I.L.Y.P.B.M. || Thirteen

123 2 0
                                    


"Miabels! Anong meron sa inyo?, bakit may ganoon?" Nag-uusisang tanong ni Ronnabels sa akin.

After that night, Uri and I decided not to keep things from other people. Kaya pagka-balik namin sa barrio ay magkakapit-kamay kami na nadatnan ng mga kaibigan ko. Halos awatin na nga ni Ronnalyn si Ethan paglapit sa amin ni Uri.

"Ano sa tingin mo?, nakangiti kong sagot dito.

"Lechugas! Di nga? Yung tingin ko, yun na ba talaga?" Nandidilat na tanong nito.

"San ba kayo nagpunta ha??????" She asked.

Ikunwento ko naman dito lahat ng kalokohan namin ni Uriel Simon at hindi ito makapaniwala na nakauwi pa kami ng maayos na maayos. Higit pa nga diba?.

"So kanina gumala na kayo ng hindi kami kasama??? Napakadaya mong bruha ka!" Inis na sigaw ni Ronnalyn sa akin.

Bago kasi kami makabalik ni Uri sa barrio ay dinala na kami nila Tita Nida at ng pamilya nya sa iba pang tourist spot sa Bacolod like The Ruins, etc. Saka nila kami hinatid sa sakayan para makabalik dito.

"Sor-na sis, balik nalang ako doon kasama naman kayo. Peace na" naglalambing na sabi ko dito.

"Hay, kung hindi ko lang nakikita na masaya ka baka FO na tayo ngayon!" Nagtatampong sabi pa rin nito.

"Kaya nga wag ka ng magalit ok" natatawang sagot ko dito.

"Wait, kung libre ang accomodation nyo, so magkatabi kayo ni Father pagtulog? Dont tell me???" She asked with surprised look. OA nga.

"Gagi! alam mo naman na good boy na si Uriel Simon ngayon. Syempre walang ibang nangyari kundi matulog ng matiwasay diba?" Sagot ko dito.

Well, that night was really awkward at first.
Pero totoo ang sinabi ko, good boy talaga si Uri at napaka gentleman nya ng gabing iyon. He didnt take advantage on the situation na magkatabi kami or kahit alam nya na mahal ko sya. Ako pa nga ata ang yumakap pag-tulog.

"Nag-kiss na ba kayo?" Tanong ni Ronnalyn.

"Si Ethan ba nasaan?" Pag-iiba ko ng topic.

"Nauna na kina Mang Tonio, baka gugulpihin na si Uriel" natatawang sagot nito.

Halos lumuwa ang mata ko sa gulat. Shet si Ethan! He is so overprotective nga pala! Baka kung anong gawin nya kay Uri!. Agad akong tumayo at iniwan si Ronnalyn.

Iniwan ko tuloy si Ronnabels na tinatawag ang pangalan ko.

--

"Hey Mi, miss mo na ko agad? Well, i miss you more" Nakangising tanong ni Uri pagdating ko kina Mang Tonio.

Agad ko naman itong kinapitan na hingal na hingal at niyakap saglit.

"Si Ethan? Kinausap ka ba?"

"Tinawag ako saglit, pero may tumawag sa telepono nya kaya ayun umalis. Kaya ka ba pumunta dito kasi hinahanap mo ang ex mo?" Nakataas ang kilay na sabi nito.

"Ay, sus. Jelly ace ka?" Natatawang sagot ko dito ngunit hindi naman ito sumasagot.

"Ui"

"Ui"

"Ui, Uriel Simon. Pansinin mo na ko"  sabi ko pero ang isang to ay napakabebe.

"Anong gusto mo gawin ko para di ka na mag jelly ace?" Tanong ko dito.

He point his finger to his cheek.

Sus iyon lang naman pala. Kaya naman nilapitan ko ito para halikan, ngunit bago pa man ito lumapat sa pisngi nya ay humarap ito, dahilan na tumama ang mga labi ko sa labi nya.

I.L.Y, Please Be Mine!Where stories live. Discover now