I.L.Y.P.B.M. || Eighteen

84 2 0
                                    


"Miabels! Bat ka nagmamadali dyan?" Awat ni Ronnalyn sa akin.

"Nakita mo si Uri?" Hinihingal na tanong ko dito.

"Ah eh, nakita ko sya kanina na naglalakad sa may 2nd floor, pababa ata ng ground floor na nagmamadali. Hndi na nga kami nag-usap at mukha syang malungkot.
Ano bang nangyari sis? Hindi mo pa rin ba kinausap? Hay naku sis! Sinasabi ko na sayo na itigil mo na yang pagtitiis mo sa kanya. Wag mong pigilan ang nararamdaman mo at kausapin na sya ng matino. Pinahihirapan nyo lang ang mga sarili nyo." Sermon nito ngunit hindi pa man ito natatapos ay nagmadaling umalis na ako.

Halos patakbo na ang ginagawa ko upang abutan ito hanggang sa mapunta ako sa ground floor.

Finally ay nakita ko sya na nasa Entrance door ng hospital at nakitang palabas kaya ginawa ko ang lahat para abutan ito hanggang sa paglabas nito..

"Uriel Simon!" I shouted but unfortunately he didnt hear me.

Inulit ko ang pagsigaw ng pangalan nya at wala na akong paki-alam kung pinagtitinginan ako ng mga tao dito sa lobby. The hell i care.

Ng hinabol ko ito sa labas ng hospital ay nakita ko itong pasakay ng isang sasakyan kaya isinigaw ko muli ang pangalan nito.

"Uriel Simon!!" Malakas na sigaw ko dito. But no luck, wala pa rin itong narinig.

"Uri!"  tawag kong muli sa pangalan nya ngunit nakasakay na ito sa sasakyan.

Sinubukan ko habulin ang sinasakyan nito ngunit nagpatuloy lang ito sa pag andar kaya tumigil din ako unti unti sa pagtakbo.

Something came to my mind, and that is to follow him so i ran myself on the taxi bay but still no luck,  walang dumadating na sasakyan at tumawag si Ninong Trevor at pinapupunta ako sa kanya.
.
.
---
.
.
"Sis, anong plano mo? Diba hindi mo na macontact ang number nya?" Tanong ni Ronnalyn sa akin dito sa hospital canteen. Katatapos lang ng schedule namin sa OPD and later kami magra-rounds.

"I'll find him" sagot ko dito.

"Wow, taray ng lola mo. Eh di ngayon ikaw na ang naghahabol. Kung di ka ba naman sira e" sermon nito.

"Hep, stop. Oo na, oo na. Tama na nga kayo. I was wrong ok? Ok na? Happy na? Titigil ka na ba sa pagpapamukha sa akin ng kalokohan ko?" I said raising my eybrows.

"Eto na titigil na po, kakatakot ka naman sis. Peace na. Pero san mo na naman sya kakausapin. May kakilala ka bang kamag-anak nya?" natatawang sabi nito.

"Mga pinsan nya and family nya. Alam ko naman kung saan ang bahay nila. Kaya lang nahihiya akong magpunta. And im not sure kung doon ba sya talaga nag-stay ngayon." i said then pouted my lips.

"Aw wow, ang taray na naman. Kilala ang buong pamilya. Eh di go na! Push na! Umalis ka na dito. ! " sabi nito habang tinutulak ako patayo.

"Aray!! Tumigil ka nga Ronnalyn! Isa!" Inis na sabi ko dito.

Pero imbes tumigil ay lalo akong tinutulak tulak nito.

"Puntahan mo na nga kasi! Now na!" Sabi nito kaya wala naman akong gumawa kundi tumayo na.
Tutal wala naman akong pasyente na nakaconfine ngayon, baka pwede na akong maghalf day.

--

Nakatingala ako ngayon sa building ng Fortich Cars Philippines. Since nasa BGC lang naman din ito malapit sa hospital namin ay inuna ko ng puntahan ito.

"Hi Im looking for Michael Fortich" i said to the receptionist.

"Do you have an appointment maam?" Asked by the receptionist.

I.L.Y, Please Be Mine!Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt