Chapter Fourty eight.

1.5K 50 13
                                    

FLAMES OF FIRE.

This chapter is dedicated to @Valor_Castel Thanks for your votes! =)

      Parang isang malaking alon na humampas saking damdamin ang galit. Parang liyab ng apoy na lumagablab. Manipis lamang ang scent na nasasagap ng aking pangamoy ngunit parang iyon lang ang tanging masangsang na pabango mula sa ilang daang bulaklak sa malawak na damuhan.
Nasa paligid ang taong nanakit kay Ria. Ang kapal ng mukha niya para magpakita rito, magpakita kay Ria. Gusto kong alisin ang piring saking mga mata upang mahanap ko ang lalaking nagmamay-ari ng scent at ng mailapat ko sa mukha niya ang aking mga kamao ngunit swerte siya dahil nasa tiyempo ang paglabas niya. Kung mamalasin ka nga naman.

"Fist forward!" Tinig ni Damien na nagpabalik saking pansin sa kasalukuyang nangyayari. Ang labanan.
Kailangan kong magfocus dahil kung hindi ay matatalo ako. Oo lamang ako sa lakas at hindi ako nasusugatan ng anumang sandata ngunit ginamitan ako kanina ni Luren at Señora Salem ng gamit na may spell kaya baka nanghina ang depensa kong iyon laban sa pag-atake.
Hindi ko alam sa ngayon.. malalaman ko pa lang.
"Teka di ba..hindi siya kayang masugatan_kaya pano?"
"Oo nga no! Bahala sila!"
"Kaya yan ni Jhonson."
"Sa rouge ako."
"Kay J ako."
Bulungan sa paligid sa paglapat ng aming mga kamao sa ere.

"Uno!" Mainit na pakiramdam sa paglukob ng mga palad ni Damien saming mga kamao.
Katahimikan.

"Fight!"

Hakbang paatras ang unang kilos kong naisip. Naaamoy ko ang kalaban ko saking harapan ngunit nahahati ang aking isipan sa demonyong lalaking nanakit saking kaibigan.
Muli akong napaatras sa paghaging ng kamao saking tenga. Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan nila gagawin ang pakikipagduelo.

Tanging ang lupa lang sa ilalim ng aking mga paa ang nagsisilbi kong mata dahil natatakpan ng bandana ang aking paningin at kadiliman lang ang siya kong nakikita saking paligid.

Nanikip ang hangin saking baga sa paglapat ng matigas na bagay saking dibdib. Lumapat sa lupa ang aking likuran sa pagbagsak ko ng patihaya. Sumabog ang hiyawan sa pagplakda ko sa damuhan.
Shit!
"Come on rouge! Patunayan mo yang galing mo." Pangaalaska ng lalaki saking harapan habang nalulunod ako sa amoy ng lalaking nanakit kay Ria at sa scent mismo ni Jhonson.
Kinapa ko ang lupa at bumangon ng dahan-dahan habang naghahabol ng hangin saking baga.
Hindi pa man ako lubusang nakakatayo ng maramdaman ko ang pagtama nang paa niya saking bukong-bukong. Bumagsak ako saking tagiliran at di ko napagilang hindi mapaiyak sa sakit ng pagtama ng tadyang ko sa isang bato.
FOCUS!! Mahinang bulyaw ko saking sarili, saking isipan.

"Give up rouge! Mas nakakahiya kapag pinatulog kita diyan!" Lakad ng mga paa nito paikot sakin.
"Tapusin mo na yan Jhonson!!"
"Wag mo ng patayuin pa!!" Sigawan ng ilang manonood. Hindi nila maitago ang kanilang kasiyahan sa nakikitang pagkatalo ko. Ngunit hindi pa tapos ang lahat at hindi ito matatapos ng ako ang magiging talunan..HINDI!

Nagawa kong maiwasan ang kanyang pinakawalang suntok. Humaging iyon saking pisngi. Sinisimulan kong iwaksi saking inaalala ang aking pansin upang ituon sa laban ko ang buo kong atensiyon ng umihip muli ang hangin. Di ko nakontrol ang paglinga ng aking ulo sa gawing gilid ko, sa direksiyong pinagmumulan ng scent ng damuho.

Tumabingi ang panga ko sa pagsapul ng nakasarang kamay saking mukha. Nagpintig ang aking tenga sa pagtagilid ng aking mundo. Umikot ang kadiliman at kamuntikan na kong muling mahiga sa lupa kung hindi ko napatatag ang aking tuhod.
"Sumuko ka na! Loser!!"

Ipinilig ko ng ilang ulit ang aking ulo upang mawala ang pag-ikot ng dilim.
( UMAYOS KA NGA! ) Nanggagalaiting bulyaw ng malalim na tinig saking kailaliman. Galit at nakakakilabot.
( HINDI KA IPINANGANAK PARA MABUGBOG LANG, SYD! ) Muling sigaw ng pamilyar na tinig saking tenga. Pamilyar ngunit may kakaiba.
Ikaw!? Bakit ngayon ka lang nagparamdam sakin?
( MAMAYA NA YAN! PATUMBAHIN MO MUNA YANG INSEKTONG NASA HARAPAN MO! ) Matigas na utos ng malalim na boses.

HOWL of Fate. (MATED TO LOVE YOU) COMPLETED.Where stories live. Discover now