Salamat

602 16 2
                                    


Anim kami magkakapatid.

Nakatira kami sa isang pabrika ng Ice Cream. Dirty ice cream ang tawag nang iba.

Dahil tag-ulan, syempre ang ice cream ang pinakahuli mong gustong kainin dahil malamig which is not good sa pabrika.

Kaya hinto muna ang production bawat pamilya ay naghahanap ng ibang pagkaka-kitaan (pansamantala) to provide things, specially food.

Nag-decide ang papa ko na pumunta sa Mandaluyong sa lugar ng tito ko para maki-extra sa trabaho. Dahil malayo ang mandaluyong sa malabon ay once a week na lang sya umu-uwi sa amin, pandagdag na rin yun.

Halos two weeks na umuulan parin at dahil konting ulan lang sa malabon ay bumabaha na. WALANG PASOK.

nagkukulong lang kami sa kwarto, naglalaro ng mga kapatid ko.

Kapit-bahay? Meron naman pero nasa kabilang bagong building (3storey) samantalang kami dito sa lumang building ( two storey) pero ginawang bodega sa baba at yung mga kalapit-bahay namin malalaki na yung mga anak kaya wala kami makalaro, alangan naman na magdayo pa kami doon sa kabilang building.

Isang gabi. Ulan parin, malamig ang panahon nagising ako dahil sa naririnig kong hikbi nang minulat ko ang mata ko.

Bumungad sa akin si mama na naka-upo at umiiyak.

"Ma..." tawag ko sabay kusot ng mata.

Hindi sumagot si mama kaya umupo ako dahil baka may masakit sa kanya, Si mama kasi ang tipo na mababaw ang luha.

D'un ko lang napansin na nakatitig siya sa isang direksyon kaya sinundan ko rin ang direksyon na yun.

Nagulat ako nang makita kung ano yun at napa-sign of a cross bigla. Diyos ko!

May dugo kasi na nagkalat sa malapit sa pintuan, hindi naman marami pero hindi rin konti parang isang patak ng dugo na kasing laki ng takip ng bote at mga tatlong patak yun.

Hindi rin ako nakagalaw agad nakatutok lang ako sa patak ng dugo. Gumalaw lang ako nang biglang pumasok sa isip ko ang mga kapatid ko at agad silang sinuri isa-isa and thanks god, wala namang na'nyari mahimbing lang silang natutulog.

Hindi ko alam ang gagawin ko, kung ano ang dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon.

At dahil Elementary pa ako n'un masyadong malawak ang imahinasyon ko katulad nang paano kung may pinatay si mama kaya sya umiiyak pero agad din mawawala kasi kilala ko ang mama ko at ano-ano pa .Nahinto lang ang mga imahinasyon ko nang mag-salita si mama sa garagal na boses.

"P-p-paano kung pangitain nyan na na-aksidente ang p-papa mo." yan lang ang sinabi nya at nag-uunahan nanaman ang mga luha nya.

Kinabahan din ako sa sinabi ni mama kaya kung ano-ano nanaman ang pumapasok sa isip ko.

Tumayo ako at naghanap ng pwedeng ipunas d'un at pikit matang pinunasan pagkatapos ipinasok ko sa plastic ang basahan. Bukas ng umaga itatapon ko ito kaagad.

Dahil dun napatingin ako sa oras , at sobra ala-una pa lang nang madaling-araw.

Dahil hindi ang tipo ni mama ang pala-kwento sa ibang tao.

Walang nakaka-alam sa bagay na yun ,syempre maliban sa akin.

Lumipas ang isang linggo pero hindi naka-uwi si papa. Hindi pa yata uso cellphone noon (1998?) kaya wala kaming balita sa kanya.

Ubos na ang grocery na inilaan para sa buong linggo, mga de-lata,noodles, biscuit, kape at bigas lang naman yun.

At dahil si papa lang ina-asahan namin wala kaming pang-konsumo ngayon.

Files of a Ghost Story:Où les histoires vivent. Découvrez maintenant