Stranghero sa panaginip

540 10 1
                                    

Ako si Melissa. 27yrs old

May dalawang anak.

at Hiwalay sa asawa.

Marunong ako ng karate at Taekwando kaya hindi ako madaling matakot sa mga bagay-bagay at alam kong kaya kong ipagtanggol ang sarili ko.

Multo? aswang? Diwata? hindi ako naniniwala sa mga yan. Noon,pero nagbago ang lahat ng yan nang umuwi ako sa probinsya.

Napagpasyashan kong umuwi para sana iwan ang mga anak ko kay Mama dahil balak kong mag-trabaho for financial support.

Ang anak kong lalaki 6years old that time at yung bunsong babae running 3.

Bago kami makapunta sa bagong tinitirhan ng mama't papa ko (lumipat sila. simula nung nag-asawa at nag-trabaho kami magkakapatid).

Ilang sapa at burol ang dadaanan namin...walang kapit-bahay kahit na isa.. talagang bukid ang itsura.

Ilog lang ang supply ng tubig.

Walang kuryente.

Malayo ang kapit-bahay.

Nasabi ko na sa Mama ko ang balak kong gawin na iwan muna sa kanila ang mga anak ko. syempre pumayag sila.

"Melissa, mag-pahinga ka muna dito ng isa o dalawang linggo bago ka tuluyang mag-trabaho." sabi nya.

pumayag ako, syempre para rin makasama ko pa ang mga anak ko kahit ilang araw lang.

mahirap rin kasi para sa'kin iwan ang mga anak ko. First time.

pero nung ikatlong araw ng pamamalagi ko roon ay parati na lang akong dinadalaw ng isang lalaki sa panaginip ko.

Hindi sya gwapo, hindi rin panget.

Malaki ang pangangatawan niya. nakasuot sya nang polo long-sleeve at pantalon.

doon sa panaginip ko

dun ko daw sya nakilala sa ilog...

pala-biro, masaya sya kasama, sa tuwing pupunta ako sa ilog, parati syang naroon kaya parang doon ang tag-puan namin.

Noong una. binalewala ko yun.

pero ilang araw nang nakalipas nandun parin sya sa panaginip ko.

Kada matutulog ako at mananaginip nandun sya, laging nakasunod sa akin.

kapag maglalaba (sa ilog).

Kapag mamimitas ng gulay.

lahat ng puntahan ko sa panaginip ko, nandun sya.

Nagtaka na ako kaya nag-pa sya akong ipaalam kina mama.

"Ma, may laging lalaki na nasa panaginip ko. Anong ibig sabihin nun?" tanong ko.

Tinitigan nya muna ako bago sumagot.

"Baka nami-miss ka na nang asawa mo o kaya namimiss mo sya" sagot nya sa tonong nag-bibiro at sabay tawa nila ni papa.

"Mama naman eh!"

yan na lang ang nai-sagot ko. hindi naman kasi nila sineseryoso ang tanong ko.

Sa parehong araw.

Oras ng pagtulog.

Nagising ako ng dis-oras ng gabi.

kaya uminom ako ng tubig na nakahanda na sa lamesa.

Nang pabalik na ako nahagip ng mata ko ang isang lalaking nakatingin sa akin kaya napa-sigaw ako.

Files of a Ghost Story:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon