Ang bahay ng amo ko? haunted?

455 8 1
                                    


Dedicated to @Chichicosay for voting my Entry " Salamat" , Thank u <3

[ANG BAHAY NG AMO KO? HAUNTED PART1]

16 pa lang ako noon ng mag-trabaho ako bilang kasambahay.KAKAGRADUATE LANG.

Wala kasi kaming sapat na pera. Masipag kasi ang papa ko gumawa ng pan-dagdag sa POPULATION.

Ito ang kwento ko. Hindi ko na sasabihin ang exsaktong lugar. Basta sa NOVALICHES.

Papunta kaming Mall sa NOVA, dalawang sakay mula sa amin.

Nag-pasama lang ang barkada ko noon may ipapasa daw syang kulang na requirement sa Pabrika ng Sardines, nag-aaply kasi siya doon, niyaya nya nga ako pero umayaw ako na mag-apply d'un. Hindi ko yata kaya na nakatayo lang mag-hapon tapos nag-ki kiskis ng hasang ng isda! Baka matanggal lang ako kaagad.

Nung naibigay na nya ang requirement sa guard ay sumakay na kami ng tricycle pero minamalas ka nga naman nabutas pa ang gulong ng tricycle kaya napilitan kami na bumaba na lang para mag-hanap ng ibang masak-sakyan.Samantalang si Manong ginuyod na lang ang tricycle nya papunta sa kung saan.

Lumipas ang ilang minuto pero walang tricycle na dumadaan.

"Ano ba yan! Nas'an na ba mga tricycle dito." padabog na tanong ng kaibigan ko ,ngumiti lang ako sa kanya. Alangan! Ako pa tinanong e hindi naman ako taga-rito.

Nilibot ko na lang ang paningin ko,

"Wanted Housemaid with experience or w/out experience" basa ko dun sa signboard na nakasabit sa gate ng bahay.

Napansin siguro ng kasama ko kaya sinundan nya ng tingin ang binabasa ko.

"Oh! Jen! Applayan mo, para malapit lang sa pag-tratrabahuhan ko."sabi nya.

Napangiwi ako ng pinag-masdan ko ang bahay. Actually kung titignan mula sa labas mukha syang paaralan na ginawang bahay.

Mga tatlong palapag siguro ang taas.

Naii-magine nyo ba? Pwes, kung hindi. Alahahanin nyo ang itsura ng likod ng paaralan nyo. Ganun ang style ng bahay na 'to.

Noong una ayaw ko kasi malaki masyado ang bahay pero naisip ko rin na total hindi rin naman na ako papasok bakit hindi ko subukan na mag-trabaho atleast dito, ay alam ko ang mga gagawin parang katulad lang ng nasa bahay pa ako.

Kinatok namin ang bahay. May lumabas doon na isang mga mid 40 at naka-smile sya sa amin.

"Ano 'yun?" tanong niya.

Itinuro ko ang signboard.

Tinanggap naman nila ako at mag-uumpisa na kaagad kinabukasan. Bio-Data with Id lang naman ang requirements.

Unang araw ko pa lang parang may kakaiba sa pakiramdam.Yung para bang may naka-tingin sayo.

Pag-pasok mo kasi ang madadaanan mo ay puro stocks na naka-transparent, naka-sako,mga half na manequin, mga drygoods at plastic ware kaya medyo madilim tignan ang paligid.

Kailangan mo naman umakyat ng hagdanan para maka-punta sa second floor, dahil pahaba ang disenyo ng bahay nasa pinakadulo ang sala , tapos malaking glass dinning table at kitchen. Tapos sa gitna itong hagdanan na tiles.

Sa bandang kanan naman ay dalawang kwarto at sa dulo ay isang sliding door. Sa taas ang kwarto ng Amo namin. Open doon walang bubong may kusina din doon, doon na rin naglalaba at doon din ang headquarter ng mga kasambahay.

Sa taas ng kwarto namin ay may rooftop doon na may lamesa sa gitna at mga upuan na katerno.

Binalewala ko ang pakiramdam na yun kasi baka dahil naninibago lang ako.

Files of a Ghost Story:حيث تعيش القصص. اكتشف الآن