Chapter 36: Majarlika

75 6 1
                                    

Majarlika De Luna

Majarlika slowly removes herself from the crowd after being dragged around countless times by Grale's relatives and their friends. Hindi naman halata na gustong-gusto siya ng pamilya ng nobyo dahil hindi na yata niya nabilang kung ilang beses siyang natanong kung kailan ang kasal. She just laughed off the question because it's just too early to talk about it. She still has a lot of things to unravel to her boyfriend at ganun din ito sa kanya. They still have a long, long adventure to conquer together. Anyway, hindi rin naman siya nag mamadali. They have all the time in the world to know each other deeper. 

Majarlika also enjoyed her time sitting beside Grale's grandparents who are both veteran actors. Talking about them, Majarlika learned a lot of things about the acting industry way, way back during their reign. Nakita rin niya ang resemblance ng nobyo sa lolo nito. Nakikita niya ang parehong kislap sa mga mata ng matandang lalaki sa tuwing nagk-kwento ito tungkol sa pag arte. Ganun na ganun ang kislap ng mga mata ni Grale kapag nasa parehong sitwasyon ito. She couldn't help but smile because it is the same burning passion that Majarlika loves so much about Grale. 

Nang lumalim na ang gabi ilang relatives na ni Grale ang nagpaalam para bumalik na sa mga kwarto ng mga ito. Most of them are his tita's who were bringing children. Nagpaalam na rin ang grandparents nito at nagsabing magpapahinga na. Ang naiwan na lang ay ang mga pinsan ni Grale na mga teenagers and his titos who are engulf in laughter and bottles of alcohols.

Hinanap ng mga mata niya si Grale sa mesa nilang magkakaibigan but he's not in there. Cathy was sitting beside Tria, telling something to the girls while doing those expressive hand gestures. Mukhang suportado pa ni Cora, na nakaupo naman sa tabi ni Bree, ang kwento nito dahil halos pareho sila ng expression. Sobra rin ang pakikinig ng mga babae at paminsan-minsan ay nagtatawanan ang mga ito. On the other hand, Migs and Dean are sitting beside the girls and Dean's drunkenness is so obvious now at mukhang si Migs ang kinukulit nito.

Napangiti si Majarlika habang pinagmamasdan ang mga kaibigan. Who would have thought that she'd get to be friends with them? Tatlong artista at kahit sabihing hindi artista si Bree ay grabe rin ang followers nito sa mga social media. Ganon din si Cora bilang personal assistant ni Grale. But she's even happier seeing Tria being friends with her friends, too.

Muling umikot ang mga mata ni Majarlika sa paligid. Malalim at malamig na ang gabi at ang langit ay puno ng mga bituin. The moon above illuminates the ocean. It has been almost a month since she has been here in the resort at ganun din niya katagal hindi nasilayan ang dagat at narinig ang hampas ng mga alon. Hindi niya maitatanggi na na-miss niya ito. Here, everything about her life is simple. She wakes up in the morning to walk around the powdered sand, eat her food in the dining room, read books while eating pastries, and enjoy her night sitting outside. Oh she couldn't wait for summer next year to arrive.

Sa wakas ay dumapo na ang mga mata ni Majarlika kay Grale. Nasa isang mesa ito kasama ang mga pinsan at abala sa pakikipag kwentuhan. Nakaupo ito sa tabi ni Stacy na mukhang nakakailang bote na rin ng alak. Bigla tuloy niyang naalala kung ilang beses nitong asarin si Grale sa harapan niya tungkol sa pakikipag break at talaga namang pikon na pikon ang nobyo. Natatawa na lang siya sa dalawa dahil talagang lumalabas ang pagiging isip bata ni Grale kasama ang pinsan.

After that, Majarlika was fully able to turn around and start walking away without anyone noticing. Hinila niya lalo ang white cardigan na suot dahil ang lamig ng simoy ng hangin. Tinignan niya ang relo at nakitang bente minutos na lang bago mag pasko.

She finally stopped walking and then she faced the ocean. Ilang dipa ang layo niya sa tubig dahil malamig na ang simoy ng hangin at mukhang hindi niya kaya kung pati ang lamig ng tubig ay dadapo sa balat niya. 

One Lost Summer (Brave Series #2)Where stories live. Discover now