Chapter 18: Majarlika

80 8 3
                                    

Majarlika De Luna

He didn’t come back.

Majarlika swallowed the bitterness in her throat as she watched for another sunrise to arrive. Naghahalo ang dilaw, kahel, pula, at bughaw sa langit and the surroundings still appear dim and blue.

Ang amoy ng dagat sa umaga ang paborito ni Majarlika. It smells like a mixture of ocean pines, tangerine, peppermint, and lemongrass. Refreshing and soothing to the mind. 

Isang mapait na ngiti ulit ang pinakawalan ng kanyang labi bago nagdesisyong tumayo. Pinagpagan niya ang suot na cream velvet night dress na pinatungan niya ng puting cardigan.

Bumalik na siya sa kanyang kwarto at nakatulog sa kanyang kama.

The week ended without Grale. Hindi ito bumalik katulad ng pangako nito. Honestly, she was tempted to message him. To call him. But then… she told him she won’t wait for him or perhaps that’s what Majarlika wanted to believe in herself.

Na hindi niya hinintay ang binata. But that was a one huge lie.

“Is the rainy season coming?” Tanong niya nang nakasilip sa labas.

“Most likely,” Clementine answered. “Pumasok na ang June and the tourist arrival starts to decrease.”

Tumango si Majarlika bilang pag sangayon sa lalaki. Nagsisimula na ngang kumonti ang mga guests na natatanggap ng resort. It’s normal actually since classes are about to start.

“Kailan ka pala babalik ng Pampanga?”

Ibinaba niya ang kape sa mesa. “Tatapusin ko na lang ang linggong ‘to. Si Lorenzo parang hindi ko nakitang bumisita?”

“He had, but he only stayed for three or four days.”

“Hindi ko siya nakita nung enrollment,” I shrugged. 

“He’s living his best life so far. You should actually meet his friends, especially the vlogger one. Though, ang alam ko nasa ibang bansa siya ngayon.”

Majarlika smiled. “I know her. Seanna Aragon. Sikat siya sa university. Naka follow rin ako sa website niya. Her vlogs are amazing.”

Lorenzo is Clementine’s cousin. Sa Pampanga rin ito nakatira and they go to the same university. Madalas niya itong makita sa mga hallways dahil pareho silang architecture student though ahead ito ng isang taon sa kanya.

Isang oras pa ang tinagal niya sa coffee shop ni Clementine bago siya bumiyahe pabalik ng resort. 

The next day she planned to visit the orphanage. Bibisita siya dahil baka ilang buwan bago sya ulit makapag biyahe pabalik ng Ilocos. 

"Parang kailan lang batang maliit ka na palakad-lakad dito sa loob ng orphanage. Ngayon halos malapit ka na matapos sa kolehiyo," Mother Sheila told her. 

Pareho silang nasa garden at nakaupo sa swing kung saan sila naupo ni Grale noon. Nasa loob si Mother Analyn para magpahinga dahil napagod daw ito. Nagpahanda kasi ng maliit na salo-salo si Majarlika para sa mga bata. 

Isang ngiti ang binigay niya sa di katandaang Madre. "Oo nga po, Mother. Madalas niyo pa akong pagalitan ni Mother Analyn tuwing alas tres."

"Oras kasi 'yon ng siesta pero ikaw bata ka mas gusto mo doon sa loob ng library!"

Majarlika laughed. Suddenly those old memories of her climbing the ladder to reach for books flooded her mind. Ilang beses siyang pumupuslit sa loob at madalas nahuhuli ni Mother Analyn at pinabababa. 

She lost count on how many times she almost gave the poor old nun a mini heart attack. 

"Yon nga palang binatang artista na kasama mo noong nakaraang buwan? Bakit hindi mo siya… kasama ngayon?" She carefully asked. 

One Lost Summer (Brave Series #2)Where stories live. Discover now