Glimpse from the Past

315 6 2
                                    


"Mia, seryoso ka ba?
Bat sya pa talaga ang na crush-an mo? Of all the people pa talaga?" My friend Ronnalyn asked.

"Why? Bat naman hindi ko sya makacrush-an.? May problema ba kung sya? At crush lang naman. Wala naman makaka-alam no. Hanggang tingin lang naman ako" sagot ko dito.

"Alam ko naman yun Miabels, pero kasi bali-balita na may pagka bad boy talaga yan si Fortich, mabisyo daw at babaero. Iniingatan lang kita friend." pabulong na sabi ni Ronnalyn sa akin.

"Sus, walang makaka-alam no. Ikaw lang at ako, unless dumaldal ka dyan. Hindi talaga kita mapapatawad pag may pinagsabihan ka." Panakot ko dito.

Habang kumakain kami dito sa outdoor table ng canteen ay unti unting nag slow motion ang lahat ng papalapit sa kinaroroonan namin.

It was him we're talking about.

Tila nagniningning ang mga mata ko habang nakatingin sa mapupungay na mata nya.

Nailagay ko na nga ang mga kamay ko sa aking pisngi at nangalumbaba habang nakatitig sa kanya.

Hay, mukha talaga syang anghel.

Kahit ano pang sabihin nila sa mylabs ko ay ok lang. Mukha pa rin anghel kasi ito sa paningin ko.

Sa totoo lang ay hindi pa naman talaga ako nakakakita ng anghel sa buhay ko. Pero ewan ko ba, he really look like one.

Kung ako ay medyo hindi naman kaitiman o kaputian, Siya naman maputi talaga at namumula-mula dahil naiinitan, Hay sana All.

Pati ang mga mata nya na kulay tsokolate na lalong lumilitaw ang kulay pag tumatama sa repleksyon ng araw. Hay ang ganda talaga.

Pansin na pansin ko din ang kanyang mapupulang labi at dimples nya sa kanang pisngi habang tumatawa sya. Sana lagi syang nakangiti.

Nakadagdag pa ang tangkad nito, magandang tindig at pangangatawan kumpara sa mga kabatch namin. Promise di ko sya pinag-nanasahan.

Hay Uriel Simon Fortich...
Nasa'yo na ang lahat. Pati na ang puso ko.

Hindi ko alam na kinukurot na ako ni Ronnalyn para magising sa kahibangan ko.

"Aray...aray naman!"

"Hoy Miabels!, tumigil ka sa pagtitig! Baka mahalata  ka ng mga alipores nya sa likod jusko!" Madiin na bulong nito sa tenga ko.

Agad ko naman inayos ang sarili ko at agad ibinalik ang tingin ko sa pagkain.

Ng magkahiwalay kami ni Ronnabels dahil may klase na sya ay nagpunta na lamang ako sa lugar na wala masyadong tao.

Umupo ako sa damuhan sa ilalim ng malaking puno ng acasia. Napaka-payapa. Hindi maingay, wala masyadong tao.

Marahan na pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang masarap na hangin sa paligid.

🎵let the sun shine
let the rivers run away🎵

Bigla akong napadilat sa gulat ng marinig ang strum ng gitara at boses ng lalaking kumakanta.

🎵coz its a beautiful day now
to play now
as i close my eyes and pray🎵

Lalong nanlaki ang mata ko sa naisip.
Si ano ba ito??? 

Wait, bat ba kasi dito pa sya pumwesto sa likod ko diba? I mean, likod ng puno ng acasia kung nasaan ako diba?. Ang laki laki naman ng campus.

🎵lord have mercy on me
coz im feeling kinda lonely
would you be
could you be🎵

I.L.Y, Please Be Mine!Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora