Bulto ng anino.

375 9 1
                                    

Live-in kami ng boyfriend ko, nag-iipon pa para sa kasal.

May maliit kaming bahay tama lang para sa nag-sisimula.

Family Driver sya kaya, walang specific time ang uwi nya.

Kaya sanay na ako matulog mag-isa.

Kaya lang isang gabi.

Nagbabasa ako nang pocket book kaya nanatiling bukas ang ilaw. Napa-angat ako ng tingin nang maramdaman kong parang may nakatingin sa akin kaya nag-palinga linga ako.

Bumungad sa akin ang isang bulto nang Anino na nasa likod ng kurtina. Si ley agad ang naisip ko.

Kurtina lang ang ginawang pinto ng kwarto namin kaya makikita mo kung may tao.

"Ley (leo name nya.) ikaw ba yan? Paano ka nakapasok?" pero hindi naman sya sumagot. Nakatayo lang sya doon sa likod ng kurtina.

"Hindi ko ba na-lock ang pinto?" tanong ko sa sarili ko. Kasi nakapasok si Ley ng hindi man lang kumakatok.

"Ley," tawag ko ulit. Pero tahimik parin sya kaya tumayo na ako , sya namang alis nya.

Nainis pa ako nun kasi feeling ko pinag-tri tripan nya ako.

Lumabas ako at naabutan ko pa sya na papunta sa kusina,doon sa lababo dahil sa madilim at nag-aadjust pa ang mata ko dahil galing ako sa maliwanag kaya bulto nya lang ang naaninag ko.

Pupuntahan ko sana sya nang biglang may kumatok sa may pinto.

Tok! Tok! Tok!

Nagtaka pa ako nun kung sino naman ang bibisita sa akin nang dis-oras ng gabi. Kaya tinan0ng ko muna.

"Sino yan." tanong ko.

"Ako 'to, " nang marinig ko ang familiar na boses. Awtomatiko akong napalingon sa may kusina at kaagad na kinabahan.

"L-ley ikaw ba yan?" panigurado ko.

"uh-uhm...Buksan mo na ang pinto." sabi nya.

"Napasok ako nang magnanakaw "ang unang naisip ko.

Dahil sa pagkataranta ko, at panay ang sulyap ko sa kusina dahilan para matagal bago ko nabuksan ang pinto.

"Ano bang nangyayari sayo?" bungad sa akin ni Ley. Kaya sinabi ko kaagad sa kanya na may magnanakaw.

Naging alerto naman si Ley. agad syang kumuha ng malaking bato at dahan dahan na pumunta sa kusina, naiwan naman ako dito sa pinto.

Maliit lang ang bahay kaya kahit dito lang ako sa may pinto, nakikita ko si Ley.

Medyo pumasok ako nang kaunti at napadako ang tingin ko sa kwarto na ngayon wala nang ilaw.

"hindi ko naman pinatay ang ilaw kanina ah"

Kaya napatagal ang titig ko doon dahil sa pagtataka at yun na lang ang takot ko nang makita ko yung inaakala kung bulto nang asawa ko kanina na nakatayo. Hindi ko maaninag ang itsura nya, all black as in bulto ng Anino lang ang nakikita ko kahit nasanay na ang mata ko sa dilim.

"Ahhhh! Ley!" sigaw ko. Kaagad naman bumalik si Ley at itinuro ko sa kanya ang kwarto.

Nag-abang kami na lumabas yung magnanakaw pero nakalipas na ang kalahating oras ay wala pa ring lumalabas, kaya naglakas loob na kami na pasukin ang kwarto.

Ngunit walang tao doon, binuksan namin ang lahat ng ilaw pero wala kaming nakita.

Nilibot pa namin ang loob ng bahay pero walang kahit na ano doon.

Wala namang ibang madadaanan kundi ang pinto. Naka-grills ang mga bintana namin kaya imposibleng makalabas sya sa pamamagitan nun.

Dahilan para Pag-bintangan ako ni Ley na baka ge no goodtime ko lang daw sya.

Hindi ako nakatulog nang araw na yun. Iniisip ko kasi kung sino yun at anong kailangan ng nilalang , obviously hindi ko masasabi na tao yun. Pina-bless ko ang bahay para medyo mawala ang takot ko. Kumuha rin ako nang makakasama sa bahay ang kapatid ko atleast hindi ako masyadong paranoid.

Pero naiisip ko minsan....

Sino sya?

Anong kailangan ng Aninong yun?

Bakit isang beses lang sya nagpakita?

O baka isa lang yung guni-guni.

Files of a Ghost Story:Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu