92.

618 28 1
                                    

FLIRT.

( Forgive the typographical errors..if there is! Just a heads up. XD )

- this chapter is dedicated to @beLLaCrazy1992 .

Magkasabay kaming bumaba ng hagdang magpinsan suot ang aming jogging ternos na worn out shirt na butas sa gilid hanggang bewang at may pang-ilalim na sports bra katerno ng jogging short. Parehong nakatali ang aming buhok na dinuduyan saming paglalakad. Ilang mga mata ang nagpasasa sa nakikita nilang natural na kagandahan.
Nagpunta muna kami sa kitchen para kumuha ng mineral water. Ilang good morning at hello ang aming natanggap mula sa mga naruon. Kasalukuyan pa lang silang naghahanda ng gagawin nilang agahan para sa halos ilang daang tiyan. Kahanga-hanga ang desisyon nila sa pack.
"Ang ganda ng umaga, hindi ba mga dilag?" Litaw ng head Cook na si Baison sa tabi ni Althea sa pag-itsa ko ng mineral water rito. Swabe naman niya iyong nasalo.
"Mas gumanda pa dahil gising na kami." Patol ni Althea sa biro nito.
"Walang duda, mga dilag!" Ngitian ng dalawa na ginaya ko na lang rin.
"Galingan mo sa pagluluto ng agahan natin! Mauna na kami!" Paalam niya rito. Parang prinsesa niya kaming niyukuran at naglahad pa ng daan para samin.
Pagkalapas namin ng kusina at hinila ko siya palapit sakin saka kinurot sa tagiliran.
"Ouch! Ba't ka nangungurot?!" Dapat nga sa singit kita kinurot e!
"Don't do that again!"
"Do, what?" Patay malisya niya saking pananaway.
"Flirtin?!" Napangiwi siya na parang nakakain ng maasim nang sabihin ko ang hindi niya napansing bagay.
"In case that you do not know, Alyly! What you did back there is..FLIRTING!" Bulong kong pangangaral ngunit bigay diin sa huling salita. Hindi maling pakitunguhan niya ang lahat, yun lang dapat sa tamang paraan. Masiyado siyang pasweet na malambing na ewan..malapit na sa paglalandi.
"Malicious ka lang talaga, Sese..pero oo na lang!" Patakbo niyang labas ng bahay.
Isang maayang umaga naman ang tumamabad saking pag-apak sa damuhang bakuran. Simisirit pa ang sprinkler na pandilig sa bermuda grass na nakapalibot sa buong kabahayan.
Malamyos na umiihip ang hanging dumuduyan sa mga puno at halaman.
Tineternohan ang masarap na sinag ng araw na dumadampi saking balat at dumadaan sa mga siwang ng mayayabong na punong-kahoy.

"Hi, Selena!" Mga baritonong boses na nagpalinga sakin. Simpleng ngiti lang naman ang isinukli ko sa mga kalalakihang tumatakbo paikot sa bahay.
"Selena!" Tawag sakin ng pinsan kong nang-iwan.
Kumabog ng doble ang puso ko pagkakita ko sa grupo nina Mondy at siyempre, dahil alam ko at ramdam kong tumingin rin sakin si Syd. I saw it from the corner of my eye.
Patakbo niya akong nilapitan nang di makahintay na makalapit ako at kinaladkad ako patungo sa kinaroroonan nila.
"Hi, guys! Pwedeng makijoin kaming magpinsan?" Nagsitayo ng tuwid ang mga ito pagkalapit namin sa kanila.
Wala silang mga suot na t-shirt maliban kina Kai, Diether at Syd. Proud talaga sila sa kung anong meron sila. Well, maganda nga naman ang katawan nila..tbh! Di narin masama.
Kasama narin nila ngayon si Diether.
What if, puro sila abs hanggang mukha, magiging ganyan pa kaya sila kaproud sa mga sarili nila.
"Sure na sure!" Abot-tengang ngiti ni Hue.

"Pero baka may magalit kapag sumama kayo samin?" Alam ko kung sinong tinutukoy ni Diether sa tanong niya.
Speaking of those jocks, asan na ba sila? Tulog parin up to now?!
"Wala 'no!" Sagot niya sa lalaking nagistretch ng katawan.
"Then, you can join us! Come on! Stretching muna!" Takbo patungo sa gitna ni Mondy. "Pumaikot kayo sakin, team pogi!" Palatak nito ng palakpak.
"At team gandang natural!" Di ko napigilang mangiti sa itinawag niya rin samin.
Ginawa namin ang iniutos niya. Pumaikot kami sa kanya saka ginaya ang ginagawa niyang pag-iistretching.
"Selena!" Angal ni Althea nang tamaan ko siya ng aking kamay.
"Sorry!" Layo ko sa kanya kaya't nabangga ko naman ang nasa kanan kong si Kai.
Ano ba?!
"Sorry, Selena!" Hingi niya ng paumanhin na dapat ay ako ang gumawa dahil ako ang nakasagi sa kanya.
"It's okay. Sorry din."

HOWL of Fate. (MATED TO LOVE YOU) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon