Sino ka?

396 8 4
                                    

Nagka-yayaan kami noon na manood ng mini-concert sa Gym ng lugar namin at dahil probinsya 'to wala nang masasakyan kapag sumapit na ang gabi.

Mag-aalas dose pa lang nang matapos ang concert at napag-pasyahan namin na mag-lakad na lang pauwi.

Malayo ang dapat naming lakarin pero hindi na namin alintana yun, galing kasi kami sa kasiyahan.

Mga pito kami na naglalakad tatlong lalaki ,Apat na babae.

Sa umpisa may mga madada-anan pa kaming mga bahay na may ilaw, at pa-isa isang daan ng sasakyan na mukhang galing din sa concert dahil punu-an ang sakay. Sana may service din kami kahit ngayon lang.

Bulong ko sa tuwing may dumadaan na sasakyan.

Nasa kalagitnaan na kami kaya mga malalaking puno na lang ang nakikita namin, wala nang mga bahay.

Sobrang dilim ng paligid, sa sobrang dilim halos hindi namin ma-aninag ang isa't isa pasalamat na lang kami sa ilaw na mula sa screen ng cellphone at nakikita pa namin ang daan.

Sa aming pito kaming tatlo ng pinsan ko at yung kapit-bahay namin na ka-edad lang namin ,ang pinaka-huli sa nag-lalakad.

"Pagod na ako." ang lamig-lamig pa!

reklamo ko sabay upo sa sementong daan. Dahil ako ang may hawak ng cellphone huminto din sila kasama ko.

"Ano ka ba, maiiwan tayo" sabi ng pinsan kong lalaki habang tinitignan ang mga na-una na naming kasama na tanging ilaw lang nang cellphone ang na-aaninag namin.

"Leng, halika k-ka na..tumingin ka sa kaliwa mo." rinig kong sabi ng isa pa naming kasama.

Tumingin ako sa kanya at itinapat ang cellphone sa gawi nya. Naka-tingin sya sa akin nang diretso na para bang nag-mamaka-awa.

"Tignan mo." dugtong nya.

Kinabahan man ako sa itsura nya ay tinignan ko parin ang tinutukoy nyang nasa kaliwa ko.

Tinignan ko ang nasa kaliwa ko, dahil madilim medyo natagalan bago ko nalaman kung anong meron d'un.

Awtomatiko akong napa-tayo at tumakbo ng mabilis papunta sa mga na-una naming kasamahan nang makita ko ang tinutukoy nya.

Narinig ko ang pagtili ng kasama ko at pag-tawa ng pinsan kong lalaki habang sumisigaw "Hoy! Hintayin mo kami! Madilim! Ang duwag mo talaga!" sa tingin ko tumatakbo din sila kagaya ko.

Hindi pa man ako nakakalapit sa kasama naming nasa unahan ay naramdaman ko na ang presensya ng pinsan ko at ni Marie.

"Bakit mo kami iniwan"reklamo ni marie sabay kawit ng kamay nya sa braso ko kaya naglakad na lang kami ulit.

"Hahaha, ang duwag mo Leng! Para sementeryo lang eh! Natakot kana." hindi na ako sumagot sa pang-aasar ng pinsan ko dahil ayaw kong maalala.

Dahil sobrang dilim kaya hindi ko napansin na nasa harap na pala kami ng sementeryo although nasa kabilang kalsada naman yun Nakakatakot parin! Idag-dag mo pang gabi na! Kung hindi ko pa na-aninag yung mga hugis krus na halos magkakatabi eh hindi ko malalaman na sementeryo yun!

Kita ko sa malayo na huminto sila. Hindi ko alam kung sino sa kanila dahil ilaw lang nang cellphone ang nakikita namin na para bang hinihintay kami.

Nang makarating kami nalaman ko na si Ate Gemma pala yun at yung bestfriend nya na Dayo na mukhang natatakot na rin.

"Sabay-sabay tayo, kung may marinig o maamoy kayo huwag nyong papansinin ha." seryosong sabi nya. Naramdaman kong kumapit ang hawak sa akin ni marie kaya kahit wala naman sila sinasabi ay nakaramdam ako ng takot at kaba kesa nung huminto kami sa tapat ng sementeryo.Nakita ko rin yung takot ng mga babae , ewan ko sa mga lalaki (kapitbahay. Ini-iwasan ko kasi mag-bigay ng pangalan)

Wala naman kasi silang imik. Tapang-tapangan siguro.

Kumapit ako sa pinsan ko sa takot na ikinatawa pa nya.

Habang naglalakad kami na-aninag ko yung malaking puno na sabi nila may nakatira daw na hindi katulad natin at marami pang kwento na kaugnay ang puno at ito siguro ang dahilan kung bakit kami binalaan ni ate Gemma.

