Ang Bahay ng amo ko, haunted? part2

249 5 0
                                    

[Ang bahay ng amo ko, haunted?]
Part2

Lumipas ang mga araw at lalo ko rin nakukumpirma ang hinala ko.

May multo sa bahay na 'to.

hindi ko alam kung may naririnig lang ako talaga o dahil kasi nakatatak na sa isip ko na may multo dito.

ang lagi ko napapansin ay ang hagdanan.

Ilang beses kong napag-kakamalan na may umaakyat. Oo paakyat lang.walang pababa.

Kung nung unang pasok ko pa lang ay may parang may nakatingin sa akin ay lalo na  ngayon minsan nga ay pakiramdam ko higit pa sa isa....dahil pakiramdam ko  kahit saan ako pumunta ay may nakamasid sa mga ginagawa ko.

Wala pa naman ako sa point na sobrang takot kasi wala naman akong nakikita.

Minsan gusto ko sana e open up pero agad ko rin binabawi dahil wala naman akong katibayan. Medyo ayaw pa naman ng Amo ko sa mga kwentong ganun dahil daw tinatakot lang daw ang mga sarili namin.  sabi nya nang minsan nasa kwarto nya kami ,naglilinis at nanonood na rin ng horros movie, narinig nya kasi na nagsabi si yaya men na "nakakatakot ,sa probinsya maraming ganyan." ----agad nag-react ang amo ko kaya isina-sarili ko na lang.

Tapos na ang trabaho kaya isa-isa na kami sa pag-pasok sa banyo para mag-half bath.

Nauna si Ate Inday kaya nandito kami sa kwarto nanonood ng T.v habang nag-hihintay. Gaya nga ng sinabi ko sa 2nd floor ang banyo at ang HQ namin dito sa 3rd floor kaya kailangan pang bumaba.

Ilang sandali nakalipas ay nagulat kami ni yaya men dahil malayo pa lang, halata na namin galit si Ate Inday dahil kada galaw nya nag-dadabog, nang tuluyan naman syang pumasok sa kwarto ay pagalit syang nagsalita "Bakit ba kayo katok ng katok! alam nyo naman na may tao. Buti sana kung may pupuntahan kayo. Nakaka-inis kaya maligo nang may panay ang katok!" nagkatinginan kami ni Yaya men dahil pareho kaming walang alam.

"Anong pinag-sasabi mo Inday! Hindi kami yung kumatok. Baka sila Cris." sabi ni Yaya Men kaya sabay sabay kaming napatingin sa gawi nila Madam at kitang kita namin sa glass door na nandun silang lahat nagkwekwentuhan. Tinignan ako ni Ate Inday kaya agad akong dumipensa "Hindi ako bumaba" pero mukhang hindi sya naniwala.

"Malaman ko lang na pinag-tritripan nyo ako. Naku!" naiinis na lakad nya at umalis para siguro isampay ang pinag-hubaran nya.

At Ako? ito hindi na nag-halfbath may kung anong kaba na kasi akong naramdaman kaya nakutento na lang ako sa hilamos at nag-palit ng pantulog.

SIMULA nun hindi na ako gumagamit ng banyo tuwing gabi, nagkakasya na ako sa hilamos at pag sisipilyo.

pero sadyang hindi ko iyun maiiwasan.

Isang gabi hindi sinasadyang nahulog sa likod ko ang pinag-hugasan ng isda (nakatuka kasi ako sa kusina that time) at dahil sobrang langsa nun ay hindi maaring hindi ako maligo kaya agad akong kumuha ng tuwalya.

Nasa kalagitnaan na ako ng paliligo nang may kumatok sa may pinto.

Paisa- isa pero malakas ang bawat katok.

Hindi na ako nag-ka roon ng lakas ng loob na tanungin kung sino yun.

Kahit may sabon pa ang ibang parte ng katawan ko ay agad akong kumuha ng tuwalya para ibalot sa katawan ko

Tinitigan ko ang pinto.

Iniisip ko sa mga oras na yun na baka may kung anong lumitaw doon o kaya ay sumalubong sa akin.

Nakiramdam ako.

at hinihintay na may kumatok ulit.

Pero wala.

Kaya naglakas loob akong buksan ang pinto at dali daling lumabas.

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan pataas ay agad akong napasigaw dahil nag-brown out.

Naisip ko pa nun na ang ganda ng timing.

Dahil sa umpisa pa lang may takot na akong nararamdaman ay patakbo akong umakyat sa hagdan.

Dahil sa ginawa ko ay natanggal ang tuwalya sa katawan ko at hindi sinasadyang natapakan ko kaya nahulog ako sa hagdan pababa papunta sa huling baitang.

Ang sakit ng katawan kaya panandalian kong nakalimutan ang takot.

Nang akma na akong tatayo...naagaw pansin ng mata ko ang pares ng mga paa na nakaharap sa akin.

Malalaki. Marumi at Mabalahibo kaya alam kong lalaki ang may ari nun.

Sa sobrang takot ko hindi na ako makagalaw at wala rin akong lakas ng loob para tumingala. Kahit ang alisin ang titig sa mga paang yun ay hindi ko magawa.

Naramdaman kong gumalaw yung mga paa dahan-dahan papunta sa akin.

Nang palapit ng palapit.

Pakiramdam ko kada hakbang nya ay unti-unti rin lumalaki ang ulo ko sa kaba hanggang sa nagawa ko nang sumigaw ng napakalakas.



Nagising na lang ako na nasa loob na ako ng kwarto namin.

Noong una hindi pa pumapasok sa isip ko ang nangyari.

Nang naramdaman nilang okay na ako ay agad nila akong tinanong kung bakit daw ako sumigaw, nang pupuntahan na daw nila  ako ay nakahiga na ako baba ng hagdanan. WALANG MALAY.

Nag-kwento ako mula sa umpisa. Nakikita ko naman na naniniwala sila pero hindi sa sinabi kong nag-brown out.

Wala daw brown out na naganap kahit isang saglit.

Kaya naisip ko na posible bang gawa yun ng may ari ng mga paa? Siguro nga.

After that day. Agad akong nag-pa alam na aalis.

Nagalit pa amo ko nun kasi daw biglaan kaya sinabi ko na kahit wag na akong swelduhan.

Mabait naman ang amo ko kaya binayaran nya pa rin ako.

Hindi rin ako nag-kwento sa kanya tungkol sa nangyari.

Yun siguro ang pinaka-nakakatakot na nangyari noong kabataan ko, kaya kapag pumapasok ako ng trabaho pinipili ko yung lugar na magaan sa pakiramdam.

Naging paranoid din ako nun pagkatapos dahil konting kaluskos lang kung ano-ano na ang naiisip ko.

So far. Hindi na yun naulit.

Thanks for reading.

Files of a Ghost Story:Where stories live. Discover now