12 - The Second Imperial Prince

0 0 0
                                    

RYDER ALEXANDRIA POV

      "That's our princess, Ryder. That's our petite soeur!"

"Feasty!" Agad ko iyong naisaad. Iyon kaagad ang napansin ko unang kita ko pa lamang sa kanya. Sa agresibo niyang mata kahit natatakpan ang isa nito. Para bang isang malawak, delikado at misteryosong kagubatan ang naroon. Siya mismo ang nabubuhay na kagubatan at kung siya nga ang yumaong prinsesa siya nga ang buhay noon.

"What are you thinking Ryder?!" Tanong ni Einar. Hindi ko ito pinansin dahil ramdam ko, nararamdaman ko kung ano man ang nasa likod ng maliit na takip na iyon ng kanyang mga mata. Nakikita ko, naroon ang panganib na palagi kong nakikita at nakakaharap sa loob ng kagubatan. Maraming katulad na noon ang napuksa ko na hindi ko madaling napagtagumpayan.

"Your eyes!" Mahina kong saad na kinaalerto niya. Umatras ito ng tatlong hakbang at mas naging agresibo ang mga mata, pino na akala mo hangin ang galaw niya. Nagsilutangan rin ang mga aklat na akala mo mayroong buhay. Nakakabilib.

Ang mata niyang agresibo ay naging matalim. Ilang sandali lamang nagsidatingan ang Raphaela, na ngayon ay nadagdagan na ng isa. Nabalitaan ko noong sinabi nilang mayroong bagong pinuno ang Raphaela at kung paano silang mabilis na umaksyon ng subukan sila ni Esmeree. Nakarating iyon sa akin. Tuwang-tuwa si Esmeree na ikwento iyon saakin, kung paano niyang ibinigay ang misyon na dapat saakin. Kung panong ikinwento niyang hindi agad nakabalik ang Raphaela sa pagkuha ng misyon at kung panong nabuwag pansamantala ang gropo nila dahil sa pagkawala ng pinuno nila. Kahit naglalagi ako sa kagubatan mayroon akong mata at tenga sa paligid.

Wala pa sana akong planong bumalik, at wala talaga sa plano kong bumalik kung hindi lamang sa balitang ito. Buhay ang yumaong prinsesa sa panibagong katawan ng isang misteryoso at estrangherong babae. Ramdam ko ring hindi ito ordinaryo, hindi siya isang Amazon pero dahil nabuhay sa kanya ang yumaong prinsesa isa pa rin siyang Alexandria.

Natatandaan ko apat na taon siya noon habang walong taon lamang ako at labing isang taon naman si Einar. Saaming dalawa ni Einar siya ang mas nagagalak na makilala ito at makita pero siya naman iyong hindi man lamang lumapit o kinausap ito ng maisilang na. Hindi dahil ayaw nito sa kanya kung hindi dahil hindi niya alam kung paano ito kausapin, hawakan at tignan. Saaming dalawa ako ang mas nagkaroon ng maraming alaala sa yumaong prinsesa pero hindi iyon rason para timbangin kung gaano kasakit ang naramdaman namin ng mawala ito dahil walang kasing sakit iyon, kung nawala ako sa sarili, mas nabaliw naman ito. Sa kaiingat namin sa kanya na hindi madapuan ng sakit o kaya pagpawisan at masugatan dahil alam naming siya ang sunod na Annaliese, hindi namin akalaing sa epdimenya pala ito babawian ng buhay. Halos lahat kaming Alexandria nagkasakit, sakit na hindi malaman kung saan nanggaling dahil tanging ang Alexandria lamang ang dinapuan.

Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ang mga nagmamadaling mga yabag mula sa labas. Bumukas bigla ang pintuan na tuloyan nitong kinasira. Sa tanawing iyon nagsilaglagan ang mga aklat na nakalutang at ang matalim niyang tingin kumalat sa mukha niya kaya kita na roon ang galit. Mukhang sasabog na ang lioness.

"What happened V?!" Nagsilapit ang Raphaela sa kanya at hinarangan. Nakaharap ang iba saamin na matalim ang mga tingin, handang lumaban at ipagtanggol ang babae. Mukhang tama nga si Esmeree, nakakita ng magaling na pinuno ang Raphaela at napaamo sila ng ganito, mukha silang mga galit na lobo, lobong handang proteksyonan ang pinuno nilang Leon kahit hindi nila ito kauri. Ito ang hinahanap kong katangian ng isang gropo.

'Napahanga mo ako babae! Napaamo mo ang mga ligaw na lobong ito. Magaling!' Pagkausap ko sa kanya gamit ang isipan. Umangat ang gilid ng kilay niya na palagi kong nakikitang ginagawa ni Einar, at nakakairita iyon sa paningin ko, ngayong dalawa na sila kailangan kong habaan pa ang pasensya ko. Sa tingin ko at ramdam ko na dalawa silang kailangan kong bantayan.

Summoned TruthWhere stories live. Discover now