"'Dati daw kung sino man ang puputol dyan ay na-didis-grasya, namamatay ---aray naman!" kurot ko sa pinsan ko. Nananakot naman kasi alam na ngang kinakabahan na kami dito at yung kapit nitong si Marie parang matatangal ang braso ko. Marami na rin akong naririnig tungkol sa puno na 'yan pero hindi oras ngayon para pag-usapan.

Nang malapit na kami halos sa gitna na kami ng kalsada dumadaan.

"Ahhhh~~~" sabay-sabay na sigaw namin sa gulat nang makarinig kami ng sigaw ng aso. Pakiramdam ko nga pati yung mga lalaki sumigaw din pero hindi naman kami tumakbo nanatili lang kaming naglalakad sa gitna ng kalsada at nakikiram-dam sa paligid.

Hindi naman mukhang malapit ang aso siguro mula yun sa taas na parte ng lugar yun. Ewan ko.

"Nasa'n si Marie?" tanong ko nang mapansin kong wala nang nakakapit sa braso ko "Marie?" tawag ko.

"Tumakbo si Marie kanina, tinawag ko pero hindi nakinig." sagot nung kapitbahay namin na lalaki. Tinignan ko yung daan sa unahan pero wala akong makita.

"Hayaan mo na, medyo malapit na naman yung bahay nila" sabi na lang ni ate Gemma.

Hindi na lang ako kumibo. Kahit alam kong medyo malayo pa ang bahay nila marie at sinabi nya lang yun para hindi kami sumunod na mag-takbuhan.

Alam mo na ang pinoy, kapag may tumakbo, tatakbo rin.

"Ang baho---aray." rinig kong bulong ng kasama namin, hindi ko sya nakikita pero alam kong may bumatok sa kanya. Sinabi na ngang 'wag pansin eh kapag may naamoy.

Palihim akong suminghot ng hangin.
Ang baho nga! Tama nga sya, Amoy nabubulok na kung ano.

Naglakad nang nag-lakad kami hanggat sa lalaking papasalamat ko nang matanaw ko ang waiting Shed sa 'di kalayuan. May mga nakatira na kasi doon kaya may ilaw.

"Si Marie oh" sabi ni Ate Gemma nang nakalapit na kami. Oo nga. Nandun si Marie naka-upo sa upuan sa shed.

"Marie!" tawag ko habang tumatawa.

"Ang bilis mong tumakbo ha."

Lumapit sya sa amin at sumabay kahit na patuloy lang syang inaasar ni pinsan at nang iba.

"Eh, nakakatakot kasi kaya napatakbo ako" sabi nya na mukhang natatawa na rin sa ginawa.

"Sssh, hinaan nyo nga boses nyo, tulog na ang mga tao." suway ni Ate Gemma.

Nang akarating na kami kanya-kanya nang kaming uwi. Mauuna ang bahay namin kaya una kaming nag-paalam.

Grabe malapit na mag-alas dos!

Dumiretso na ako sa higaan ng walang punas punas pagktapos nang nanyari mas gugustuhin ko pa mangati kesa pumunta dun sa puso namin na napapalibutan ng mga puno.

Napaupo ako sa higaan nang makarinig ako ng pagsigaw mula sa 'di kalayuan. Pinakinggan ko maigi kaya napagtanto kung hindi yun sigaw kundi iyak na parang galit at kung hindi ako nagkakamali ay boses yun ng kaibigan ko, boses ni Marie.

Kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto at nadatnan ko ang mga magulang ko na nakasilip sa bintana,para siguro tignan kung an0ng nangyayari.

Umaktong lalabas ng bahay ang papa ko kasunod ng mama ko kaya ganun ang ginawa ko pero 'di pa man nakakalapit nang magsalita ang papa ko "wag kana sumama." at nagpatuloy na sya paglabas.

Napasimangot ako pero dahil matigas ang ulo ko sumunod pa rin ako. Nang mag-isa.

Mula pa lang dito sa nilalakaran ko, kita ko na ang mga kapit-bahay namin na nakasilip sa mga bintana samantalang yung iba hindi yata naka-tiis e lumabas na at pumunta sa pinag-mulan ng ingay na hanggang ngayon ay naririnig pa rin.

Nang makarating ako sa bahay nila marie ay

*******

Anyare? Bakit putol ang part na 'to T.T

Ang hirap pa naman magtype sa cellphone waaah!

Kung 'di ko pa binasa hindi ko malalaman!

Eedit ko na lang mamaya, I mean e continue huhuhu sayang naman! Pagkatapos ko pa naman yun narinig sa friend ko sinulat ko kaagad para walang kulang, T.T tapos ganito.

Files of a Ghost Story:Where stories live. Discover now