Kabanata 19

4.9K 203 36
                                    

KABANATA 19

"WHERE do you want to go?" Zamiel asked him once they were inside Nepo Mall.

Inilibot ni Ridge ang mga mata at tinitignan ang bawat stalls. But then deep inside, he actually has no idea where to drag Zamiel.

Bakit ba siya ang nag-iisip eh ito ang nag-aya? At bakit ba hindi niya ito sabihin kay Zamiel?

As he was just about to point this out to Zamiel, his eyes landed on Book Sale. Iyong stall na nagtitinda ng mga libro pero sa mas murang halaga!

Naaalala nga niyang bumili siya rito ng libro noong kolehiya pa siya para sa requirement nilang book review pero inarbor lang ng professor nila.

Which is okay since…

The book only costs twenty pesos.

"Can we go there?" Then he pointed at the store.

And did he just sound like Zamiel's boyfriend? That is cute.

Sinundan ni Zamiel ang itinuro niya bago ito napasinghap at nameywang dahil hindi yata inasahang sa lahat ng pupwedeng ituro, roon pa talaga dumako ang daliri niya.

"Is that an insult?" He asked.

Dahil base sa reaksyon ng binata, para nitong ininsulto ang buong pagkatao niya.

Oo na, hindi na siya mahilig na magbasa. He actually falls asleep even before he can finish a chapter.

"No," Simpleng sagot ni Zamiel kahit na may bahid ng pang-aasar, "I'm just amused that of all stores, you chose a book store."

Inismiran niya ito, "Well, when you were out in Canada, enjoying your time; I did try to read a few books."

"At ano namang binasa mo noong wala ako?"

Iginiya siya ni Zamiel na tumuloy na sila sa itinuro niyang stall. Matik siyang sumunod, pero inaalala niya iyong librong binasa niya dati.

"Jenkins something," He trailed off as they went to the store, "Basta isda nasa book cover. Inarbor kasi ng prof namin kaya 'di ko na maalala."

"Inarbor," Namamanghang ulit ni Zamiel, "Ba't naman aarborin?"

"Para sa book review 'yon. Tapos pagkapasa namin ng paper, nagresign 'yong professor namin."

"That sucks."

"Yeah," Tapos ay pinaningkitan niya ng mga mata ang binata, "But you don't seem to believe me one bit."

Pinasadahan siya ng mabilis na tingin ni Zamiel tapos ay inismiran at nginisian siya nito.

Mapang-insulto amputa. Palibhasa, hindi kapani-paniwala kung si Ridge ang magbabasa. Sa tamad ba naman niya, sino ba talagang kakagat sa sinabi niya?

Anyhow, Zamiel still directed him to the book sale. Namili lang siya ng iilang libro at halos lahat ng kinuha niya, tungkol sa musika.

"Are you sure you're reading all these? Can you even understand these?"

Zamiel even checked one of the books that he took. Ito kasi ang nagbubuhat para sa kanya.

Ngayon, siya naman ang nagkaroon ng tsansang pasadahan ng tingin ang binata. Inismiran niya rin ito bago siya naiiling na nag-iwas ng tingin para eksaminahin ang isa pang libro na nakapukaw ng atensyon niya.

"Zamiel, please don't act like you aren't aware that I'm composing songs."

"I do know," Mariing anito, "I'm just not sure that you've been reading books about 'em. 'Kala ko, natural talent nalang 'yon at 'di mo na kailangan."

Idiots in Love (BxB, COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu