ng masamang tingin nito.

"Ayaw mo? 'Kala ko babawi ka?"

"Oo nga…"

Namamaos ang boses niyang sabi bago mahinang tumawa para kalimutan ang iniisip.

"Sige, tara para makakuha ako ng damit."

"And Ridge…"

Ridge hummed as a response.

"'Wag kang nagdididikit kay Zach masyado."

"Ha?"

Namamangha niyang nilingon ang binata, hindi mahulaan kung anong gusto nitong ipahiwatig.

"Napapano ka?"

"Wala. Naiirita lang."

"Nagseselos ka ba?"

Nanunukat ang mga titig na ibinalik ni Zamiel sa kanya. Samantalang siya ay hindi napigilang mapangisi.

"Seloso mo naman. Baka kahit ibang kaibigan sa kolehiyo, bawal 'kong magkaroon?"

Idiots in Love (BxB, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon