Chapter 111

979 52 40
                                    

TOO NAUGHTY, TOO HOT.

-forgive typo errors..

( SYD's POV )

Bago ako tuluyang magpahinga ay hinarap ko muna ang pader na kinadidikitan ng mga iginuhit kong mga bagay na bigla na lang pumasok saking isipan simula nang makakita ako ng maikling pangitaing iniisop kong bahagi ng alaala kong nawala, mga alaalang iniisip kong wag na ring balikan pa magmula nang ipagtapat sakin ni Eyelyn na isinakripisyo ko pala ang mga bagay na di ko ngayon matandaan para iligtas ang mga taong minamahal ko. Mga taong minamahal ko at parte ng buhay ko na di ko pa ngayon naaalala. Di rin naman gaanong nakakatulong ang mga flashbacks na nangyayari sakin dahil lahat ay malalabo maliban sa alaalang may kinalaman sa mga Black Witch at saking pagkakabilanggo. Mayroong pag-asa saking kalooban subalit ang pipiliin ko sa oras na ito ay kabaliktaran ng pag-asang iyon. Ito ang naiisip kong mas makakabuti.
Umeecho pa rin saking tenga ang sinabi ni Eyelyn nang magtapatan kami. At ang pagbitaw na sa hinahangad kong nakaraang pagkatao ang siyang mas mainam. Ang bagong buhay ko na lang ngayon ang pagtutuunan ko ng pansin lalo na ang naisin kong mapalaya ang mga lobong nasa tanikala ng kadiliman. Bagay na taliwas sa itinuturo ko sa mga taga-RavenClaw. Sa pagbabahagi ko ng mga naaalala kong paraan ng pakikipaglaban at proteksiyon ay tila nalalagay sa alanganin ang hangarin ko. Alam ko naman kasi na iba ang prinsipyo nilang lahat saking naising maganap. Pagpatay ang nasa isip nila at ang sakin naman ay magligtas at tumulong.

Walang ano-ano ay humangin ng malakas saking paligid. Bumalandra pabukas ang pintuang palabas sa bedroom sabay ng kalabog na ingay ng bintana. Isang pamilyar na prisensiya ang naramdaman ko sa pagpasok ng ilang laksang itim na paro-paro. Nagpaikot-ikot sila sa uluhan ko, sa florescent lamp bago bumagsak sa sahig at nabuo ang anyo ng isang babae. Natapos ang pag-ihip ng hangin sa kanyang pagngiti sakin mula sa pagkakatayo sa pintuan.

"Kailangan mo ng kausap?" Kaswal niyang sabi na parang wala siyang pinaghimasukang privacy.
"Binabantayan mo ba ko?" Alam kong nakuha niya ang ibig kong sabihin.
"Hindi naman masiyado. Naalala lang kitang puntahan at kumustahin." Sa ilang gabi naming magkasama ay ngayon niya lang iyon naisip gawin? Palusot!
"Eto, litong-lito!" Balik tanaw ko sa pader. Pinasadahan kong muli ng tingin ang mga iginuhit ko.
"Tungkol pa rin sa alaala mo?" Nakita ko mula sa gilid ng aking mata ang paggawi ng ulo niya sa pader na kaharap ko.
"Isa na rin iyon..pero mas mabigat ang tungkol sa ginagawa ko ngayon." Hinga ko ng malalim.
"Nais kong iligtas ang mga lobong kontrolado ng mga black witch pero tinuturuan ko naman sila para pumatay at alam kong iyon ang gagawin nila sa oras na may makaharap silang kalaban. Kabaliwan ata ang ginagawa ko."
Tingin ko sa kanya.
"Una sa lahat! Hindi kabaliwan ang ginagawa mo. May nailigtas ka na, remember?!" Paalala niya sa grupo ng mga rogues na hinatulan ng bitay, ang kataksilang ginawa ko.
"Pangalawa, ginagawa mo ito para tumulong sa mga taong kumukupkop ngayon sayo lalo na sa mga tao ritong mahalaga na sayo." Lumapit siya sakin.
"Madali lang naman ang problema mo. Sabihin mo sa kanila ang punto mo, tiyak kong pakikinggan ka nina Theo, Damien at Jim." Tayo niya saking tabi. Rammdam ko ang mga mata niyang nakatingin saking mukha.
"Turuan mo sila ng self defense at hindi ang "go for the kill". Be open to them, Syd. That's the key for them to understand your sentiments."

Naging tahimik ang pagitan namin ng ilang sandali.
"Nahihiya ako sa ginawa kong pagtataksil, Susanna kaya paano ko haharapin ang magkapatid ng walang guilt sa tuwing tinitignan ko sila."
Bumuntong-hininga siya.
"Ang dami mong dalahin, superman!" Tapik niya saking balikat tapos ay mahigpit iyong hinawakan.
"You're not a perfect person or at least you don't wanna be one, right? So, it's okay to have mistakes or to shift ways. Ang mahalaga ay sinusunod mo ang puso mo. Kahit duon man lang sa bagay na iyon." May ibang pakahulugan akong nahimigan sa sinabi niya. Iniwasan ang tingin ko at tumutok sa mga nakadikit kong mga iginuhit.
"Anong balak mo sa kanila?" Tukoy niya sa mga pira-pirasong alaala.
Wala ako sa kanyang naisagot dahil kahit na nakapagdesisyon na ako ay may maliit na parte pa rin ng pagkapit saking kalooban, pagkapit sa pag-asang maibabalik ko pa ang buhay kong nakaligtaan.
Sa huli ay natalo ng isip ko ang aking konsensiya. Isa-isa ko na inalis para iligpit ang mga iginuhit ko sa papel. Tahimik lang naman siyang nanonood saking likuran.
"E, siya. Ginugulo niya rin ba ang isip mo?" Mali pala ang sapantaha ko. Pinakikialaman niya ang mga nasa mesa at hawak ngayon ang larawan ng magandang babaeng iginuhit ko ng lapis. Isang buwan na rin ang lumipas.
"Kuhang-kuha mo ang itsura ng susunod na Luna." Paharap niya sa sarili ng papel para pagmasdan ang nakaguhit duon.
"Nagandahan ako sa mukha niya kaya iginuhit ko siya." Kuha ko mula sa kanya ng papel. Ano bang pinapahiwatig niya sakin? May alam ba siya?
Sinagot niya ako ng paghimig. Ipinagpatuloy ko ang pag-alis sa mga itatago kong mga ginuhit habang sinusurot ang kalooban ko ng mga maiikling tagpo naming dalawa ni Selena, mga tagpong walang bahid ng inis. Lalo na kanina at nang nakaraang araw nang makita ko siyang mag-isa sa gubat. Pinakitaan niya ako ng maayos na pakikitungo kahit papano, kanina ay ngumiti pa sya sakin kaya naman di ko napigilan ang sarili ko na gantihan sya ng maayang asal, nadulas pa ako saking damdamin at natawag ko siyang maganda. Bagay naman yun sa kanya sa isang banda.
Nagkalapit na kami sa isat-isa nitong nagdaang araw para bang pinaglalaruan ako, di lang niya kundi pati ng pagkakataon.
Di ko maiwasang maitanong kung ano nga ba ang katapusan ng aming kapalaraan?

HOWL of Fate. (MATED TO LOVE YOU) COMPLETED.Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang