Chapter 116.

763 44 37
                                    

BAD BLOOD.

This Chapter is still in AUTHOR's point of      view.

"Syd!!" Sigawan ng mga kaibigan niya sa pagsakmal sa leeg niya ng mga kamay ni Tylan. Iyon ang pagsisimula ng pagsiklab ng galit ni Tylan. Mahigpit ang kapit ng kamay nito sa leeg ng binatang wala pa ring ginagawa para ipagtanggol ang sarili niya mula sa naghuhuramentadong shifter. Ikinabigla niya ang mga nangyayari kaya hindi sya kaagad nakapagreact pero hindi niya naman hahayaang madehado ang kanyang sarili lalo na at wala siyang alam na maling kanyang ginawa. Nanlilisik ang mga mata nitong nagbagong hugis at kulay sa paghigpit ng kamay nito sa kanyang leeg. "Masyado kang mapapel! Masyado kang nakakairita." Ibinigay nito ang lakas sa kanyang braso upang iangat sa ere si Syd nang biglang may mga brasong sumingit sa tagiliran ni Tylan at lumingkis papunta sa batok ang mga kamay upang ilock sa pagkilos si Tylan. "Tama na sabi!" Buong lakas ng loob na pigil ni Diether rito. Sa magkakaibigan tanging si Diether lang ang makakapantay sa lakas ni Tylan at sa ranggo nito bilang pinuno ng maliit nilang barkadahan dahil tanging siya lang ang malapit nitong kapantay sa lakas at ranggo.
Nabitawan niya si Syd dahil sa pag-awat na ginawa ni Diether ngunit mas lalo lang iyong ikinangitngit ng is dahil iniisip nitong tinalikuran na sya ng pinagkakatiwalaan niyang kaibigan. Umungol palabas sa bibig niya ang emosiyon ng galit saka inihagis paatras ang ulo sa mukha ng nasa likuran niya. Dinig ang pagtama ng mga buto at pagiyak sa sakit na naramdaman ni Diether. Nagawang makalaya ni Tylan mula sa pagkakaheadlocked at mabilis na binigyan ng sapak bilang regalo sa ginawang pagtraydor sa kanya ni Diether. Bagay na ikinagulat ng mga nanonood sa kanilang nagaganap na eksena.
"Ty!" Awat na harang ni Ponse sa harapan ng best friend niyang napahakbang paatras at dumudugo ang napuruhang ilong.
"Hindi tayo magkakalaban dito!" Tayo nito ng tuwid ng nakadipa ang mga kamay.

Nanginginig ang mga panga siyang dumura sa lupa habang nakikipagtitigan sa nagpupunas ng dugong binata.
"Ikaw ang may dala ng lahat ng kagaguhan sa buhay namin, IKAW!" Sigaw nitong harap sa nasa likuran niyang binatang humakbang palayo..paatras.
Nasa kabilang panig ang mga kaibigan ni Syd na handa namang tumulong kung lumala ang mainit na kaganapan at kung hindi magpapapigil si Tylan. Nasa tabi nila naman ang matalik na kasangga ni Tylan na si Faust, ang kakulay niya ng sungat, buntot at pangil. Hindi nga ba at magbestfriend sila!
Nakatayo sila habang nagaganap ang pagsisimula ng pagsabog ni Tylan. At nagpatuloy ang pagapaw ng galit nito.
"Lahat na lang ng bagay na ginagawa mo ay nakakabwisit!!" Hakbang nito palapit.
"Nakakapagpakulo ka ng ulo!!" Talsikan ng mga laway nito na para nang asong ulol.
"Nakakangitngit ka ng pangil!" Sumabog ang hangin pasalubong sa pagtabo nito. Hindi namalayang humaba na ang kanyang mga kuko upang sugatan ang kanyang kalaban.
Dinig na dinig ang paghiwa sa hangin ng kamay nitong tila malakutsilyong kuko ng ibong mandaragit sabay sa sigawan ng mga manonood.
Nagawang makaatras ni Syd kaya hindi sya nahagip ng atakeng iyon ni Tylan ngunit hindi lang iyon pang-isahan.
Gamit ang kaliwang kamay na pinakawalan ni Tylan ang ikalawang pag-atake. Mula sa ibaba pataas na parang latigong pumitik. Kalahating pulgada na lang ang layo ng matatakim na kuko nito sa balat ni Syd. At sa bawat pag-ilag at di pagtama ng atake nito sa huli ay siyang pagdagdag at paglalim ng galit niya para rito.
"Ahhhh!" Galit na galit na pinaulanan nito ng atake si Syd na hindi naman lumapat o sumagi sa binatang hindi rin huminto sa kakailag, bagay na hindi ikinatutuwa ng lobo sa kanyang kinalalagyang kailaliman.

"Sabing tama na!!"
"Sakin lang si Selena!!!" Sabay nilang sigaw sabay sa pag-atake ni Tylan at pagpakawala ng counter attack ng una. Hinampas lang ni Syd ang mga kamay ni Tylan saka malakas na itinulak ito.
Luwa ang matang tinignan ni Faust ang paglipad ng kanyang best friend na parang basurang itinapon. Napunta ito sa kabilang panig ng malawak na bakuran at bumagsak sa loob ng mga halamang namumulaklak.
"Tylan!" Mabilis na takbo ni Faust sa tabi ng kaibigan.
"Hindi sayo si Selena! Hindi kahit kailan!!" Sa wakas ay hinayaan na rin ni Syd na kumalawa ang emosiyon niyang nararamdaman para sa taong galit na galit sa kanya sa hindi niya malamang dahilan, nuon....ngunit kumpirmado na niya ngayon ang punot dulo. At iyon ay si Selena. Alam niyang may pagtingin ito sa dalaga ngunit inaari na nito ngayon ang babaeng itinadhana sa kanya. At hindi iyon tinanggap ng kalooban niya.

HOWL of Fate. (MATED TO LOVE YOU) COMPLETED.Место, где живут истории. Откройте их для себя