001-Changed front

3 1 0
                                    


Viviana Ione Fallon summoned from another world. The smart yet weak young girl is not an ordinary human. She possessed life, the knowledge and the power to lead. Though, it's been asleep for over 10 years ago. Her past is still mystery for her. A mystery that she can't decipher.

Will the six guardians who summoned her decipher the truth of her existence?

--

THIRD PERSON'S POV

Sa di mabilang na pagkakataon, muling umuwing naliligo sa dumi si Viviana. Dala ang nakapintang maliit na ngiti sa mga labi, sinalubong siya ng katahimikan ng kanilang tahanan.

Sa dibdib ng dalaga ay mayroon pang dumagdag na bigat na matagal niya ng dinaramdam. Nakakatuwa sana, ngunit tila ba isang walang katapusang kawalan ang nasa loob niya. Di mapuno-puno. Di malaman ang hangganan. Panay tanggap lang siya sa sakit, sakit na para bang walang katapusan.

Sa hindi ulit mabilang na pagkakataon, laylay ang balikat at mabigat ang paang nagpatuloy siyang maglakad. Patungo sa hagdan at pasilyo na kilometro ang layo para sa kanya.

Walang lakas na itinaas niya ang kamay upang hawakan ang seradura ng kanyang silid. Ang ingit ng pinto ay nakapagbibigay ng kilabot. Ramdam niya ito. Ramdam niya ang kakaibang ihip ng hangin sa loob.

Inihakbang niya ang mga paa papasok. Tumigil siya sa gitna at nahilo. Sabay nito ay ang pagbomba ng kaba at takot sa kanyang dibdib. Inilibot niya ang paningin sa kabuoan ng madilim at tahimik na silid. Mayroong kakaiba roon na hindi mapangalanan ng dalaga. Para bang ibang dimensyon ang napasok niya. Pakiramdam niya ay maraming mga nakatagong mga mata sa dilim ang nakatingin sa kanya. Nanginig siya sa kilabot na hatid noon. Kagat labing nabitawan niya ang mga libro niya sa paaralan. Ngali-ngali niyang inihawak sa ulo ang mga kamay. Napapikit siya.

Pakiramdam niya ay nasa isang kawalan siya. Nahuhulog. Walang hangin. Walang hangganan. Sa isang iglap ay tumahimik ang paligid. Naging normal ang ihip ng hangin. Ngunit naroon pa rin ang bigat ng presensya ng mga matang nakatingin sa kanya. Kahit tinatambol ang dibdib sa kaba ay naglakas loob siyang imulat ang mga mata.

Nawala bigla ang kakahayan niyang mag-isip. Napakurap siya ng ilang ulit. Tuliro siyang umikot ng mabagal upang makita ang katotohanan.

'H-hindi ito totoo!' Ang sambit niya sa kanyang isipan. Nagbukas sara ang bibig nito. Di maapuhap kung ano ba ang tamang isasatinig.

Ang mga mata ng mga nilalang na nakatingin ngayon sa dalaga ay nanghuhusga at kinikilatis siya. Tumatagos sa puso niya ang talim, lamig at pangmamata.

Sa mala-lawin niyang mga mata ay di nakalampas doon kahit maliit na reaksyon ng mga ito. Mayroong ngumiwi, nangunot ang noo, tumalim ang tingin, malamig na presensya at panghuhusga. Napansin din ng dalaga ang pagbukas sara ng bibig ng isa sa babaeng matalim ang tingin sa kanya. May sinasabi siya, mayroong tinig ngunit hindi niya maintindihan, ngunit ramdam niya ang pagkadisgusto roon.

Di makalma ang naghuhurumentado niyang dibdib. Kaba, takot at di niya maipaliwanag na pakiramdam ang naghahalo ngayon sa sistema niya.

Nahigit niya ang hininga ng sa isang iglap ay nasa harap niya na ang isa, napaatras siya ng isa. Nadagdagan ang panginginig ng mga tuhod niya. Mas lumamig ang kanina pang malamig na mga kamay. Napakabilis nito, ngunit kitang-kita niya ang galaw nito. Para siyang hangin na slow mo ang galaw sa paningin niya.

Inangat nito ang kaliwang kamay at itinutok sa noo niya. Napakurap siya at sa isang iglap ulit ay nakabalik na ito sa dati nitong pwesto.

"Now, you can understand us." Umawang ang labi ng dalaga ng maintindihan ang sinabi nito.

Summoned TruthWhere stories live. Discover now