Kabanata 29

4.7K 161 4
                                    

KABANATA 29

"RIDGE! Ano ba naman 'yon, halos katatapos lang ng cold war ninyo ng boyfriend mo, nag-away na naman kayong dalawa? 'Di na healthy 'yang relationship niyo, mag-usap nga kayo!"

Kumibot ang isang kilay ni Ridge sa biglaang pagdadrama ni Wade.

Sa katunayan, inilagay pa nito ang likod ng palad sa noo at bahagyang yumukod. Ang itsura rin nito, animo'y iyong mga side character sa palabas na napaka-OA.

OA nga lang talaga si Wade.

Pero wow, ang daming pwedeng ibungad sa kanya, ito pang drama nito.

"Kahit anong arte mo Wade, 'di ka mananalo ng best artist's award."

Kaagad na umayos si Wade sa sagot niya. Nginusuan pa siya nito bago ito naghalukipkip.

"Matagal ko nang tanggap 'yan kaya nga nag-manager nalang ako, e."

He sighed. "Okay. But do you really have to do that? Everyone around us just heard what you shouted."

"Sus! Hayaan mo silang marinig sinabi ko, sinadya ko 'yon!"

His eyebrow twitched. Again. In agitation.

"Palibhasa 'di mo problema pinubliko mo, e."

In response, Wade only grinned like an idiot.

Ridge heaved a sigh. Seriously, though, his manager sometimes forget the term privacy.

Isa pa, nakita niya mula sa likod ni Wade na magtawanan ang mga kasama nila. Kung hindi iyon ang ginawa, may mga napailing nalang.

Tapos iyong mga estranghero, tamang tapon lang ng judging stares sa kanilang dalawa. Nadamay pa siya, kamo.

"Pero mabuti pala nakahabol ka. Anong oras ka umalis ng Baguio, Ridge?" Pag-iiba nito ng usapan bago siya muwestrahang sumunod sa kanya. "Inasahan naming male-late ka lalo na't wala ka pang pahinga."

Nagpamulsa siya habang sinusundan si Wade tungo sa team nila.

And apparently, they are just about to start depositing their bags to the baggage handling system.

"Hapon ako umalis."

Around 4pm the next day since his, Keegan, and Lyle's dinner, he instantly took the ride back to Pampanga; not minding if he didn't buy any souvenirs since… meh.

His lame ass still kicks the fuck out of him.

"Mga alas kwatro ng hapon," dagdag niya.

Ni hindi rin siya nagpaalam sa mga "kaibigan" na iniwan niya sa Baguio.

Pero malalaki na sila, kaya na nila mga sarili nila.

Moreover, Wade scanned the bags Ridge was carrying until he noticed the keyboard he was holding with his left hand.

"Nagdala ka ng keyboard?"

Tumango siya. "Wala ako sa mood na maglabas labas o gumala kaya ito nalang pamatay ko ng oras."

"Seryoso ka ba? Baka mamaya 'pag hinila ka nila Maica sa kung saan, makapagbabae ka na naman o 'di kaya, may boyfriend ka na namang foreigner."

Iniikot niya ang mga mata. "I doubt, I'm not really in the mood in any kinds of human interaction. Ito nga lang trabaho ang pinalagpas ko dahil may pera rito."

"That's amusing. Noong huli, iyong boyfriend mo galit sa 'yo—"

"Sandali, ilan ba ang boyfriend ko sa paningin mo, Wade?"

Idiots in Love (BxB, COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant