009- Hints

0 0 0
                                    


VIVIANA IONE FALLON POV

   Sa loob ng isang linggo ay ang silid ko at ang aklatan ang tanging lugar na pinaglalagian ko. Minsan ay sa aklatan na ako nakakatulog at nagigising sa aking silid. Hindi na ako nagtataka na isa sa kanila ang nagdadala sa akin doon.

Binigay ko ang lahat ng atensyon ko sa pagbabasa ng mga libro rito. Sa halos isang linggo ay nakalahati ko na ang naroon. Inutusan ko si Glacier na mangalap pa ng mga libro na mayroong mga impormasyon. Noong una ay natigil ito at di makapaniwala na inutusan ko siya. Iisipin ko sana na ayaw niyang utusan dahil sa isa siyang dugong bughaw, ngunit ako rin lang ang nagulat sa huli. Tumango lamang siya sa akin at yumuko. Nasa mga mata ang saya. Doon ko naintindihan na nagagalak siyang mautusan ko.

Umiling-iling ako ng maalala iyon.

"He's weird and creepy!"

Gamit lang ang mata ay tumingin ako sa pintuan ng mayroon kumatok doon ng tatlong beses. Hindi ako nagbigay ng kahit anong salita, sa halip ay hinintay itong pumasok.

Bumungad doon si Tyra. Mayroon dalang pagkain.

"It's already lunch time."

Pinanood ko ang bawat galaw niya. Ramdam at kitang-kita ko roon ang pagkailang. Umangat ang gilid ng labi ko.

"Sit Tyra! I have questions!"

Nanigas siya, ngunit nagpalinga-linga rin kaagad. Naghahanap ng mauupuan na sadyang natabunan na ng mga librong natapos ko ng basahin.

Ikinumpas ko ang aking kaliwang kamay at sa isang iglap ay nagsibalik sa dating pinaglalagyan ang mga libro.

"Now, suit yourself!"

Doon niya lang itinikom ang nakaawang na labi at lumunok.

Buhat ang isang silya sa gilid. Umupo siya sa harap ko. Ibinaba ko ang tingin sa pagkain at sinimulang lantakan ito. Hinayaan kong lumipas ang ilang sandali.

"So, are you and Waft split up?"

Suminghap siya sa biglaan ko sigurong tanong o sa mismong tanong ko. Hindi ako sumubo o nagsalita pa, pero nakatitig ako sa kanya. Naghihintay.

Iniiwas niya ang kanyang mga mata sa akin at kumibot-kibot ang mga labi.

"It's not like we are together!"

Mahina niyang saad. Parang bata na nahuling may kasalanan. Nakakatuwa ang ganitong reaksyon at emosyon mula kay Tyra paminsan-minsan.

Hindi niya itinanggi, pero itinamana niya pa ang alam ko na tungkol sa kanila. Hindi naman sila pero mayroon nag-uugnay sa kanila. Katulad ni Fancy at Red. Bilang isang tahanan na tinatawag nila kailangan kong ayusin ang mga gusot na nangyayari sa loob, at sisimulan ko ito sa mga nangangamoy na ilangan at malamig na trato nila sa isa't-isa.

Hindi ko layon na ibalik nila ang alam kong wala ng pag-asa pang personal na ugnayan ngunit iyong samahan bilang isang pangkat ang nais kong hulmahin muli. Nagkaroon ng lamat ang di pa buong samahan noon. Maaaring medyo matagal na silang magkakasama ngunit kitang-kita roon ang pader sa bawat isa. Pader na pareho nilang ayaw na akyatin ng iba. Kaya nga walang nangyari sa personal nilang ugnayan. Hinayaan nila, kaya sa huli naglaho na lamang ito.

Nakakahinayang. Kung noon yun na nandoon pa ako sa aking mundo ay matutuwa ako at kikiligin pa para sa kanila ng palihim. Sila iyong tinatawag na pinagtagpo pero di itinadhana.

"Then, it's okay with you that a lady is on her way here. Asking Waft about me?"

Napatitig siya sa akin. Kunot noo. Nababasa ko ang emosyon sa mga mata niya.

Summoned TruthWhere stories live. Discover now