Chapter 131.

604 22 12
                                    

LONG NIGHT part II.

     Hindi pa ako nakaramdam ng ganitong sakit sa tanang buhay ko. Nuong mawala si Kuya Zerron ay may parte ng pagkatao ko ang nawala ngunit unti-unti ko iyong nabuo sa paglipas ng panahon dahil sa pagmamahal na ipinakita sakin ng mga tao saking paligid lalo na ng mga magulang ko at pamilya. Nabuo ulit ako gaya ng dati at naging masaya kahit na mayroong pilat ang aking kaluluwa..nawala ang sugat at naghilom...ngunit ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay higit pa sa doble ng sakit na naranasan ko nuon, higit pa sa sakit na dulot ng heat, higit pa sa paso ng apoy. Parang may bakal na kamay na nagaapoy ang pumipiga ng pino saking puso, saking kaluluwa..pareho naming pinaghahatian ni Dianna ang sakit na pumipilipit saming kaluluwa.

Nakaupo sa lupa kong hawak-hawak ang aking dibdib kasabay ng pagagos ng tubig saking mga mata.

Hindi ko ba deserve na piliin at maging masaya. Hindi ko ba deserve ang second chance.

Tama siguro si Meggan desperada na ako dahil wala na akong chance na manalo pa kaya ano pang magagawa ko kundi magpakadesperada na lang.

Wala na akong natitira pang alas laban sa piniling desisyon ni Syd..kundi ang magpakadesperada kaya naman sa huling pagkakataon ay kumilos ako at nagbakasakali.

Sa lakas na natitira saking tuhod,  tinakbo ko ang kinaroroonan ni Ria at lumuhod sa kanyang harapan para magmakaawa.

"Please, I'm begging you ibalik mo sakin si Syd..pakawalan mo sya...please..maawa ka..please." Alam kong nakakatawa akong pagmasdan habang umiiyak at nagmamakaawa pero ano pa bang natitira sakin kung wala na si Syd?

Oo, may magulang ako at pamilyang magmamahal sakin pero sya lang ang tanging pirasong bubuo sa pagkatao ko at estorya..walang iba.

"Ria..iba na lang yung gustuhin mo, iba na lang yung mahalin mo...wag na siya.."

Hawak ko sa pantalon niya habang nagmamakaawang nakatingala sa kanya sa pagihip ng hanging may kasamang tubig mula sa maalong dagat at init ng apoy na nanggagaling sa bonfire. Naruon sila at nakatingin saking ginagawang pagmamakaawa.

"Alam kong maiintindihan mo ko..alam kong alam mo kung gaano kasakit ang mawalan ng mate..alam kong bilang isang babae ay nararamdaman mo ang sakit na nararamdaman ko ngayon kaya please naman iba na lang, Ria..iba na lang. Wag siya, wag si Syd."

Katahimikan lang ang isinukli nya saking pagmamakaawa habang nakatingin saking mga mata.

"Please..iba na lang." Kulang na lang ay halikan ko ang paa nya at sambahin siya para lang bitawan nya ang taong di naman talaga kanya.

"Nagkaroon ka na ng ilang ulit na pagkakataon noon..pero ikaw rin mismo ang hindi kumuha sa pagkakataong maaari pa sigurong maging iyo siya." Inalis nya ang kapit ng kamay ko sa kanyang pantalon.

At inakay niya ako para tumayo.

At nagpatuloy ulit akong magmakaawa sa kanya.

"Stop being selfish!" Natigilan ako sa tigas ng pagkakasabi niya nuon. Nakatingin ako sa mga mata niya at nakita ko ang matibay niyang damdamin at kagustuhang hawakan si Syd ng mahigpit at hindi pakawalan.

I hate her so much right now...i hate her like a bitch.

"Hayaan mo siyang maging masaya naman. Hindi yung puro ikaw na lang yung iniisip mo!" And she continue to act like one. Shocking.

"Ano bang akala mo?!..na sa pagiyak mo, sa pagluhod mo, sa pagmamakaawa mo magiging maayos ang lahat?! Selena, wala ka sa palabas sa T.V...hindi 'to drama, tunay na buhay 'to..at dito wala kang ibang dapat sisihin kundi ang sarili mo." Tingin niya sakin mula ulo hanggang paa na parang minamaliit nya ako bilang isang babae. Sinaway siya ni Syd ngunit hindi niya ito pinansin. Humakbang siya sakin palapit kaya napaatras ako.

HOWL of Fate. (MATED TO LOVE YOU) COMPLETED.Место, где живут истории. Откройте их для себя