Chapter Fifty five.

1.1K 51 1
                                    

WARM.

This chapter is dedicated to @libragirl19  for being awesome! More kulit! More fun!

{ DIETHER's pov }

       Init ng sikat ng araw ang siya kong nararamdaman sa paggising ng aking diwa at pagmulat ng aking mga mata. Dahan-dahang nag-adjust ang aking paningin sa liwanag na pumapasok mula sa bukas na bintana at tumatagos sa sutla ng kurtina. Kasabay sa pagtutok ng aking mga mata sa pulang sobreng nakalapag sa ibabaw ng mesang nasa gitna ng dalawang bintana ang pagbabalik saking isipan ng panaginip ko kagabi.
Ngunit sinasabi sakin ng puso ko na hindi lang iyon panaginip lang, na hindi lang gawa-gawa ng aking imayhinasiyon ang gabing iyon ngunit walang bakas na naiwan upang mapatunayan ko saking sarili na totoo ang lahat ng nangyari kagabi. Walang bakas ng kanyang scent sa loob ng aking silid at walang bakas ng kanyang pagdating at pag-alis.
Pagbuntong-hininga ang una kong ginawa saking pagbangon. Hindi ko masasabing good ang morning na ito. Matamlay akong bumangon at bumaba ng kama at pumunta sa loob ng banyo upang kumuha ng gamot para sa nananakit kong ulo. Natigilan ako sa pagbukas ng cabinet ng mapansin ko ang aking itsura sa salaming. May itim na nakamarka sa ilalim ng aking mga mata, bahagya na ring tumutubo ang mga facial hair ko saking mukha at nangangalumata ang aking mga mata samahan pa ng magulo kong buhok.
"Mangako ka!" Sandal ko sa pader na nasa aking likod ng umecho ang kanyang tinig saking tenga na parang siya mismo ang bumulong sakin.
Muling bumalik saking alaala ang aming maikling pag-uusap, ang maikling panaginip.
Gusto niyang ibalik ko ang dati kong sarili ngunit paano ko magagawa iyon kung dinala niya ang puso ko sa kanyang pag-alis. Magagawa ko bang ngumiti kung wala naman ang dahilan ng aking kaligayahan. Ang hirap maging masaya. Ang hirap gawin.
"Mangako ka."
"I love you more!"

Malakas na umihip ang hangin papasok saking kwarto. Napako sa labas ang aking paningin sa paglipad ng pulang sobre. Pinagmasdan ko ang pagtangay rito ng hangin at pagbagsak sa sahig.
Iyon ang sulat na iniwan ni Selena para sakin sa clinic. Hindi ko parin siya natatanong kung kanino galing ang sulat dahil lagi akong umiiwas sa kanila.

Lumabas ako ng banyo at dinampot ang pulang sobre sa sahig. Lumukso ang puso ko ng makita ko ang seal na nagla-lock sa sobre, ang seal na ginagamit ng mga vampira.
Mabilis kong binuksan ang sobre at kinuha ang sulat sa loob saka mabilis na nagumpisang magbasa sabay saking pag-upo sa paanan ng aking kama.

'To my beloved mate;

       Kumusta ka na? Alam kong nasaktan kita saking pag-alis and it hurts me too. Its alright if you hate me, its my fault anyways. I'm so sorry..I'm really apologizing for leaving you without further enough reason, my love. Alam kong dinurog ko ang puso mo sa ginawa ko ngunit kailangan ko iyong gawin dahil iyon ang nararapat. Hindi ko masasabi sa ngayon ang lahat ngunit sa muling nating pagkikita ay ipinapangako kong sasabihin ko sayo ang lahat.
Hindi man tayo nagkasama ng matagal na dalawa. Wala namang kasing  halaga at kasing saya ang mga sandaling magkasama tayo. Lagi kang nasa isip ko, araw-araw, bawat gabi, sa pag-ihip ng hangin at sa bawat kilos ko. Walang dudang iniukit ka ng pagmamahal sa puso ko. Sa pusong hindi ko inaakalang meron ang tulad ko.
Patawad kung nalulungkot ka. Patawad sa lahat.
Wala man ako sa tabi mo pangakong lagi kang nasa puso ko. You are my everything and I want you to go on in your life, the way it was before we met. I want you to be strong not for me but for yourself and for the people who loves you. Someday we will meet again..at the right time and I promise you, we will never be apart again. You and your love is the only hope that's keeping me alive and I'm holding on it as tight as I can and I'm hoping that you will do the same, Diether.

HOWL of Fate. (MATED TO LOVE YOU) COMPLETED.Место, где живут истории. Откройте их для себя