Kakambal?

518 11 3
                                    

Ito ang storya ko.

Shane ng Mindanao.

Grade school ako nang mag-umpisa ang lahat. Ang pagpapakita ng isang kakambal ko daw.

. Wala kaming sariling bahay kaya Palipat-lipat kami ng tirahan.

Nan'yari yun nang nasa Caloocan kami.

Gabi na nang makarinig kami ng isang malakas na sigaw. Dahilan para mabulabog ang mga kapit-bahay namin.

"Aaaaah~~~!" Sigaw nya.

Agad na bumaba ang Papa ko at Mama ko, syempre dahil batang tsismosa ako noon. Bumaba din ako.(2ndfloor kasi ang rent room namin)

Bumungad samin si Ate Grace (A.k.a) na kapitbahay namin na buntis. Pinaliligiran sya ng mga kapit-bahay namin.

Nanginginig sya tapos ang bilis ng paghinga nya. Taas. Baba. .pinagpapawisan din sya.Para syang tumakbo ng malayo.

Marami nang nagtatanong sa kanya kung bakit sya sumigaw pero hindi parin nya magawang mag-salita. May naririnig pa nga ako na baka daw may mag-nanakaw na naka-pasok.

Nakatitig lang ako sa kanya habang inaasikaso sya ng mga tao sa paligid.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong dala ng kuryosidad." Ate ano po ba ang nan'yari?" pero nang napatingin sya sa akin bigla na lang syang sumigaw kaya napa-atras ako at napa-kapit sa mama ko.

Itinuturo nya pa ako habang nahihirapan syang mag-salita.

"S-sya...n-nandito sya kanina. I-ihi sana ako nang makasalubong ko sya sa pinto! T-tapos nung tinatanong ko sya, h-hindi sya sumasagot. Nakatingin lang sya sa-sakin k-aya n-natakot ako..p-pagkatapos b-bigla syang tumakbo s-sa taas!" hindi naman sya sumisigaw pero halata ang takot sa mukha nya. Hindi ko naiintindihan ang nan'yayari.Hindi ako sumagot kasi natakot ako bigla sa sinasabi nya. Narinig ko pa si mama na sinasabi nya kay ate grace na hindi naman ako bumababa, nasa taas lang ako. Totoo yun, takot ako sa dilim kaya basta madilim na, doon lang ako/kami ng mga kapatid ko sa kwarto. Pinag-pipilitan parin nya na ako ang nakita nya.

May mga hindi naman naniniwala, siguro daw stress lang kaya ganun.

Binalewala ko lang din yun. Tsaka hindi ko naman ininda yun. Doon na ako nag-ka isip,lumaki kaya kilalang kilala ako nang mga tao dun.

Siguro dahil bata pa ako nun. Parang wala lang sa'kin yung nan'yari.

Dumating din yung time na nasabi ni Ate grace na baka nga daw guni-guni nya lang yun. Hindi rin naman kasi yun naulit pa.

Grade 5 ako nang nakahanap nang ibang trabaho ang papa ko sa Malabon kaya lumipat kami. Malungkot pa ako nun kasi yung mga nakalakihan kong mga kaibigan eh maiiwan at mamimiss ko.

Rent room parin ang inuupahan namin. Mas maluwang nga lang sya.

Sobrang laki ng Gate kaya hindi mo makikita ang loob mula sa labas.

Pagpasok mo naman bubungad sayo ang ang isang space na pwedeng parkingan ng mga limang kotse (estimated) tapos d'un sa bandang dulo dalawang bahay na pahaba(Rectangle).

bawat bahay may 10 kwarto.

Lima sa baba at lima sa taas.

Doon naman sa pinakalikod may malaking space na may apat na banyo. Doon din ang lugar kung saan pwede maglaba at mag-sampay.

Okay naman ang mga kapitbahay namin. Karamihan sa kanila mga nag-tratrabaho kaya medyo tahimik ang lugar. Wala rin masyadong bata kaya mga dalaga na ang naging mga kaibigan ko.

Files of a Ghost Story:Donde viven las historias. Descúbrelo ahora