Kulto Nga ba?

337 12 2
                                    

Alam mo ba yung KULTO?

Nakikita ka na ba?

Sabi nila nakasuot daw ang mga ito ng kulay itim na cloak.

Kasi ako? Ewan ko kung kulto yun.

Taga Quezon City ako.

Sa Old balara, Luzon.

Sino nag-sabi ng sa probinsya lang ang may mga aswang o multo o masamang elemento?

Sa naranasan ko ,sa tingin ko wala silang pinipili na lugar.

Isang linggo nang umuulan nu'n kaya hindi makauwi si papa mula malabon.Alam mo na, Mabaha kasi doon.

Kaya kami-kami lang ang nasa kwarto ,ako, kapatid ko at ang mama ko.

Naga-renta lang kami that time. Mura lang kaya gawa sa light materials ang mga kwarto.

Gabi na, syempre tulog na ang mga kapit-bahay. Wala kang ibang maririnig kundi mga patak nang ulan sa yero (bubong) ng mga oras na yun.

Kahit ganun. Nakatulog parin ako.

Hanggang sa na-alimpungatan ako nang may yumuyog-yog sa akin. Pagtingin ko si mama pala.

"Bakit,ma"

"Bumangon ka."sabi nya. Hindi ko sya maintindihan pero sumunod parin ako. Nagulat pa ako kasi pag-bangon ko nasa gilid na ang mga kapatid ko (tatlo pa kami that time).

"Ma, bakit ba?" takang tanong ko pero sinisinyasan nya ako na tumahimik at ibinalik na ulit ang tingin sa pinto.

Noong una, akala ko dadarating si papa dahil nakatingin sya dun.

Blag! Blag! Blag!

Napa-atras ako nang biglang may kumalabog sa pinto.

Paulit-ulit,

Kaya Nagpanic ako.

"Hoy umalis ka dyan!"sigaw ni mama.

Habang hawak nya ng mahigpit ang payong.

Huminto na yung kalabog pero nag-sisik-sikan parin kami sa gilid pati nga ang mama ay lumapit sa amin at niyakap kami ng kumot.

Blag! blag! Blag!

Muling kalabog ,mas malakas.

Naglakas loob akong kuma wala sa yakap ni mama at lumapit sa pinto. "Nak! Huwag mong buksan." lumingon ako kay mama at bumalik.

Blag! Blag! Blag!

Dahil may awang ang pinto namin sa baba na tinatakpan namin nang hotdog pillow ay dahan dahan kong inaalis sa pamamagitan ng paa, nagbabakasaling baka makilala ko ang paa kahit imposible.

Blag! Blag! Blag!

Nang matanggal ko na ang hotdog pillow.Dahan-dahan akong yumuko para silipin kung sino ang kumakatok.

Nang maitapat ko na mukha ko sa awang ng pinto yun na lang ang takot ko dahil walang kahit na ano roon. Walang pares ng paa o kahit anino man lang.

Patuloy parin ang kalabog kaya palipat lipat ang tingin ko sa pinto at sa awang.

sa takot ko humingi ako nang saklolo sa kapit-bahay namin pero mukhang hindi nila ako naririnig...naisip ko rin bigla ,paanong hindi sila nagtataka sa ingay mula sa kalabog ng pinto.

Naramdaman ko na lang ang kamay ng mama na yumakap sa akin para siguro pakalmahin ako. At nag-umpisa na syang nagdasal.

Hindi na ako sumabay panay lang ang bantay ko sa pinto na parang bibigay na dahil sa kalabog.

Matagal bago nahinto ang kalabog na yun sapat na para mapansin ko ang himbing na tulog ng dalawa kong kapatid na nakakapagtaka dahil hindi nagising sa ingay.

Hindi na kami naka-tulog.

Nang sumapit ang umaga .agad na sinabi ni mama ang nanyari sa kapit-bahay at nagtanong pero isa lang ang sagot nila wala daw silang narinig na anumang ingay maliban sa ulan.

baka kulto daw.

Hindi na naulit yun pero hanggang ngayon isa paring pala-isipan sa akin ang kaganapang yun.

Kung kulto yun? May kakayahan ba silang ikulong ang isang tunog? O kaya ang lumutang? At bakit Sa dami naman ng kapit-bahay namin. Kami pa ang ginambala nya/nila.



********

Thank you for adding this story to your reading list <3

Files of a Ghost Story:Where stories live. Discover now