Kabanata 15

5.5K 221 41
                                    

KABANATA 15 

RECENTLY, Ridge kept to ask himself several things about his feelings for Zamiel. It's weird, he knows but he just had to.

Hindi niya alam kung bakit at kung para saan. Kung may benefit ba siya sa ginagawa niya o bored na naman siya kaya pinag-eeksperimentuhan niya ang sarili.

But recently, his feelings really gave him a reason to be weirded out.

"Heart is still beating fast with him around," He muttered to himself as he crossed out one probability of falling out of love, "I'm still happier with him than with any woman or man I'm spending time with."

Napakamot siya sa ulo at sumandal sa headrest ng kama, nakatitig sa hawak na notebook at iniisa-isa ang mga posibilidad na hindi na niya gusto si Zamiel.

Daig niya pa ang high school student sa pinanggagagawa niya!

Mahina siyang napamura at kinagat ang ballpen na hawak, "But I'm not hurt whenever Zamiel pushes me away. That is weird."

Noong una, ang sabi niya ayos lang dahil wala siyang inaalala? Ngayon naman, napapraning na siya dahil wala nga siyang iniisip!

"Masyado na ba 'kong sanay na lagi akong apektado sa kinukuda non?"

Kaya ngayong relaxed na siya, hindi niya nalang mapigilan magsuspetya sa sarili?

"Shouldn't I be happy, though?" Kasi sarili nalang niya ang iisipin niya. Less stress from the most dense person he ever met, "I'm freed from whatever Zamiel is doing to me."

Natulog lang sila ng magkatabi noong isang araw, kalmadong-kalmado na siya. Ni hindi na nga niya alam kung paano itutuloy ang kantang isinusulat noong isang araw dahil wala na siyang iniisip.

But then again, it's normal to feel weird, right? After all, it's been ten years.

Napapagod na 'ko mag-isip. Ridge snorted when he can't take himself anymore. Umahon din siya mula sa pagkakaupo sa kama at lumabas ng kwarto para tumungo sa kusina.

Kukuha muna siyang tubig. Baka mamaya, kulang nalang siya sa h2o kaya siya nababagot na naman at nawiwirduhan.

"Minsan ka nalang magkakaroon ng utak," Pagkausap niya sa sarili.

He yawned as he walked down the stairs, completely ignoring Aaron who looked at him weirdly when he noticed him talking to himself.

"Sasayangin mo pa kay Zamiel. Mali 'yon, Ridge."

"Are you okay?"

Ridge almost—keyword: almost—jumped out of surprise when Aaron followed him all the way to the kitchen. Halos kabubukas niya lang noon ng fridge at natigil siya sa kalagitnaan ng gagawin sana.

What is with his brother and of how he annoyingly pops out of nowhere just when he is not needed?

"I am," Halos napapaos niyang sabi nang mahimasmasan, "Napapaisip lang ako. No big deal."

"Narinig ko nga. At tungkol na naman sa asungot?"

Oo, tungkol na naman sa asungot, pagsang-ayon ng isipan niya.

Kumuha na si Ridge ng pitsel saka dumiretso sa dish rack (na may lalagyan din ng baso) para naman makainom na.

It was then when Aaron crossed his arms and leaned on the wall to stare at him intently.

"Ano na namang ginawa ni Zamiel at napapaisip ka na naman?"

"Wala," And that's the problem, the guy haven't done anything and he's mentally panicking, "Gusto ko lang siyang isipin."

Idiots in Love (BxB, COMPLETED)Where stories live. Discover now