Chapter twenty three.

2.3K 65 1
                                    

DEEP.

        Matapos kong magayos ng aking sarili ay bumaba ako ng aking kwarto para mag-agahan. Wala mang enerhiya at gana ang aking katawan ay sinubukan ko paring ngitian ang mga taong nakakasalubong ko sa daan.  Ngiting walang sigla.
Naaamoy ko ang mga nakahandang pagkain sa hapag ngunit hindi man lang nagreact ang tiyan kong walang laman ng dahil sa pagsusuka ko kanina.
Naguusap-usap ang tatlo ng pumasok ako sa loob ng dinning room.
Paguusap na kaagad natapos ng mapansin ako ni Faust, kinalabit nito ang katabing si Diether na sinikyod naman si Ponse.
Malamang na ako ang laman ng kanilang usapan kaya ganun nalang ang pagaalala nila na marinig ko ang kanilang paguusap.
"Goodmorning Selena!" Masiglang bati ni Faust pagkalapit ko sa silya na sinamahan pa ng ngiti.
"Morning." Ganti ko sa matamlay na emosiyon habang nauupo.
"Siguro tama na muna ang pagpunta sa Blast..baka manawa na si Broodye sa mukha natin." Pahayag ni Faust na ako talaga ang dahilan, malamang na ayaw na nila akong maglasing ulit. Paraan ng pagpaparamdam nila ng malasakit at tulong sa kaibigan nilang ayaw magpatulong.
Stupid me!
"Akala ko hindi ka lalabas ng cave mo..so gaano kasama ang hanging tumangay sayo rito?" Pagiingay ng silya sa tabi ko.
"Akala ko naman hindi mo ko papansinin." Lingon ko sa babaeng nakaupo patagilid.
"Pag-iisipan ko..simula ngayon." Ayos nito ng upo at harap sa tatlong lalaking kulang ng isa.
Wala ang kanilang ring leader na si Tylan.
"Hot choco for the princess.." naamoy ko ang aroma ng mabangong tsokolateng inumin.
"Pampababa ng tama..saka panggoodmorning narin." Ngiti nito ng magtama ang aming paningin na dalawa.
Gumanti ako ng ngiti rito.

Nilibot nito ang daan patungo sa kabilang panig ng mesa at naupo sa silyang nasa tapat ko.
"Nga pala sinong gustong magbeach ngayon?!" Sandal nito sa upuan at ligid ng tingin saming lima.
Wala namang kaagad na nagreact sa sinabi nito. "Come on..ilang days na lang magpapasukan na kailangan na natin itong ienjoy..so sinong sasama papunta ng La porta para magswimming?!" Taas nito sa sariling kamay.
"Game ako!" Biglang bulalas ni Faust matapos nakipagtitigan sa katabi.
"Yah..I think that's a good idea..beach, sunbathing..and gurls!" Tawanan ng apat na lalaki.
"What do you think Sese?!" Napangunot-noo ako ng ako ang balingan ni Tylan dahil pakiramdam ko ay nasa akin ang pagpapasya.
O yah I get it..ako ang dahilan ng pagyaya ni Tylan.
"I don't feel..."
"Come on Selena. This is what you need..kailangan mong lumayo sa dahilan ng problema mo. You need some air to breathe_yung sariwa."
Mabilis na singit ni Althea sa pagrereklamo ko.
Ilang minuto muna akong nanahimik saka sumagot ng oo.
Baka nga ito ang kailangan ko. Baka matulungan ako ng magandang beach ng La porta at ng sariwang hangin sa depression na aking kinalalagyan ngayon.
Alam kong dipressed ako ng dahil sa mga pangyayaring hindi ko matanggap at mapaniwalaan hanggang sa ngayon ngunit wala pa naman ako sa malalim na stage nito.
"Okay..that's nice then." Palatak ni Tylan na hindi nawawala ang pagngiti.
Kung gaya siguro nuon na hindi ko pa nahahanap ang mate ko malamang na kinikilig na ko sa ngiti niya..pero ngayon__wala na, kahit katiting.
Buntong-hininga kong libot ng pansin saking paligid habang patuloy na nagkukulitin ang lima.
"Nasan sina dad?!" Lingon ko sa lima na nagkibit-balikat lang.
Hindi sila nahuhuli ng ganito katagal, kadalasang sila ang nauuna sakin tuwing oras ng pagkain dahil sila ang naguumpisa.
At hindi magsisimula ang sinuman hanggat wala ang pinuno, paggalang iyon ng lahat, kumbaga sa pamilya kailangang ang padre de pamilya bago kumain dahil siya ang haligi at ulo ng tahanan.
"Parating na sila malamang."

Sa pagtama nga ng orasan sa numero ay dumating ang mga ito ng halos magkakasabay.
Not so ordinary.
Nauuna si Daddy na kahawak kamay si mommy, sa likuran si Uncle Damien na kausap si Uncle Jim na kaakbay si Aunt Luren.
Anong ginagawa nila rito?
Maya-maya naman ay dumating narin si Henry kasunod sa likuran ang apat na magkakaibigang Ryan, Vin, Brenan at Paco.
"Morning darling!" Halik sakin ni mommy bago maupo.
Napansin kong tinignan ni Dad ang gawi ng apat, na napayuko ng magtama ang paningin nila.
Maynangyari ba?
"Hi dear! Hi gorgeous!" Unang bati sakin ni Aunt Luren bago kay Althea.
"Goodmorning." Sabay naming bati ni Althea kaya nga lang ay may sigla ang sa isa at punong-puno naman ng katamlayan ang sakin.
"Aunt Luren called me gorgeous and she refer you as DEAR."
Hindi ko pinansin masiyado ang pagbibiro nito.
Maya-maya pay tumunog na ang bell bilang hudyat ng pagsisimula, sabay-sabay na nanalangin ng tahimik saka kumain.

HOWL of Fate. (MATED TO LOVE YOU) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon