Kabanata 27

4.5K 165 9
                                    

KABANATA 27

"SHOULDN'T you be asking Keegan?" Ridge blurted out after a few seconds of spacing out.

Nagulat siya nang ipilig lang ni Lyle ang ulo at inosente siyang ngitian. Matapos iyon, pinasadahan niya ng mabilis na tingin ang kaibigang nasa hindi kalayuan sa kanila bago tumawa.

"Ah, ano kasi." Umiwas ng tingin sa kanya ang binata. "Kahit saan ko naman dalhin si Keegan, ayos lang sa kanya."

Mataman niyang pinagmasdan si Lyle bago pinasadahan ng mabilis na tingin si Keegan.

Then he snorted. Damn right.

Muli niyang hinarap si Lyle at akma sanang sasagot nang bigla siyang matauhan.

Oo nga pala, ayaw niyang ma-ruin ang paghahapunan ng dalawang ito dahil awkward sila ni Lyle! Ano bang ginagawa niya at muntik na siyang madala sa pagtatanong nito?

Was he already deprived of human interaction despite that he had them through phone calls—and through a short conversation with Keegan?

Realizations made his eyes widen a bit before he combed his hair backwards, displaying his forehead for a second.

"Nga pala," aniya bago pinasadahan ng tingin si Keegan.

Nakatalikod pa rin ito sa kanila at naglalakad patungo sa kung saan.

Mabuti.

Tumigil siya sa paglalakad at hinawakan ang braso ni Lyle para higitin din ito at makausap ng maayos.

However, for some odd reason, that skinship made Lyle blush and Ridge confused. Apparently, the man even avoided his gaze! It's weird!

And it's cute.

But this is not the time to even try to ask why the fuck is Lyle acting like that towards him—or to even think why is he cute!

He has to say something.

"I gotta go," panimula niya.

Matik na napatitig sa kanya ang binata. "Bakit? 'Di ba inaya ka ni Keegan?"

Tumango siya. "May gagawin kasi ako."

Nang ipilig ni Lyle ang ulo, alam ni Ridge na kailangan niyang mag-isip ng idadahilan.

But what?

Habang nag-iisip ng pwedeng alibi, biglang sumagi sa isipan niya ang tawag na natanggap niya ngayon-ngayon lang.

"I—" He almost choked because of the face Lyle is making in front of him. "I actually had this weird phone call just now."

"Weird phone call?" Paniniguro nito.

Tumango siya at ipinikit ang mga mata bago bumuntong hininga.

At noong tignan niya ulit si Lyle, nagulat siya nang magbago ang ekspresyon sa mukha nito.

And he swears to God that he just found another beautiful human being that can par with Zamiel's beauty.

Idiots in Love (BxB, COMPLETED)Where stories live. Discover now