Chapter 122.

648 39 27
                                    

BREAK IT or MAKE IT.

"Okay! Let's get this done!" Agaw atensiyong boses ng isang lalaki, ng isang Alpha.
Lahat kami ay napatingin kay Dad. Wala akong mabakas na pagdadalawang-isip sa kanyang mga mata na tumulong..ngunit may kaunting pagkatakot sa gagawin niyang paglagay sa sarili niyang buhay sa posibleng problema.
Paano kung siya naman ang malason? Anong gagawin namin? Sinong Alpha ang tutulong samin para gamutin sya?? Wala! Wala akong maisip. Si Uncle Damien??? Possible?

"Are you sure you are ready, Alpha Theo?" Tigil ni Dad sa paglapit ng tanungin siya ni Susanna. Ano bang gusto niya? Narito ba sya para tumulong o para patagalin ang problema?
"This is not a simple thing and matter. Your life is at stake." Madiin pagdikdik nito sa pinupuntong ipakita sa Alpha. But I am sure that Dads decision is final and will not be falter...even if it is to risky.
"Please....save him." Pagmamakaawa ng mommy ni Ponse habang nakakikipagtitigab si Dad kay Susanna.
May luha sa mga mata nito at namumula na ang ilong dahil sa pagiyak. Takot na takot na mawala ang kanilang bunsong anak. Ang apple of the eye nila. Naalala ko nuong mga bata pa lang kami na palaging nahuhuli sa lahat ng bagay si Ponse dahil mahina ang pisikal nyang katawan sa aspetong pisikalan. Sa pagtakbo, pagbubuhat, pagakyat at lalo na sa pakikipaglaban. Kaya kami ang palagi nyang tagapagtanggol especially Diether kaya sila naging magbestfriend. Naging matibay lang ang pangangatawan niya nang magising na ang inner beast nya. Nawala ang pagiging masakitin at lampa niya. Nawala ang pagiging mahina ng katawang pisikal niya. Kaya naman alagang-alaga siya ng mommy nya up until now.
He's charming enough to be loved by anyone around him.
Nawala man ang bilugan niyang pisngi at nagbago ng kaunti ang pisikal niyang itsura but the old sweet charming Ponse that we all knew is still in his cute boyish soulful eyes. At ang mga matang yun ngayon ay nakasara at napapalibutan ng itim na bilog na marka.

Save him please.

Naramdaman ko na lang na tumulo na pala ang luha sa nagiinit kong mata.

"Please..save our son."

Hinakbang ng tuluyan ni Dad ang kanyang paa at nilapitan ang kaibigan kong namumutla at nilalamon ng dark violet na ugat ang katawan..palapit na sa puso niya. At kapag nangyaring malason na ang puso niya....wala na kaming magagawa pa.

Tinignan ni Dad si Mommy na nasa kabilang panig ng kwarto kasama sina Auntie Mercury at Aunt Luren. Tila may sinasabi siyang kung ano rito. Parang sinasabi niyang "it's okay" "I will be fine" "Do not worry". Kitang-kita ang connection nilang dalawa as true mates. And it hurts..

Why??

Because it made me realize my big damn hell of selfish mistakes.

Lalo akong nanlambot.

"Anong kailangan kong gawin?? Hawakan sya??" Tanong niya kay Susanna nang nasa tabi na siya ng higaan kung saan nakaratay si Ponse.

"Touch him. Feel the power. The connection between the two of you. Care." Parang nagbigay lang siya ng ingridients sa spell na ibubrew nya kung sabihin iyon ni Susanna. But we all sure na hindi iyon ganun kadaling gawin.

Humugot ng malalim na hininga si Dad bago sinunod ang utos ni Susanna.

"I can feel the poison in his body." Ngunot-noong tingin ni Dad sa kabuuan ni Ponse bago niya dahan-dahang inilapat ang kamay sa braso nito.
At pigil-hininga naming hinintay ang susunod na magaganap at pinanood ang nangyayari.

We waited with full force of anticipation.

It is a matter of break it or make it.

Ilang segundo pa lang ay inaasahan naming may mangyayaring kung ano kay Dad ngunit lumipas ang ilang minutong wala namang pagbabago.

Tumuon kay Susanna ang paningin ni Dad na nagtatanong.

HOWL of Fate. (MATED TO LOVE YOU) COMPLETED.Where stories live. Discover now