005- Beginning of downfall

0 0 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

   Sa loob ng halos dalawang buwan ay lumaganap na ang pagkawala ng mga kapwa nila magos. Pasalamat na lamang sila at hindi pa ito nakakarating sa emperyo.

Naging malamig ang presensya ng pangkat nina Fancy. Pinangunahan niya ito. Buo pa rin sila pero alam ng bawat isa na sira na sila sa loob.

Palaging wala si Fancy upang kumalap ng impormasyon upang mahanap si Viviana. Hindi siya susuko, hindi niya susukuan si Viviana. Alam nito na kahit siya na lang ang natitirang tagapagtanggol nito ay hinding-hindi niya ito iiwan katulad ng ginawa ng iba pa.

Gustohin man ni Fancy na mag-isa na lamang ngunit alam niyang mas malakas sila kung sama-sama ang anim na tagapagtanggol ni Viviana.

Kaliwa at kanan ang pagkawala ng mga magos. Nababahala na ang mga mamamayan dahil nasasaksihan nito ang ibang mga krimen. Hindi nag-aatubili na pumatay ang kalaban kahit mayroong nakakakita. Wala itong takot. Para bang mayroon itong alas na pangbala kapag mayroong umalma at iyon ang kinatatakot ni Fancy.

Nasa kalaban si Viviana at alam niyang ito lamang ang alas na tatapos sa buong bansa. Mapuruhan man nila ang ibang kalaban ay nariyan si Viviana para ibalik ito sa buhay.

Sadyang makapangyarihan ito ngunit inignora lamang ng mga dapat na mas nagpapahalaga rito.

--

Ramdam sa loob ng tinutuloyan ng Raphaela ang pagbabago. Hindi na maingay na palaging pinangunahan ni Tyra at Blue. Ang bangayan ng dalawa na palaging nauuwi sa pagkasira sa ibang parte ng tahanan.

Hindi na rin madalas marinig ang nakakairitang paghikab ni Waft. Para bang iniwan na ito ng antok at palagi na lamang gising. Kitang-kita sa mga mata nito ang puyat. Nangingitim ito at lubog na.

Ramdam rin ni Glacier ang lamig ng sarili niyang elemento, dahil dito ay pati ang iba ay nadadamay. Halos balutin ng napakalamig na yelo ang kalahati ng tinutuloyan nila, kaya hindi na nagagamit pa ni Blue at Red ang mga silid nila.

Si Red naman ay parang maamong tupa na pilit inaabot si Fancy na palaging papalayo sa kanya. Palagi nito itong tinataboy at tinuturing na hangin.

Ibang-iba na ang lahat. Kanya-kanya na silang lakad. Hindi na sila sinasabihan ni Fancy ng mga impormasyon at kahit ano pa. Sa paglayo ng pundasyon ay unti-unti silang nalulugmok.

Napagtanto nila na totoo ang sinabi ni Fancy noon, na si Viviana ang kaligtasan nila o ang babagsak sa kanila. Unti-unti na nilang nararamdaman ang paglaho ng kanilang direksyon sa buhay. Unti-unti ng nawawala ang rason kung bakit sila naroon. Hindi na nila alam kung ano ba ang rason kung bakit sila nabuhay.

--

WAFT OYA POV

Madilim na naman kaya nasa daan ako papunta ngayon sa paborito kong lugar dito. Ang Godiva. Ang isa sa mga kilalang bahay libangan dito. Mayroon ditong sugalan, kainan, inuman at maaari rin ditong humanap ng parausan. Mayroong mga kwarto rito maaari kang manatili ng magdamag kasama ang napili mong bayaran.

Dalawang buwan na akong pabalik-balik dito. Ito ang direksyon ko pero sa totoo lang ay nawalan ako ng direksyon sa buhay. Sa tuwing susubukan kong pumikit o matulog ay palagi akong dinadalaw ng imahe ni Viviana at ang himig niyang nagmamakaawa. Pati na rin ang huli niyang sinabi sa akin, na naiintindihan niya, ngunit hindi ko maintindihan. Nawala ang kakayahan kong mag-isip at umintindi.

Nagkamali ako at sinisingil ako ng pagkakamaling iyon ng tahimik at siguradong mararamdaman ko ang epekto noon.

Halos mabaliw ako, kaya palaging alak ang kasama ko. Ni hindi ko na nga alam ang pinaggagawa ng iba. Kahit nga ang tignan man lamang si Tyra. Hinahayaan kong libangin ang sarili sa alak at sa babae. Paminsan-minsan na lamang ako kung matulog sa tinutuloyan namin.

Summoned TruthOù les histoires vivent. Découvrez maintenant