Ang tiktik at ang Kamay

384 9 3
                                    


Ako si Edith.

HINDI ko makakalimutan ang araw kung saan nakaranas ako ng kababalaghan. Oct.16,2011

Sa sarili naming bahay.

Probinsya.

Isang mandaragat ang papa ko kaya minsan lang sa isang buwan kong umuwi, minsan hindi pa.

Kaya kami lang ni mama, kuya, ako at kapatid kong lalaki na limang taon.

Isang araw kailangan ng mama ko na pumunta 'dun sa bahay ng kapatid nya dahil may problema daw kaya naiwan kami magkakapatid sa bahay.

Gabi na.

Biglang nagkar 'on ng lagnat ang kapatid ko kaya hindi ako natulog at binantayan ang temperatura ng lagnat nya.

D'un natutulog si kuya sa may duyan sa labas para mabantayan ang mga alagang hayop namin sa magnanakaw.

Alas dos na nang madaling araw nang makarinig ako ng isang ingay. Tunog tuka ng ibon o manok.

Mula sa bubong.

Nawala naman ito agad.

Hindi naman ako matatakutin pero bigla akong kinabahan sa narinig ko at agad akong napatingin sa kapatid ko. Hindi ko man gusto ang naiisip ko pero hindi ko mapigilan ang mapa-isip. Imposible kasing ibon o manok yun. Walang ibon ng ganitong oras mas lalo namang manok dahil kinukulong na ang mga ito kapag mag -gagabi na.

Dahil nasa probinsya may silong ang kwarto namin. Gawa sa kawayan ang sahig namin kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi silipin ang ilalim sa awang ng sahig pero bago ko pa man malapit ang mukha ko sa sahig nakarinig nanaman ako ng tuka mula sa bubong.

Isang beses.

Pangalawang beses.

Pangatlong beses.

Ilang beses.

Pa isa -isa ang tuka, palapit ng palapit...kaya hindi mai alis ang tingin ko sa bubong.

Hanggang sa yung tunog ng tuka ay parang nasa tapat na ng kapatid ko.

Hindi ko na nakayanan ang kaba ko kaya sumigaw na ako "Kuya! May tiktik!!! " sabay buhat sa kapatid ko at umisod palayo.

Kasabay din ng sigaw ko yung tunog ng tuka pero ngayon iisang pwesto na lang.

Sa tapat ng hinigaan ng kapatid ko kanina. Mabagal ito pero sunod sunod.

"KUYA!!!!! " paulit ulit kong tinatawag si kuya, pero hindi parin sya dumarating.

Lalo pa akong natakot sa isiping wala si kuya.

Hindi parin nawawala ang tunog ng tuka....

Kaya naglakas loob akong lumabas ng kwarto habang karga ang kapatid ko...

At patuloy na tinatawag ang kuya ko.

Kahit naisip kong wala sya.

Pero nasa hagdan palang ako ng may kung ano akong naaninag sa kurtina ng bintana, isang kamay.

Hindi ko alam kung dahil sa nararamdaman kong takot kaya kung ano ano ang nakikita ko.

Hindi nagtagal napaisip ako bigla.

BAKIT hindi man lang nagising ang kapatid ko sa mga sigaw ko, yung kapit bahay namin hindi ba nila ako naririnig??

Natulala na ako.

Hindi na ako nakagalaw.

Hindi na ako makapag- salita o makasigaw. Hindi na yata kaya ng utak ko ang mga nang yayari.

Natulala lang ako sa kamay na nakakapit sa kurtina. Hindi gumagalaw ang kamay,

nakakapit lang sya sa kurtina na parang pinipigilan nyang lumaylay kahit nakatali naman ito.

naiiyak na ako sa takot.

Sarado ang bintana namin at maiksi lang kurtina kaya paanong kamay lang ang nakikita ko. Kung sakaling may tao.

Pakiramdam ko nawala ako sa sarili ng mga oras na yun dahil hindi ko na matandaan kung ano ang mga sumunod na nangyari.

Namalayan ko na lang nasa harap na namin si kuya. Umaga na.

Ang sabi ng kuya ko.

Pagpasok nya ng bahay sa may pinto daw kami natulog ng kapatid ko kaya ginising nya kami.

Pagkasabi nya nun agad ako nagpanic at tinanong kung nasaan sya.

Pero sabi nya nasa duyan lang daw siya.

Kinuwento ko sa kanya yung mula sa umpisa hanggang sa kamay.

Pero sabi niya wala daw talaga siyang ingay na narinig mula sa loob.

Nung sinabi ko yung tungkol sa tiktik at tuka.

Tinawanan nya lang ako kasi daw ngayon lang daw siya nakarinig na tiktik tapos tunog tuka.

Ang tiktik daw dila lang ang gamit. Dila na matulis pambutas sa bubong.

Kung hindi tiktik yun... ano yun? Basta ang alam ko kakaiba yung gabing yun... at yung kamay... sino yun, kanino yun.

Sa sobrang takot ko nun tumira muna ako sa tita ko na malapit lang naman pero sapat na para medyo mahismasan ako sa nan 'yari.

*************

Hello po.

Sensya na po sa mga typo.(kung meron man.)

Enjoy po.

Btw yung mga kwento dito.

Mula po yan sa mga kakilala ko ng personal.

At dun po sa nag message sa'kin.

Wala po akong thirdeye pero naka experience po ako ng kababalaghan.

^_^

Files of a Ghost Story:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon