003- Her Existence

0 0 0
                                    


WAFT OYA POV

   Isa siyang misteryo sa amin. Hindi ko pa rin siya magawang tanggapin bilang isa sa amin. Hindi nagbago ang presensya niya. Ganoon pa rin, mababa para maging isang magos.

(A/N: Magos, an Italian word for magician)

Naghahanda kami ngayon papunta sa sentro para tumanggap ulit ng trabaho at irehistro si---Ano nga palang pangalan niya?

"What is your name anyway?" Nagsitingin sila sa akin ng magsalita ako ibinaling lang agad sa tao, kung saan ako nakatingin.

Naroon siya sa tabi. Nakatayo, parang bata na nawawala. Nakasuot ng kapang itim na kinakikilanlan ng gropo namin. Nakatingin sa akin ang mapupungay niyang mga mata. Mga matang punong-puno ng emosyon. Hindi iyon nakatago, kailangan lang ilabas ng nakatikom niyang bibig.

Naging mabagal sa paningin ko ang pagkurap niya at pagbuka ng bibig. Nabalik lang ako sa reyalidad ng sikuhin ako bigla. Kunot noo kong nilingon ang may gawa noon, ang tanging nalingunan ko ay Tyra na salubong ang dalawang kilay ngunit sa tao nakatingin.

"Viviana Ione Fallon!"

"The life, the knowledge and the power to lead!" Pagkatapos nitong magsalita ay sinundan ito ni Fancy na kinataka namin.

"What are you saying Fancy?" Tanong ng katabi ko.

"Her name it is. Viviana for life, Ione for the library of knowledge and Fallon for the great ruler!"

"Where do you get your name?"

Si Blue. Nakakapagtakang wala pa rin ekspresyon ang mukha niya, pumapangalawa na siya kay Glacier.

"I don't know. I never had a chance to asked my parents." Saad niya sa mababang tinig.

"Don't put too much attention to it, maybe it's just a coincidence. Let's go!" Nagkibit balikat na lamang ako at nagsimula ng maglakad papunta sa mga kabayo namin.

"Do you even know how to ride a horse human?" Sinulyapan ko si Blue. Nakatingin siya pababa sa tao. Siya na lang pala ang hindi pa nakakasakay. Umiling ito ng mabagal.

"She's really useless!"

Parinig ni Tyra. Napahikab na lamang ako sa tagal nila. Masyado siyang abala sa amin. Nabitin sa ere ang hikab ko ng makita kung paano lumapit si Blue sa kanya at iabot ang kanyang kamay. Di nakakapaniwala pero inaalok niya itong isakay sa kabayo niya. Naitikom ko ang aking bibig, hindi ko alam kung paano magrereak sa aksyon ni Blue.

Ano ba talagang nangyari sa kanya?

Nanginginig na itinaas ng tao ang kaliwang kamay upang abutin ang kamay ni Blue. Amoy na amoy ang alinlangan.

Napataas bigla ang kilay ko at umangat ang gilid ng labi ng bawiin ni Blue ang kamay at humalakhak ng tuwang-tuwa. Kakaibang tawa kumpara sa mga tawa niya noon. Naaaliw siya.

"You need to learn Viviana. You're supposed to be our Captain. Man up!!"

"B-but I'm a woman!"

Naitikom ko ang labi ko kasabay ng pag-awang ng labi ni Blue. Narinig kong suminghap si Tyra at humagikhik si Fancy.

"This is impossible!" Saad pa ni Tyra. Bulong niya lang iyon pero narinig ko.

Ilang sandali ng pananahimik ni Blue ay nangibabaw ulit ang halakhak niya sa paligid. Imposibli nga ito.

Inilingon ko ang ulo ko at tumama ang mga mata ko kay Glacier na tahimik pa rin ngunit mataman siyang nakatingin sa dalawa. Isa pa ito. Wala siyang emosyon dapat, ngunit tinatraydor siya ng kanyang mga mata. Mayroong kislap doon na hindi ko mapangalanan.

Summoned TruthWhere stories live. Discover now