002- The leftover

0 0 0
                                    


TYRA BLAST POV

   Parang naubos bigla ang hangin sa mga katawan namin dahil sa hatid na lamig at kilabot mula kay Glacier. Napuno ng katahimikan sa loob ng silid. Kahit si Fancy ay napalunok.

Iba ang presensya niya kumpara sa amin. Iba ang dunong niya kumpara sa amin. Dala niya ang kumpyansa at mukha ng isang maharlika. Galing siya sa Norte kung saan naroon ang kaharian nila. Isa siyang prinsipe. Susunod na uupo sa kanilang kaharian.

Bilib ako kay Fancy at naisama niya si Glacier. Muntik pa kaming mamatay sa lupain nila.

"I'm sorry!" Napalingon kami kay Fancy ng sabihin niya iyon. Nagtaka ako. Alam ko hindi lang ako. Naniniwala ako sa kanya at sa kakayahan niya ngunit hindi ang taong nasa harap namin. Masyadong mababa ang porsyento ng presensya niya. Ramdam ninuman na wala itong elemento o anupaman.

"What do you mean Fancy?" Naging madiin ang mga salita ni Red.

"I'm sorry because I'm not letting her to go back to her real world. Like I said I'm going to stand at her side no matter what!" Nagkaroon ulit ng katahimikan sa loob ng kwarto. Hindi siya nagbibiro.

Naikuyom ko ang aking mga kamao na halos bumaon na sa sariling palad ang aking mga kuko. Tinignan ko ulit ng matalim ang tao. Dahil ito sa kanya.

"I'm not letting her go, not until I proved to you that she's the one, but if ever things became worst I'm going to send her back. Just give me time to wake her up. She's still asleep. We needed to---"

"Tomorrow morning, let her meet the Griffin." Naitikom ko ang mga labi, pagkatapos makalabas ni Glacier.

"He's right!" Tumayo na rin si Red at umalis na rin. Nagsimulang sumipol ng tuwang-tuwa si Blue. Gustong-gusto rin ang narinig. Tumayo na siya at tumigil sa harap ng tao.

"Do or die! Good luck!" Sinakop ng lawak ng pasilyo ang pito niya.

"This is a waste of time. Gotta sleep!" Si Waft. Umalis na rin.

"N-no!" Tinapik ko sa balikat si Fancy. Wala siyang magagawa. Iyon lang ang tama at madaling paraan upang mapatunayan ang halaga ng taong ito.

"You can't do anything, Fancy!" Iniwan ko sila roon at bumalik na rin sa aking silid.

"Killed or be killed. What will you do human?"

--

BLUE STELLAN POV

Masaya ito. Nasabi na lahat ni Fancy sa tao ang mga dapat niyang malaman. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang dobleng takot. Doble pa sa takot niya kahapon. Matalino talaga si Glacier. Mabuti at naisip niya iyon. Mapapadali ang lahat.

Malaki ang ngising dala ko mula pa kaninang pagkagising ko.

Masaya to. Masayang manood na kinakawawa pa ang mga dati ng kawawa. Ang mga sigaw nilang humihingi ng tulong. Nakakapagpasaya iyon sa akin. Para akong kinikiliti. Nagiging mabilis ang daloy ng aking dugo. Ito ang gusto ko. Hinding-hindi matatanggal sa akin ni Fancy ang kinasanayan ko. Dugo ang nagpapasaya sa akin. Sigaw ng takot ang nakakapagpatawa sa akin.

"You're into it again, Blue!" Humihikab na saad ni Waft. Tumawa ako ng mahina sa sinabi niya ngunit hindi ako sumagot. Ayokong sirain niya ang kaligayahan ko.

"Fancy!!" Punong takot na saad ng tao. Suminghap ito ng malakas na kinasigaw ni Fancy. Tumawa ako ng malakas sa ginawa ni Waft. Itinulak niya ito gamit ang elemento niya. Lumipad ito papalayo.

Walang magawa si Fancy kung hindi ang gumawa ng harang na ilusyon. Makatotohanang ilusyon na poprotektahan kami sa anumang kapahamakan.

Kompleto kami. Kahit si Glacier na hindi palasama sa kalokohan namin ay narito. Gusto niya talagang tapusin na ito. Mas napangisi pa ako.

Summoned TruthWhere stories live. Discover now