006- Resolve

0 0 0
                                    


BLUE STELLAN POV

   Hingal akong tumigil ng mapatumba ko si Caspian. Ang kapatid ko. Tubig din ang elemento niya katulad ko, bihasa sa labanan gamit ang kamao at ang abilidad ay ara, na ang ibig sabihin ay ulan.

Tumawa ito ng mahina at umupo. Pareho kaming hingal matapos magtunggali. Palagi na namin itong ginagawa dalawang buwan na ang nakalilipas, mula ng umuwi ako rito sa amin.

Paminsan-minsan na lamang ako bumabalik sa tinutuloyan namin sa sentro. Sisilip kung naroon siya kahit imposibli at aalis na. Hindi ko na makayanan pa ang lamig sa loob. Para bang sa tuwing papasok ako roon ay ibang lugar napapasok ko, hindi pamilyar at hindi na komportable.

"I really can't defeated you now, dude. You improved too much for a short period of time."

Naroon ang pagkabilib at tuwa sa boses niya ngunit hindi noon nahaplos ang puso ko. Wala ng sinuman o anuman ang nakakabuhay ng dugo ko. Palaging mayroong kulang. Palagi akong mayroong hinahanap. Hindi kompleto ang araw ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat gawin sa mga araw na dumarating.

Nakalimutan ko ang rason ko. Nawala ako sa landas na binuo ni Fancy para sa amin. Hindi ko na tuloy alam kung saan magsisimula sa araw-araw, kahit ang pakikipagtunggali sa kapatid ko ay nakukulangan ako. Hindi ako masaya na mas malakas na ako sa kanya. Hindi ako masaya na nakikita siyang nakasalampak sa lupa. Hindi. Kulang talaga.

"Do you think it's better this way?" Humiga ako at tumingala sa kalangitan.

"What do you mean?" Bagot kong tanong. Kahit pagsasalita ay ayoko na. Nakakapagod masyado.

"That, you're staying here instead of doing something to solve anything!!" Umingit ako at umupo bigla.

"Mind your own business Caspian!" Matalim kong saad. Umiling-iling lang ito at ito naman ang humiga.

"How? If you keep on pulling me to spar you? You know I have my own life outside and Crystal is too sensitive right now!"

Si Crystal Stellan, ang asawa niya. Buntis ito sa pangalawa nilang anak. Tubig rin ang elemento, bihasa sa pagpapagaling at ang abilidad ay ang sayaw ng tubig.

Pumikit ako at hinayaang bumagsak ang likod ko sa madamong parte rito. Masakit pero di ko ininda. Nakakaramdam ako ngunit pati ang pag-inda ng mga iyon ay nawalan ako ng interes.

Dalawang buwan na. Kahit iyong pakiramdam na bigla na lamang sabay naming mararamdaman ay nawala. Nalaman namin na konektado iyon kay Viviana. Nararamdaman namin ang mga matitindi niyang emosyon. Kaya siguro ako naging ganito kasi hinahanap ko ang pakiramdam na iyon. Umaasa na isang araw ay bigla na lamang siyang magparamdam, para naman malaman namin kung buhay pa siya o nandito pa siya.

"What for?"

"For her! Are you really going to let her go without a fight? You still have a long way ahead, Blue. This is one of those downfall that will really pushed you down!" Naiintindihan ko siya, pero di siya umaabot sa puso ko. Nagkaroon ng harang ang puso at isipan ko para hindi sila magkasundo. Gustong-gusto kong patunayan iyon, hindi ko lang nakukuha ang tamang aksyon at rason para harapin iyon. "You're letting yourself be drowned by regrets that's why you can't even move forward with your fall."

Naitikom ko ang mga labi ko. Nagkaroon ng kaunting siwang sa harang sa puso ko at umabot iyon sa loob ko. Tinamaan ako. Nag-isip ako ng mabuti dahil sa sinabi niya.

Tama siya. Ngayon alam ko na ang rason kung bakit ganito na lang ako. Pagsisisi. Iyon ang dahilan. Nagpakain ako kasi wala akong ginawa kung hindi ay panoorin lamang siyang maglaho kasama ng mga Draven. Wala akong ginawa. Hindi ko sinubukan. Nawalan ako ng tiwala sa sarili at naging duwag ako.

Summoned TruthWhere stories live. Discover now