Chapter Fourty seven.

1.7K 56 8
                                    

A TEST OF HEART, A TASTE OF ANGER.

This chapter is dedicated to @PERLITA_DOMINGO. Thanks for your wonderful support. Hope that you'll keep supporting HOF  'til the END. XD

{ DAMIEN''s pov }

"What?" Nagsalubong ang kilay ni Theo ng tumaas ang tono ng pagsasalita ng kaharap. Nakalimot ata ito kung sino ang nasa itaas, ang nasa tuktok, ang may hawak ng kapangyarihan, ang Alpha. Sabagay sa mga ginawa niya nitong nakalipas mukha ngang madalas na makalimot si Henry kung sino ba siya at anong lugar niya.
"Bakit pa? Sunugin na lang natin sila. Walang gastos, walang hirap!" Nakita ko ang pagtitimpi ng kapatid ko ng humigpit ang kanyang hawak sa basong may tubig at yelo.
Nawalan na ata ng brain cells ang isang ito dahil pinangungunahan nito ang pasya ng kanyang pinuno o baka akala niya'y isa parin siyang Gamma para magbigay ng salungat na opinyon, kahit wala namang may paki.
"Sunugin? Nagiging lobo nga ako Henry pero tao padin ako. At bilang tao natutunan kong respetuhin ang bangkay ng mga patay maging demonyo man o mortal. Bigyan naman natin ng awa ang mga naligaw nating kauri..kahit sa huling sandali."
Hindi parin nawawala ang kaasiman sa mukha nito. Ang mukha niyang masarap basagin.
"Understood?!"
Bumuntong-hininga muna ito bago tumango. Tangong napipilitan.
"Excuse me!" Paalam nito bago umalis.
"Kailangan mo na sigurong turuan ng leksiyon ang isang yan' dahil baka isang araw sakmalin ka na lang niya. " Alis namin ng tingin ng magsara na ang pintuang nilabasan ng utak talangkang si Henry.
"Tama si Jim, kuya. Mukhang kulang pa ang parusa niya." Ikinangunot-noo namin ni Jim ang pagiling niya.
"Sa tingin ko'y sapat na. Wag ka ring magalala Jimson, bago niya ko masakmal wala na siyang heartbeat. Isa pa'y para narin tong parusa sa kanya. Siya ang magaayos sa funeral ng mga rogue. He hates them..and that will serve as his punishment."
Sandal niya sa kanyang upuan at inom ng malamig na tubig.
"You are the craziest Alpha among the bunch of CRAZY Alpha's!"
"Mas gusto kong maging rogue killer padin. I'll keep that awful title."

"Nga pala mabalik tayo sa pinaguusapan natin kanina. Sigurado ka bang ayos lang na isali natin siya sa mga figther ng ating pack?" Sandal ni Theo sa kanyang upuan.
"Wala namang mawawala satin. Isa pa nakasugal na tayo sa kanya sa simula pa lang."
"Pero ayokong isugal ang pagtitiwala ko, Damien!_alam mo yan." Tuwid na tingin saking mga mata ng aking kapatid. Higit sa lahat ng bagay ay ang tiwala ang pinakaiingatan ni Theo dahil mahirap iyong bitiwan at buuin kapag nasira, maging ako man ay ganun din ngunit sa tingin ko naman ay hindi ako ibabagsak ni Syd. Hindi niya susunugin ang tiwala kong ibinigay sa kanya simula ng tignan ko ang puso niya.
"Ako din naman.. pero sa tingin ko'y ibinigay na natin iyon sa kanya ng magdesisyon tayong tumira siya sa ilalim ng ating bubong." Seryoso naming usapan.
"Pwede namang kalahating tiwala muna ang ating ibigay_hindi ba?"  Sabay naming tingin na magkapatid Jimson.
"Nahahati ba ang tiwala, Jim?!" Tanong ko sa matalinong elder ng Raven Claw.
"Bakit hindi?! Yung dagat nga na impossibleng mahati nahati ni Noa, ang tiwala pa kaya?!" Pakrus ng mga hita nito.
"Hindi si Noa ang salarin sa pagkahati ng dagat, Jim!. Si Moises yun..si Moises."  Pagulit ko upang matandaan niya ang pinagkaiba ni Noa at Moises.
"Hindi ko alam na binabasa mo ang bible, Jim. That's new and unbelievable at the same time." Plakdang tawa ni Theo.
"Come on genius! The point is...pagkatiwalaan natin ang alaga ni Damien pero hindi hundred percent. "
"Hindi ko siya alaga."
"But you are his guardian."
Hindi ko na lang pinatulan ang pangangatiyaw nito para hindi na humaba pa ang lokohang inuumpisahan nito.
"Let's just hope that trusting him is worth it!" Lapat ng mga kamay ni Theo sa ibabaw ng kanyang mesa.
"I think we're in a good deal!" Iling ko sa pinapakitang pagiging easy ni Jim. Ang hilig niyang gawin kapag interesado siya sa isang bagay.

HOWL of Fate. (MATED TO LOVE YOU) COMPLETED.Место, где живут истории. Откройте их для себя