10 - The Royal's

0 0 0
                                    


FANCY CALYPSO POV

       Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, naghahalo lahat. Kasalukuyan kaming sakay ng kanya-kanya naming mga kabayo, papunta sa emperyo. Pinangungunahan ni V, katabi ang babaeng nagngangalang Noelle Meden. Hindi ko mawari kung saan ito nakilala ni Waft pero ramdam ko dahil pareho kaming Mist ang elemento.

"This is such unexpected." Mahina lamang iyon pero narinig ko iyon mula kay Blue. Hindi lang siya, kung hindi lahat kami pati si Viviana, hindi namin ito lahat inaasahan. Wala pa kaming plano, wala pang plano si V, o baka nga mayroon na siyang nabuong plano pero kailangan niya lang ng sapat na mga impormasyon para maisagawa iyon. At ang impormasyon tungkol sa yumaong prinsesa at kay Viviana ang pinaka hindi inaasahan. Ngunit, kung sakali mang totoo ang nakita ni Noelle Meden, na pinaniwalaan mismo ni Viviana, siguro nga ito iyong rason. Napagtanto kong kaya si Viviana ang nakikita ko noon kasi konektado, siya ang reincarnation ng yumaong prinsesa.

"What brings you here?!" Maotoridad na saad ng bantay papasok sa emperyo. Naging matahimik ang paglalakbay namin mula sa aming tinutuloyan, hindi inintindi o binigyan man lamang ng pansin ang mga nadaraanan namin, kahit na nga bakas ang pagtataka sa mga mukha nila kung sino nga ba kami.

"We are the Raphaela, one of the assassino. We are here to visit the emperor. We have something we would like to discuss with him."

Si Red. Hinayaan ni V na si Red ang makipag usap. May tiwala si V na kaya iyon ni Red. Paraan na rin iyon upang maitago ang mukha ni V.

"We would like to see your faces, reveal yourselves!" Utos nito sa amin. Nangamba ako para kay Viviana. Nilingon ko ito habang tinatanggal ang aking kapa. Hindi lang ako ang nakakaramdam noon, kahit ang iba ay ganoon din.

Mabagal niyang tinanggal ang kapa habang nakayuko. Nakahinga kami ng maluwag ng makitang natatakpan ang kanyang isang mata. Pinakatitigan nito si V, na nakababa lamang ang tingin. Naputol iyon ng harangan ni Blue si V.

"It's rude staring to a lady!" Medyo mariing sambit niya. Nagngitngit ng bahagya ang bantay.

"The emperor is currently on a meeting with his important guest, I'm afraid you can't meet him today. It's better to meet him on the following days." Madiin niyang saad, alam kong nagngingitngit ngayon si Red at Blue.

"Let us in!" Mahina pero mayroong otoridad na saad ni V. Maya maya lamang yumuko ng bahagya ang tatlong bantay at binuksan ang tarangkahan. Umangat ang gilid ng labi ko. Kung gugustohin ni V, mapapasunod niya lahat sa kanya. Isa man sa amin na narito ngayon, hindi lamang gugustohin na suwayin pa siya. Alam namin kung ano na ang kakayahan niya. "Led us to where the Tree of life is!"

---

"Halt!! The Emperor is here!"

Lumingon kami ng marinig iyon, naging alerto pero hindi hinugot ang mga sandata. Nanatiling itinatago si V na nasa harap ng tree of life. Pinakatitigan niya iyon mga tatlong minuto na ang lumipas. Naroon lamang siya nakatayo at nakatingala sa malaki at matayog na puno pero kitang-kita na ang nalalapit na pagkamatay. Nagsisilagas na ang mga dahon, ang tuyong dahon na nasa baba ay nagsilbing banig sa lilim.

Hindi namin mawari kung ano ang iniisip niya o nararamdaman. Hindi namin maramdaman, o baka itinago niya na naman iyon para hindi namin malaman.

Humawi ang maraming mga bantay at inuluwa noon ang Emperor. Kahit na sabihin na pinuno namin si V, nagbigay pugay pa rin kami sa Emperador sa pamamagitan ng pagyuko ng bahagya.

"May I know what's your business?! Your presense disturb the important meeting that I'm attending. Enlighten me with your valid reason, Raphaela!!" Mataas at maotoridad na saad ng Emperador.

Summoned TruthWhere stories live. Discover now