Chapter Fourty four.

1.5K 73 5
                                    

UNDER THE MOONSHINE.

This chapter is dedicated to @jella_Luhan for voting from the start, for sharing some thoughts, for putting HOF to her R.L but most of all for reading this story. XD.

Sinalubong kami ng dalawang lalaki sa pagbabalik ng grupo mula sa basement. Nababakas sa mukha ng nauunang lalaki ang kaginhawaan, wala na ang bigat ng pangamba sa kanya ng madatnan niya ang kalagayan ng anak kanina. May nakaguhit ng ngiti sa labi nito at sigla na ang nakapinta na emosiyon sa mga mata.
Niyakap nito ang pinuno saka nagpasalamat. "Maraming maraming salamat Chief Alpha! Hinding-hindi ko ito makakalimutan." Kumikislap sa saya ang mga mata nito. Sinasalaming ang tuwang nararamdaman.
"Walang anuman Beta Percy! Masaya kong matulungan ko ang aking kaibigan. Para san pa ang lahat ng pinagsamahan natin. Isa tayong alyansa, magkaibigan kahit kailan."
Tapik nito sa balikat ng kaharap.
"Its an honor to be your friend Chief!"
"Ahh! Stop with those flattering words! Isa pa wala naman talaga kong inambag..kung may dapat kang pasalamatan, yun ay hindi ako kundi ang binatang si Syd!" Linga ng ulo nito patungo saking kinatatayuan, na sinundan ng mga nasa paligid.
Lumakad ito patungo sakin at nagpasalamat habang nakikipagkamay. Sinuklian ko ng ngiti ang mabuting ipinakita nito.

"The brave guy. The new face!" Pahayag na lapit ng lalaking siya ring Alpha ng lalaki saking harapan.
"Hindi siya kabilang sa Raven Claw.." sabi nito matapos amuyin ang hangin saking paligid. "..he smells_strange!" Ngunot-noong tingin nito sa Alpha. Ano kayang ibig sabihin niya tungkol saking amoy?.
"Kaibigan siya ng pamilya. Galing siya sa malayong lugar at nagbabakasiyon pansamantala rito." Pagtatakip ni Damien sa hindi ko alam niyang dahilan.
Sa tingin ko naman ay walang mangbubuko sa kasinungalingang iyon dahil mukha namang tapat ang lahat sa kanilang mga pinuno.
"I'm Alpha Mauro of Duevvindwell pack! Its nice to meet you Syd!"
"Masaya rin akong makilala ka, Alpha Mauro." Naglapat ang mainit naming mga palad.
"Ako naman si Percy, ang Beta at dad ni Jwaqko."

Natutuwa ang puso ko sa natatanggap kong pagtanggap ng ibang tao. Nababawasan ang pagkailang ko sa paligid na aking kinagagalawan.
"Ang mabuti pa'y magkape muna tayo!"
"Mas mabuti kung gagamutin muna ni Syd ang kanyang kamay habang nakakapagpigil pa ang aking mate na sakmalin siya." Natuon ang atensiyon ng lahat sa babaeng nagsalita sa likuran ng umpukan.

Mahigpit na nakahawak sa kamay ni Lucas si Camilla. Halata ang kanilang pagkailang sa kanilang pagkakatayo. Lahat kasi ng tingin na nakapako sa kanila ay nakasalubong ang mga kilay maliban sa pamilya ng pinuno.
"Blood!" Singhot ni Lucas sa hangin na akala mo'y may pagkain na nakalatag sa kanyang harapan. Namumula sa pagkauhaw ang mga mata nito. Napapalunok ng hangin at nanginginig ang kamay na nasa tagiliran.

Isang mahinang tunog ng pumatak na likido ang nagpabalik ng mga mata sakin. Maliit na butil ng dugo ang muling tumulo mula saking daliri pababa sa makintab na sahig.

"Lucas!"

Isang malabong pigura ng tao ang mabilis na gumuhit sa hangin na animoy pinakawalang palaso.
Hindi nakagalaw ang lahat sa kanilang kinatatayuan sa bilis ng pangyayari. Mga gulat na mga mukha ang rumehistro saking paningin habang gumagasgas sa sahig ang aking paa.
"Lucas don't!!"
Malakas na sigaw ni Camilla sa lalaking nakasakal saking leeg.
At bago pa makahakbang ang mga nasa paligid ay bumaon na saking laman ang tila mga karayom sa talim na mga pangil ni Lucas.
Pinagmasdan ko ang pagtakbo palapit ni Damien sa nanlalabong paningin. Bawat paghakbang ng kanyang mga paa ay katumbas ng aking dugong nawawala saking katawan. Wala na akong nagawa kundi ang ipikit na lang ang aking mga mata hanggang sa lumupaypay na ang aking kamay saking tagiliran.

HOWL of Fate. (MATED TO LOVE YOU) COMPLETED.Where stories live. Discover now