Bed Spacer.

601 15 1
                                    

College Student ako.

At isang Bed Spacer.

Bago pa lang ako.

Sa isang kwarto 4 na tao ang umu-ukopa. double deck kasi.

Studyante rin yung mga Kasama ko dito. Sa aming apat ako lang ang ibang school at Course.

Malaking bahay ang rentahan na 'to at puro kami babae dito.

May Limang kwarto. Isang kusina. at 2 common Na Cr.

Aware naman ako sa mga ghost thing pero hindi pa talaga ako nakakakita sa personal. Yung bang face to face, eeee huwag naman sana.

Katatapos ko lang maligo nang nadatnan ko yung mga kasama ko sa kwarto na nasa lamesa at nakatingin sa akin na parang takot na takot.

nagtaka naman ako.

"Bakit?" Tanong ko. sabay upo sa bakanteng upuan.

"EEeh...doon ka ba naligo?" tanong ni Jesyl habang tinuturo yung pinang-galingan ko na C.R.

"Ah, OO, marami kasing nakapila dun sa C.R na nasa labas kaya C.R dito sa loob ang ginamit ko." sagot ko sa kanila na ganun parin ang mga takot na itsura nila.

"H-hindi ka ba kinalibutan na maligo dyan?" hindi ko alam pero halos pabulong na lang ang boses nya.

"Ha? bakit anong meron?" tanong ko. nagtinginan muna sila bago sumagot si jesyl.

"Kasi 'di mo ba, napapansin na walang gumagamit sa C.R. na yan??"

natigilan ako sa sinabi nya.

Sabay-sabay kasi kami pumila sa umaga para gumamit ng Cr kaya kung saan sila. doon din ako.

kaya hindi ko pansin kung may gumagamit ba sa Cr na nasa loob.

Ngayon lang din naman ako gumamit sa C.R na yun dahil may maaga kaming gagawin sa School. kaya hindi ko na sila hinintay.

"H-hindi" sagot ko. pero parang medyo kinakabahan na ako sa sinasabi nila.

"May nag-paka matay daw kasi dyan eh" sabi nya na palinga-linga pa sa paligid.

-___-

"Ewan ko sayo. Jesyl" pangiti kong wika sa kanya.

"Totoo kaya!" pilit nya sa akin.

"Huh, parati ka naman ganyan eh." sagot ko. Totoo. palaging nananakot si Jesyl kahit kapag pupunta kami sa Mall para manood ng Sine.. bigla-bigla na lang nananakot. lakas kasi mantrip ng babaeng 'to.

at Syempre, No doubt kung minsan mag-sasabwatan ang tatlong 'to. You know na. mag-sing dikit sila.

"Totoo nga yun,Lileth. Kahit itanong mo pa sa Land lady." segunda ni Almera.

"Kapag ginawa ko yun, Eh 'di mapapagalitan nanaman si Jesyl" hirit ko kaya nagtawanan sila.

Tignan mo mga 'to kanina seryoso ngayon tumatawa na.

"Hahaha Oo nga! Si jesyl kasi puro kalokohan."

"Anong ako. biro lang naman yun mga ginawa ko dati ah! tsaka hindi ko kasalanan kung mga duwag sila noh, Si Land lady naman porke't aalis yung Spacer. Ako agad ang nakikita!"

Napuno ng tawanan ang lamesa at nawala na rin yung pinag-usapan tungkol sa Palikuran na nasa loob, na Divert lahat kay Jesyl ang atensyon.

Normal naman ang lahat.

Pero simula nung may sinabi si Jesyl ay lage ako napapasulyap dun sa C.R na nasa loob at dun ko rin napansin na wala ngang gumagamit sa Palikuran na Yun.

Files of a Ghost Story:Where stories live. Discover now