Elevator in the Hospital

177 3 0
                                    


Wala akong nakitang multo pero masyadong weird yung na experience ko sa hospital kung saan nagmagandang loob akong bantayan ang kapitbahay namin na manganganak na.

Jolly akong tao, mahilig sumubok ng mga bagong bagay siguro dahil sa edad ko na fifteen, I think. Never akong nakaranas ng mga paranormal chuchu na yan..As in, kaya medyo hindi ako masyadong believer ng mga something na connected sa paranormal..pero siguro sa naranasan kong 'yun ay baka kahit papano ay masasabi ko na may mga bagay sa mundo na kakaiba talaga na mahirap ipaliwanag.

Gabi na nang Y admit ang pasyente namin nandyan naman ang asawa niya kaya alalay lang ang ginagawa ko. Semi private ang kwarto na kinuha nila kaya may kasama kami sa kwarto, mga tatlong bed yata yun. Nag stay lang ako dun hindi na ako sumama sa delivery room.

Hours later nakabalik na ang pasyente namin at nagpapahinga. Ako na lang naiwan dahil may duty pa sa trabaho ang asawa niya. Lahat ng kakailanganin namin ay nandiyan na kaya hindi ko na kailangan lumabas pero dahil echusera ako that time ay talagang lumabas ako para bumili kahit na ang totoo ay gusto ko lang makita ang itsura ng hospital canteen (ignorante? Hindi ah! Curios lang.)

Gabi na kaya paglabas ko ng pinto ng  kwarto ay wala na masyadong tao maliban sa nurse na nasa station. Maliwanag sa paligid kaya hindi naman nakakatakot tignan katulad ng mga nasa horror movies at hindi rin naman ako matatakutin.

Medyo mahaba ang lalakarin bago makarating sa elevator dahil kailangan ko pang lumiko. Agad kong pinindot ang G for ground floor na nasa tabi ng letter B. 

Agad din akong bumalik mula sa canteen ( na wala naman palang interesanteng makikita).

May kasabay ako sa elevator na nakaputi at sa tingin ko ay nurse na lalaki kahit naka-mask siya ay alam kong nginitian niya ako dahil gumalaw ang pisngi niya kaya nginitian ko pabalik. Pipindutin ko sana ang floor ko pero naka light na at medyo nagtaka pa ako kasi lahat ng number ay naka light means pinindot niya lahat ng numbers...kaya hindi ko alam kung saan siya lalabas.

Napangiti pa nga ako nun ng palihim sa ginawa niya at naisip ko rin that time na baka kahit tumanda ako ay ganun din ang trip ko.

Kada bubukas ang pinto sa bawat floor ay inaabangan ko kung lalabas ba siya o hindi...sa kakatitig ko sa pinto ay napa-atras ako ng bumukas ito at bumungad  sa akin ang isang floor at wall tiles na marumi at medyo Dim ang lights sa paligid.  As in! Nakakita na ba kayo ng public na Comfort Room? Yung madilaw dilaw ang tiles? Ganun. Na schock ako kasi malinis yung mga nadaanan ko at hindi ko alam na may ganung floor. Masyadong marumi! Naramdaman kong gumalaw yung nurse sa gilid ko at lumabas ng dire-diretso.

Awtomatik akong napatingin sa taas para makita kung anong floor na! Napakamot pa ako ng ulo dahil nasa seventh floor na pala ako! Sa sobrang abang ko na lumabas ang nurse hindi ko namalayan na lumagpas na pala ako. Kailangan ko pa tuloy na hintaying bumaba ang elevator mula eleven pababa sa four na kailangan kong pindutin ulit. Gusto ko pa nga sana pindutin ang seventh floor dahil siya lang ang naiiba at MARUMI pero hindi ko na ginawa.

Kinabukasan may kasama na ako. Malaki ang tanda niya sa akin pero kagaya ko jolly din siya. Kinabukasan ko rin nalaman na patay ang baby ng inilabas ng pasyente namin na pinsan niya pero hindi alam ng pasyente namin dahil ibinawal ng asawa niya na ipaalam. hindi kasi stable ang dugo daw nito at bawal daw ang ma stress kaya inilihim naming lahat 'yun. At my age hindi naman ako masyadong nalungkot at parang go to the flow lang ako pero mahirap magsinungaling kapag nagtatanong na siya kung nakita ko ba ang baby sa nursery room na ang tangi kong sagot ay tango at ngingiti mabuti na lang may kasama ako at siya na ang sumasalo sa kwento na malikot daw ang baby.( Na nung nagka edad ako ay nalaman kong kong basta sa hospital ay breastfeed talaga dapat ang baby kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi nagtaka yung pasyente namin kung bakit hindi pina breastfeed sa kanya yung baby )

Files of a Ghost Story:Where stories live. Discover now