007- On the move

0 0 0
                                    


FANCY CALYPSO POV

    Ngayong araw ay mayroon akong kakatagpuin na may hawak ng impormasyon kung nasaan ang location ni Viviana.

Ang problema na naman ay ang buntot ko, dalawang buwan na ang nakalilipas mula ng panay sunod siya sa akin. Oo, hindi siya nakikialam ngunit pakiramdam ko ay papatay siya ng kung sino na kausap ko at lumalapit sa akin. Kaya napagdesisyonan kong mag-aral pa ng ibang ilusyon katulad noong ginamit ng Draven para hindi sila maramdaman at makita. Sa loob ng halos dalawang buwan ay nahasa ko iyon kaya ilang beses ko na itong ginamit sa kanya.

Sa ngayon nga ay natakasan ko na siya. Nandito lang naman ako sa isang kanto malapit sa kanya, gumawa lamang ako ng ilusyon upang di niya maramdaman.

Kitang-kita ko kung paano niya habulin ang hininga kakatakbo, makita lang ako. Nagpamewang ito at tumingala. Malalim ang iniisip. Ilang sandali pang pagtitig ko sa kanya ay tinalikuran ko na siya.

Idinaan ko na lamang sa ilang pagbuntong-hininga ang paninikip ng dibdib ko. Ayokong ituring siyang ganoon, ngunit nangingibabaw ang hinanakit sa puso ko. Dapat alam niyang sa kanilang Lima ay siya ang mas pinagkakatiwalaan ko, ngunit binigo niya ako noong panahon na pinili niya ako kaysa kay Viviana.

Hindi ako masaya. Hindi ako naging masaya dahil lamang ako ang iniligtas niya. Siya higit sa lahat dapat ang mas nakakaintindi noon.

Isinantabi ko muna iyon at mabilis na tinahak ang daan papunta sa isang maliit na eskinita sa likod ng mga maliliit na bahay aliwan dito.

Malaking tulong ang naibigay sa akin ng bago kong natutunang ilusyon. Swerte pa ako at nailalayo ko ang sarili ko sa kapahamakan. Alam kong delikado itong mga ginagawa ko. Nagsimula muli ako sa umpisa, dalawang buwan na ang nakalilipas. Hindi madali kasi sa pagkakataong iyon ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sa pagkakataong ito ay wala akong mga pangitain. Wala na akong makita pa kahit mga maliliit na imahe na magtuturo sa akin kung nasaan si Viviana. Wala. Wala kahit isa.

"Here!"

Napalingon ako ng mayroong magsalita sa likod ko. Nakakapa rin ito at iminumwestra ang kamay na sumunod sa kanya.

Kahit nabuhay ang takot sa dibdib ko ay sumunod ako sa kanya. Kailangan ko ito. Walang lugar ang takot para rito.

Sinundan ko siya papasok sa isa pang masikip at madilim na eskinita rito. Ibang-ibang mga mababang magos ang mga nakatira rito. Ngayon lamang ako napunta rito. Hindi ko akalain na mayroon ganito kadilim at kababang lugar dito sa sentro. Mga magos na kriminal, mga halang sa balat at bituka, mga bayaran, mga lasingo, mga may sakit at iba pa.

Tumigil ang kausap ko at humarap sa akin.

"Here!"

Mayroon siyang inabot na maliit na papel sa akin. Kahit nag-aalinlangan ay tinanggap ko ito at binuksan. Lokasyon ito sa timog ilang milya ang layo kung nasaan ang ilog ng Rivulet.

"Are you sure of this?"

Paniniguro ko sa kanya.

"Yes, that information will cost my life. You can go back here and slit my throat if I truly fooled you, however, I suggest, don't ever go back here. This place is not a place for the kind of you!!"

Itiniklop ko ang papel at itinago na ito.

"Why are you doing this and who are you??"

"It's not important anymore. Just promise me one thing, bring the sun home to prevent the bloody war."

Isa siyang manghuhula. Isa iyong pangitain at ang tinutukoy niyang araw ay si Viviana.

"Thank you! I will! And here accept this small---"

Summoned TruthWhere stories live. Discover now