Chapter 49: Grale

53 4 7
                                    

Ashton Grale Buenavista

Grale smiled as he tightened his hold to the bouquet of flowers he’s carrying. Nakatayo siya sa harap ng isang pinto. Pinasok muna niya sa bulsa ang cellphone pagkatapos ay pinihit na ang doorknob. 

“Idol! Oh my gosh!” Alyssa exclaimed upon seeing him.

“Hala!” The other patients’ eyes twinkled. All in all apat ang pasyenteng nasa loob ng kwarto kasama na roon si Alyssa. Nginitian at tinanguan niya ang mga ito.

“Good afternoon,” Grale greeted. Sinundan lang siya ng mga mata ni Alyssa habang nilalapag niya ang dalang mga pagkain sa bedside table ng kama nito. Magkakaharap ang apat na kama na nahahati sa dalawa per side. Ang kama ni Alyssa ang unang kama sa kaliwa. 

“P-Para sa akin ‘to?” She blushed when Grale handed her the flowers. “Upo ka, idol!”

He sat in the vacant seat . “I haven’t… thank you yet for what you’ve done.”

Tumitig lang sa kanya si Alyssa.

“Majarlika she’s… she’s everything to me, Alyssa. There are things that are going on with her right now that bothers her a lot and to have her full cooperation is very, very important to me, to her family. Hindi ko alam kung anong napagusapan niyo nang gabing ‘yon but I thank you for being at the right place and at the right time,” he pursed his lips, smiling.

“Mahal mo talaga siya, no,” Alyssa uttered.

He smiled. “More than anything in this world.”

“Alam mo nung unang lumabas yung balita tungkol sa inyong dalawa ni Majarlika medyo isa ako sa mga fans mo na napataas ang kilay. Kasi may secret relationship pala kayo ni Thea tapos nag break kayo tapos ilang buwan lang kumalat na yung mga pictures niyo ni Majarlika. Pero ganon siguro talaga kapag totoong fan ka—magiging masaya ka sa kasiyahan ng idol mo. And nakita ko naman yung sayang ‘yon sayo sa kanya…”

“She makes me the happiest,” Grale nodded. His memories with Majarlika at the resort brought a smile in his face.

“Nalungkot lang ako nang sobra nung napanood ko yung interview mo na nagpapaalam ka na mawawala ka muna sa showbiz. Para akong may jowa na nakipagbreak sa akin sa sakit!” She chuckled. “Pero posible pala ‘yon, no… yung kaya mong iwanan lahat para lang sa taong mahal mo. Never ko pa kasing naranasan ‘yon, e.”

“Being in love?”

She nodded. “Hmm. Hindi naman kasi ako yung pansinin sa school. Hanggang tamang tropa level lang ako,” she laughed. “Tapos nagkasakit pa ako sa puso kaya hindi safe na magmahal ngayon kasi baka bigla akong ma deads. Mahirap yung feeling na may masasaktan ka at maiiwan any moment and for sure ganon di yung pakiramdam ni Majarlika ngayon.”

Grale was silent. He remembered those instances where Majarlika tried to shut him off, push him away. Yon marahil ang mga pagkakataon na naguguluhan na rin ang nobya at nangingibabaw rito ang takot na makasakit ng iba. Na masaktan siya sa ideya na maiiwan nito siya ng magisa. No, that will never happen. He will never allow it to happen. 

Umangat ang mga mata ni Grale nang hawakan ni Alyssa ang kamay niya. “Nakakapagod magmahal ng taong may sakit, Grale. Kasi kahit kami kalaban namin ang sarili namin sa mga ganitong sitwasyon. Wala kaming ideya sa mga posibleng mangyari sa amin kaya madalas kaming kainin ng takot. ‘Wag mo siyang susukuan kasi ngayon ka niya mas kailangan.”

Grale tightened his hold to Alyssa’s hand. “Thank you. Thank you for being our light amidst this darkness, Alyssa.”

She smiled. “Basta ba may pa-video greetings ako diyan every year oks na!”

One Lost Summer (Brave Series #2)Where stories live. Discover now