Kabanata 38

4.8K 138 50
                                    

KABANATA 38

"WHO am I?" Tanong ni Jackie Chan nang magising sa mga Africans na tumulong sa kanya mula sa plane crash na kinasapitan. "Who am I?"

Hindi mapigil ni Ridge na mapangisi habang inaalisa ang palabas doon sa telebisyon. Muntik mapahagalpak ng tawa si Ridge nang magsimulang magwala ang mga ito, panay din ang pagsigaw ng: "Who am I?"

Palibhasa, iyon ang magiging ngalan ni Jackie sa palabas lalo na at hindi niya maalala ang pagkakakilanlan.

"Acquiring amnesia must be really tough," komento niya bago halos ilubog ang sarili sa kinauupuan.

Nabigla si Zamiel nang marinig ang boses niya. Awtomatiko itong natigil sa pagii-scroll ng kung anu-ano sa facebook at napalingon sa kanya.

"I thought you're sleeping?" Tanong nito sa kanya, "sabi ko na ba't dapat sa may gitna tayo naupo para 'di ka nagugulo sa pagtulog."

Pinasadahan ni Ridge ng tingin ang binata bago ipinilig ang ulo pagilid. Marahan din siyang kumurap bago ngumiti rito at umiling.

Nasa kalagitnaan silang dalawa ng byahe tungo Intramuros. Nakaupo sa harapang upuan ng bus sa likod lang ng driver, sapat para marinig at malinaw na makita ni Ridge ang palabas sa telebisyon. Maaga pa, pero hindi nila iyon alintana dahil pareho naman silang naaaliw.

"No, I like it here. Iyong ibang bus, tinitipid iyong pasahero. May tv sa display pero hindi ginagamit. Kaya susulitin ko na 'to kasi nagana."

Mataman siyang tinitigan ng binata bago mabilis ding pinasadahan ang palabas. Matapos ang ilang sandali, hindi napigil ni Zamiel na ismiran siya.

"But you don't like watching Jackie Chan."

"Well, I did like some of his movies."

"Really? Sige nga, anong movie?"

"Pinanood natin 'yon nong bata pa tayo. Elementary yata sa bahay niyo rin ang venue. Hindi ko na maalala title pero may baby na bini-babysit sina Jackie."

Umangat ang mga kilay ni Zamiel at napaisip. Tila inaaalala kung ano ba iyong kinuwento ni Ridge na movie na pinanood daw nila noong bata pa sila. At habang nag-iisip ito, ibinalik ni Ridge ang mga mata sa palabas.

Pakiramdam niya, hindi maaalala ni Zamiel kung ano iyong kinwento niya. Baka ang sabihin lang nito ng biglaan: Mitochondria is the power house of the cell. Alam niya na 'yon, ito lang din ang nag-iisang lesson sa biology na natutunan ni Ridge.

"I can't remember shit. But Ridge, if you ever feel drowsy, rest your head on my shoulder," paalala nito bago ibinalik ang paningin sa cellphone.

Sabi na nga ba at hindi maaalala ni Zamiel kung anong palabas iyon. 'Di niya tuloy mapigil na mapangisi at lingunin ang binata na kunot pa ang noo sapagkat mukhang may nakita na mapapanood sa facebook.

Sumandal siya sa balikat ni Zamiel para maayos na masilip kung ano ang pinanonood nito. He had almost forgotten that he was in the middle of watching "who am I?" when the video that Zamiel was watching registered on his mind.

Apparently, his boyfriend was in the middle of watching a doctor content creator named Dr Mike. And as he was reacting on medical memes, his man just can't help but to smile and silently react on what are featured.

Pero hindi sa memes nag-focus itong si Ridge kahit na mahilig siya roon. Halos kasi ng nafi-feature, hindi rin niya maintindihan kung ano bang pinagsasasabi roon. Kaya imbes na sa content, doon siya sa itsura ni Dr Mike nakatulala.

"Ang gwapo naman niyan," komento niya, sapat lang para marinig nitong katabi niya, "ganda pa ng ngiti."

Napamaang si Ridge nang patayin ni Zamiel ang cellphone niya bago iyon ibinaba. Inabot pa ni Ridge iyon at pilit na inaagaw kay Zamiel noong mapansin niya ang pagsimangot ng binata.

Idiots in Love (BxB, COMPLETED)Where stories live. Discover now