Chapter 30: Majarlika

83 6 1
                                    

Majarlika De Luna

Majarlika was just staring at her phone screen. Kung gaano na katagal ay hindi niya na alam. It's already ten in the morning, but she doesn't have the energy to leave her room. Humugot siya nang malalim na paghinga bago muling bumalik sa pagbabasa ng mga comments mula sa mga taong hindi naman niya kilala at mas lalong hindi naman siya kilala.

Honestly, she couldn't be mad for all the hate she's receiving right now just because she was caught in a photo with Iñigo. Wala naman silang ginagawang masama, they were just talking like friends. It was a harmless video and the photos under the rain, of course umuulan at normal na mag dikit silang dalawa sa payong. Ni hindi nga umaabot ng kalahating minuto ang interaksyon nilang dalawa pero kaagad na 'yon ginatungan ng malisya ng mga tao.

She couldn't get mad, but more on disappointed by how quick people judge. Grale was right after all, a single photograph can ruin her image more so change her life. Because right now, she's receiving so much hate for things she didn't do.

Malandi naman pala!

Slut!

Free Grale from this whore!

Sana sila na lang ulit ni Thea!

I never liked this girl.

Binitiwan niya ang phone at bumalik sa pagkakahiga. Pinikit ang mga mata at ininda ang nagsisimulang kirot sa dibdib. Pero mas lumalakas ang kirot ng puso niya kaya't mas mariin niya pang ipinikit ang mga mata.

Deep breaths. It's okay. It'll be okay.

Taimtim ang kanyang konsentrasyon para pahupain ang kirot sa dibdib. Pero halos mapabangon siya sa kama nang sunud-sunod na nag ring ang cellphone niya. Pero hindi niya sinagot. Hindi siya gumalaw para abutin ang cellphone. Hinayaan niyang malunod siya sa paulit-ulit na tunog nito hanggang sa kusa itong mamatay. Muli itong nag ring pero hindi pa rin siya natinag.

Instead, she opened her eyes and temporarily stared at her white ceiling. The sound of her phone ringing disappeared in the background. She was trying to search for something inside her. Galit ba siya? Naiinis? Gustong sumigaw at mag wala? Because she doesn't deserve this backlash especially from people who barely know her. But then... wala siyang makapang kahit ano sa dibdib.

She's just... empty.

Hindi niya na namalayan na nakatulog na pala siya ulit. She just woke up again due to the excessive knocks on her door. Hindi na siya nag abala pang ayusin ang sarili at tumayo na lang para buksan ang pinto.

"Ma'am," Joan uttered as if she was relieved from a very problematic situation.

"Yes, Joan?" She tried to smiled at her pero halatang kagigising niya lang.

"Hindi po kasi kayo bumaba kaninang umaga then natapos na ang lunch pero hindi rin kayo nagpaakyat ng pagkain."

"Anong oras na ba?"

"Almost three."

She blinked. Ang haba rin pala ng tulog niya. Hindi man lang niya namalayan ang paglipas ng oras. She then raised her head towards her. "Paakyat na lang ako ng pagkain dito, Joan."

"Sige po," she replied with a concerned gaze. Majarlika just looked away and then closed the door. Huminga siya nang malalim at napasandal sa pinto. Napahawak sa dibdib nang maramdaman ulit ang maliit na kirot doon.

Hindi rin nagtagal nang iakyat ni Carlo ang pagkain niya. Pinasalamatan niya ito bago ito lumabas. Tahimik lamang siyang kumain at tinuong ang buong atensyon sa kanyang mesa. She tried her best not to hold her phone or even look at it. Naubos niya ang pagkain at muli na naman siyang binalot ng katahimikan.

One Lost Summer (Brave Series #2)Där berättelser lever. Upptäck nu