Kabanata 37

5.5K 129 21
                                    

KABANATA 37

"HAPPY BIRTHDAY, Ridge!" Bati ng mga kaibigan niya sa kanya bago sabay-sabay na pinaputok ng mga ito ang hawak na confetti.

Mariing ipinikit niya ang mga mata. Ilang beses din siyang napaatras at napapitlag habang pinapaputok ang mga confetti. Halos magtakip siya ng tenga kung hindi niya aaminin sa sarili na natutuwa siya sa effort ng mga ito.

Nang imulat na niya ang mga mata, hindi na siya nagulat pa nang mag-rehistro sa kanya ang malalawak na ngiti ng sariling pamilya at iilang mga kaibigan at kasama sa trabaho.

May hawak na handa ang iilan sa kanila at hindi mabatid ni Ridge kung bakit nila bitbit iyon. Naisip nalang niya na baka tatangayin pauwi dahil mga gunggong ang ilan sa bisita niya. Hindi sa nang-aano pero special mention si Leon at si Zachariel.

"Mag-speech ka, dali!" Panunulak ni Zachariel bago iniabot sa kanya ang hawak-hawak na mic. Palibhasa, ito ang nag-lead ng birthday song kaya halos ayaw niyang makinig.

Inabot niya ang mic at nagpabalik-balik ang tingin doon at sa kaibigan.

"Ano namang sasabihin ko?"

Si Gian ang sumagot. "Kahit ano na basta speech! Sabihin mong ganon sana magkajowa na si Zachariel para makakain na kami!"

Nagtawanan ang mga bisita ni Ridge sa entrada ni Gian. Samantalang si Zachariel naman, nagulat at hindi napigilan na pabirong sakalin ang kaibigan nito.

"Magkakasama tayo mula noong preparatory school pero hanggang dito nalang ang pagkakaibigan natin!" Asik ni Zachariel kay Gian, "dapat sinama mo si Leon sa wish para hindi ko damang-dama pag-iisa ko sa pagiging single, pucha!"

"Dinamay mo na naman ako! Gusto lang naman sabihin ni Gian na mas gwapings ako kaysa sa 'yo!"

"Ulul, pareho palang tayo na-reject last week!"

"Walang laglagan ng kasawian!"

Napahilamos ng mukha si Ridge sa isang tabi habang pinapakinggan ang mga kababata na magtalo dahil sa pagiging single. Mas inabala niya na makinig sa mga ito at hayaan sila na aliwin ang mga bisita imbes na mag-isip ng speech na kinukuda ng mga kaibigan.

Itinapat niya ang mic sa bibig pero bago pa makapagsalita, tumikhim muna siya para ihanda ang sarili.

"Pwede na kayong manahimik. 'Di kami tumawag ng clowns pero sige, may extra kayo mamaya dahil pinasaya niyo mga bisita ko," aniya bago bumuntong hininga habang umiiling.

Muling naghalakhakan ang mga tao sa sinabi niya. Halos sumigaw pa nga si Wade para makisimpatya sa mga payaso sa handaan ni Ridge kung hindi lang ito pinigilan ng kuya niya.

"Tama na dalawang payaso, Wade. 'Di kaya ng budget namin tatlo." Ito ang sinabi ni Aaron sa manager.

Napanganga si Wade. "May sahod?!"

"Wala, asang-asa ka naman."

Pinasadahan niya ng tingin ang mga ito bago niya napansin kung sino at ano ang nasa gilid niya. Napangiti si Ridge nang lingunin niya iyon at makita niya si Zamiel na inihahatid sa kanya ang cake.

"Wala pa 'kong speech, nandito na kaagad cake ko," aniya.

Umismid si Zamiel. "Alam naman natin pareho na wala kang matino na sasabihin. Mag-wish ka nalang."

"Speech muna!" Pang-eepal naman ng kakambal nito. "Sayang naman kung wala kaming maririnig na kabalahubasang lalabas sa bibig ni Ridge?!"

"Bibig mo lang naman ang marumi, Zach. Gago ka ba?" Sipat ni Zamiel dito.

Idiots in Love (BxB, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon