I.L.Y.P.B.M. || Sixteen

112 2 0
                                    


We are here now at the hospital chapel.
Masyadong matagal ang operation ni Ninong that is why we decided to come here and stay for a moment.

"Gaanong katagal daw ooperahan si Ninong?" Tanong ko kay Ethan habang nakatingin sa altar.

Kami lang ngayon dalawa ang nandito ngayon sa chapel dahil kailangan ni Ronnalyn na puntahan ang isa pa nyang pasyente.

"3 to 6 hours." Tipid na sagot nito habang nakatingin din sa altar.

Agad kaming nabalot ng katahimikan. Maybe this is the silence we need to have time to talk to God.

Parehas kaming lumuhod ni Ethan at nagsimulang magdasal.

While im looking in front, i realized that this is the first time i have intimate time to talk to God.

Naalala ko ang mga sinabi ni Uri ng nasa Lakewon island kami.

"Let cast all our problems, anxieties and anything on HIM. Pray your heart out to Him, kahit paulit ulit pa, isigaw mo pa if you want and you'll be surpise that the pain in your heart is over."

Agad akong pumikit at paulit ulit dinasal ang kagalingan ni Ninong Trevor. Paulit-ulit kong dinasal ang lahat ng nasa puso ko. Paulit'ulit na hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako.

"Lord, please save him. I know im not a good follower. I didnt spare a little time to talk to you. Im sorry If I only remember to pray when i need you.. Na pag ok ako ay nakakalimot ako sayo.
But please have mercy on a sinner like me. Have mercy on us. Please save him and extend his life, but if this is really the end, my only prayer for him is not to suffer. Kung ano po ang kaloob nyo ay tatanggapin namin ng buong puso."

I opened my eyes and I saw Uri beside me.

Nagulat ako na ang imahe ni Uri sa tabi ko ay unti-unting nawala at naging si Ethan.

I let out a small laugh because of that.
Nag ha-hallucinate na ata ako.

"Anyari sayo, Hon? Kanina umiiyak ka, ngayon naman ay tumatawa kang mag-isa dyan." Nagtatakang tanong ni Ethan at bumalik kami sa pagkaka-upo.

"Wala po. Sensya na, stress lang" sagot ko dito bagay na ikina-ngiti niya.

"Dont worry too much, Mia. Everything will be ok. Whatever happens, everything will be ok." he said.

"Alam mo Ethan, may naisip ako" panimulang sabi ko dito.

Bahala na Mia. Naaalala ko ang palaging pang-aasar ni Ninong Trevor sa akin at lagi akong hinihiritan na pakasalan ang anak nya.

Baka ito naman talaga ang para sa akin. Baka ito ang paraan upang hindi ko na guluhin pa ang isip ni Uriel Simon. Baka dito talaga ako ilalagay ng Diyos. Baka ito na ang tamang panahon. Baka hindi naman talaga kami ni Uri para sa isat isa.

"Ano naman ang naisip mo?" Nagtatakang tanong nito.

"Mahal mo naman ako diba?"  I frankly asked.

He looked at me in disbelief. Kulang nalang ay sabihin nya kung nababaliw na ba ako.

"Ano ba naman tanong yan? Naka drugs ka?" He said with a broad smile. Mukha syang di makapaniwala sa tinatanong ko.

"Seryoso nga kasi. Mahal mo naman ako diba?" I said glaring at him because of irritation.

"Malamang! Syempre mahal kita. Bat mo pa ba tinatanong yan?" He said laughing.

I sighed big time and dropped the unexpected words.

"Yun naman pala, eh di pakasal na tayo!" Sagot ko dito.

Wala naman syang iniinom na tubig ngunit nasamid ito at paulit-ulit umubo na parang walang bukas.

I.L.Y, Please Be Mine!Where stories live. Discover now