11 - The first Imperial Prince

0 0 0
                                    


FANCY CALIPSO POV

     Dalawang araw na ang lumipas mula ng mangyari ang hindi inaasahan ng lahat sa loob ng emperyo kahit na kaming mga bantay niya. Kasalukuyan kaming nananatili sa palasyo ng nag iisang prinsesa. Sa loob ng emperyo pinanatiling malinis at buhay ang palasyo ng prinsesa. Maayos ito, malinis at para bang hindi man lamang yumao ang prinsesa. Narito pa rin ang mga alaala nila sa prinsesa. Hindi itinapon o binasura man lamang, kahit ang mga damit na ginagamit nito noong bata pa lamang siya. Nakakatuwang kahit dalawampung taon na ang lumipas hindi nila ito kinalimutan man lamang, at narinig ko mula sa isa sa tagapaglinis dito sa palasyo ng prinsesa na madalas itong dalawin ng mga kamahalaan kapag nasa emperyo lamang sila. Para bang ang palasyo ng prinsesa ang kanilang pahingahan sa loob ng emperyo.

Dalawang araw na ang lumipas at dalawang araw na ring nananatili lamang sa loob ng silid aklatan si V. Katulad ng ginagawa niya noong kababalik pa lamang niya sa tinutuloyan namin, patuloy lamang siyang nagbabasa, hindi lumalabas, hinahatiran lamang namin ng makakain at ayaw ng kahit sinong bisita sa loob o tumanggap man lamang.

Dalawang araw na rin na wala pa ring balita sa mga kamahalaan. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, inuutos lamang ng Emperador na buksan ang palasyo ng prinsesa at hayaang manatili kami rito. Sinabi nitong magpapadala ito ng balita sa Emperatress na nasa ibang bansa at sa bunsong prinsipe na nasa kagubatan pa rin. Kapag nakauwi na ang mga ito saka pa lamang sila mag uusap. Usapang pamilya.

"Your highness!!" Saad ng isang tagapaglinis dito kaya napalingon ako. Kahit ang iba ay natigil sa pag eensayo, narito kami sa malawak na harap ng palasyo, nakaupo ako habang pinapanood silang mag ensayo. Tumayo ako at nagbigay galang din sa prinsipe. Tumango lamang ito at tumigil sa harap ko.

"Where's mi Petite Soeur?!" Nakakapanibagong makarinig ng sinaunang lenggwahe at nakakapanibagong si Viviana ang tinatawag niya noon. Kung noong una hindi siya makapaniwala at hindi makahuma, ngayon naman ay para bang wala na iyon at tinanggap niya agad ng buong loob. Kita ko rin sa mga mata niya na nagkaroon iyon ng kulay.

"At the Library, your highness! But I'm afraid she doesn't want anyone or any visitors to disturb her."

Gumalaw ng bahagya ang gilid ng kilay niya, hindi ko mawari kung nagustohan niya ba o hindi ang sinabi ko, ngunit palagi ko iyong nakikita na ginagawa ni V, naitikom ko ang bibig ng mapansin iyon. Magkapatid nga sila.

"Then I'll try my luck!" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumigil ito ng ilang segundo para bang hinihintay niyang magbigay daan ako. Wala akong nagawa kasi nga ito pa rin ang prinsipe. Nagbigay daan ako at bahagyang yumuko nasa baba ang tingin. "Thank you!"

Noong makadaan ito saka pa lamang ako umayos ng tayo at nilingon siya, kung saan patuloy lamang itong naglakad patungo sa loob kung nasaan si V. Nilingon ko ang iba na ganoon din ang tingin.

"It's all right!" Saad ko. Alam naman ng lahat iyon pero hindi na sila bumalik sa pag eensayo. Para bang hinihintay na lamang namin kung ano man ang mangyayari.

---

VIVIANA IONE FALLON POV

"Come in!" Kasalukuyan kong binubuklat ang isang libro. Alam ko na kung sino man ang bisita sa likod ng pintuan. Sa pagbukas ng pintuan nagbigay iyon ng mumunting lagitnit.

"You love reading!" Hindi iyon tanong, pagkompirma iyon sa sariling nakita. "May I sit, your highness?!"

Umangat ang gilid ng kilay ko sa narinig. Nakakapanibago at nakakatuwang marinig iyon galing sa kanya. Wala akong masyadong alaala na malapit kami sa isa't-isa noong kabataan ko pa lamang, noong ako pa si serenity. Palagi siyang nakatingin lamang sa akin na para bang isa akong bagay na hindi nabubuhay. Ni hindi niya ako hinawakan man lamang o nilapitan, palagi itong nakadistansya at palaging ganoon ang tingin. Ni wala kaming pag uusap noon na lumampas sampong letra. Ni hindi niya ako tinawag sa pangalan ko, o ni hindi niya ako tinawag ng kung ano man. Mailap siya at tahimik. Hindi ko alam kung hindi ba siya natutuwa na isinilang ako o ano pa man.

Summoned TruthWhere stories live. Discover now