008- Way Back home

0 0 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

   Naging matahimik ang paglalakbay ng pito pauwi sa kanilang tinutuloyan. Pauwi sa kanilang tahanan. Walang nangiming magsalita o magtanong pa. Masyadong mabigat ang hangin na pinagsasaluhan nila. Parang isang kilos lamang ay mayroong tutumba na lamang ng di inaasahan.

Masakit. Masakit sa dibdib. Iyon ang nararamdaman ng anim na tila ba di ito alintana ni Viviana. Sa katanuyan, hindi niya ito alam. Hindi niya alam na nararamdaman ng anim ang mga matitinding emosyon na kinikimkim niya.

Sa ngayon, pilit na ibinabaon ni Viviana ang katotohanan at reyalidad kung ano nga ba talaga siya at kung sino siya. Maraming katanungan, ngunit mas pinili niyang huwag ng alamin. Hindi niya na kakayanin pang madagdagan ang sakit na kanyang dinaranas.

Panaka-nakang sinusulyapan ng anim si Viviana na tahimik lamang na pinangungunahan sila. Hindi nagmamadali at hindi rin nakakainip ang ritmo ng pagpapasunod nito sa sinasakyan. Nananatiling nasa likod ang anim. Takot na manguna o pumantay man lamang.

Sa respeto at takot na nararamdaman ng anim ay parang buntot sila ng Emperatris. Iyon ang unang mararamdaman ninuman kapag nakita siya. Hindi man niya gustong mapansin ngunit mas nangingibabaw siya sa lahat. Walang duda. Hindi man kasing lakas ng hatak niya ang kasalukuyang Emperatris, ngunit ang bumabalot pa lamang sa kanyang otoridad ay malamang mapagkakamalan itong isang dugong bughaw.

--

Nakarating sila na parang isang linggo ang kanilang nilakbay. Malayo at matagal.

Sa unang pagkakataon ay ito ang sa tingin ng anim na pinakamatagal at pinakamalayong paglalakbay nila. Matagal ngunit alam nila ang kanilang direksyon. Nahanap na muli nila ang direksyon na kanilang nais tahakin. Ang direksyon kung saan sila ang pakpak ni Viviana.

"Are you hungry V? Do you want me to cook something for you?"

Si Fancy ang naglakas loob na magsalita. Kaya niya pang tiisin ang katahimikan ngunit nag-aalala siya na baka gutom na si Viviana.

Tumigil ito sa hamba papunta sa pasilyo sa kaliwang bahagi ng tinutuloyan nila. Mabagal itong lumingon, suot ang paborito na nitong ngisi sa labi.

"Be my guest, Fancy Calypso. Make it seven servings. It's good to eat with everyone again, right?"

Hindi na hinintay pa ni Viviana na makasagot si Fancy. Tinalikuran na ulit nito ang anim ng walang lingon likod.

"Let me help you, Fancy!"

Presinta ni Tyra makalipas ng halos isang minutong katahimikan mula ng maglaho sa paningin nila si Viviana. Tumango ng mabagal si Fancy at nanguna ng pumunta sa kusina.

"Let's change and come back after!"

Si Red. Nagsimula na rin maglakad papunta sa kanyang silid. Parang mga manikang walang buhay na sumunod si Waft at Blue.

Pakiramdam at alam ng lahat na kailangan na nilang sundin mula ngayon ang mga utos at salita ni Viviana. Lumabas na ang tunay nitong kakayahan at lakas. Kayang-kaya na nitong pamunuan ang pangkat nila, ang Raphaela.

Ayaw man aminin ng lahat ay natatakot sila sa magiging reaksyon at aksyon ni Viviana kapag tumutol sila sa anumang sabihin nito. Sa tingin nila ngayon ay isang maling galaw lamang ay mararanasan nila ang kaparusahan na di pa nila nararanasan.

Hindi nila akalain na darating ang pagkakataon na kusang loob silang magpapakababa at luluhod ng matagal para sa isang nilalang. Lalong-lalo na si Glacier na sunod na mamumuno sa kaharian nila. Si Red na kailan man ay hindi tumanggap ng pangmamata. Si Tyra na kailan man ay hindi umatras sa anumang labanan. Si Blue na nasanay na nanonood lamang na nahihirapan ang iba. Si Waft na mas gugustong matulog kaysa magpagod. Si Fancy na ni minsan hindi pinangarap na maging kagamitan lamang.

Summoned TruthDove le storie prendono vita. Scoprilo ora